CHAPTER 5
NOSGELLIAN POV
Sa ere. Sa pagitan ng buhay at kamatayan. Dito nagsimula ang lahat.
Nakasuot na ako ng parachute.
Hawak ko pa ang isa para kay Nhe-Nhe.
“Pilot! Eto, isuot mo na!” sigaw ko habang nanginginig ang kamay kong inaabot sa kanya ang pangalawang chute.
Pero bago pa niya makuha, isang malakas na hampas ng hangin ang tumama sa gilid ng fuselage.
WHOOOOM!!!
“AHHHHHHHHH!!!” napasigaw ako habang sumubsob ako sa pader ng eroplano.
Nabitawan ko ang parachute.
“NOOOOOOO!!!”
Nakita ko itong nahulog pababa. Tumilapon. Nawala sa paningin.
“Gellian! Back up! FAST!” sigaw ni Nhejoyan, nanginginig ang boses pero pilit kalmado.
“Wala ka nang chute! Hindi kita iiwan! Hindi ako aalis dito! Sabay tayong babagsak!” umiiyak na ako, kumakapit sa kanya.
“Ma’am Gellian... I’m really sorry. I need to do this.”
“ANO?! HINDI HUWAG! HUWAG MONG!”
TULAK.
“NOOOOOOOOOO!!! PILOT NHE-NHEEEEEEEEEEEE!!!”
Isang iglap lang.
Naramdaman ko ang pagbagsak ko sa ere. Bumuka ang parachute ko.
Sa ibaba natanaw ko ang jet.
Pabagsak.
Saan banda? Hindi ko na alam. Masyadong mataas. Masyadong mabilis.
Ang sigaw ko, putol-putol na dahil sa hangin. “Nhe-Nheeeeeeee! TANGINA!!! BAKIT?! BAKIT MOOOO ‘TO GINAWA?!”
Puno ng luha ang mga mata ko habang lumulutang pababa.
Nakita ko ang apoy sa eroplano. Ang katawan ni Nhejoyan sa loob. Nakatayo. Nakatutok sa langit. Nakangiti—o baka guni-guni ko lang.
Isang flash.
BOOOOOOOOOOM!
Sumabog ang eroplano sa malayo. Isang malakas na liwanag. Isang impyerno sa himpapawid.
“HINDI!!!!!!!” halos mapatid ang hininga ko sa pagsigaw. “HINDI KA PWEDE MAMATAY! NHE-NHEEEE!!!”
Sumabog ang damdamin ko. Humahagulgol akong lumulutang pababa. Walang ibang tunog kundi ang pag-iyak ko at ang hangin na dumadagit sa paligid ko.
Gubat. Kagubatan ang nasa ilalim.
Sobrang layo ng binagsakan ng eroplano mula sa direksyon ko. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko alam kung may makakakita sa’kin. Hindi ko alam kung mabubuhay ako.
Pero alam kong siya… hindi na.
“Diyos ko… Nhejoyan…”
Nag-panic na ang katawan ko. Nanghihina. Nanginginig. Hindi ko na kaya.
“Please… please, kahit anino lang niya… ibalik n’yo… kahit sandali lang…”
Bumagal ang lahat.
Sumabit ako sa isang mataas na puno.
Kumiskis ang katawan ko sa matitigas na sanga, gasgas sa braso, sa binti, punit ang uniform ko.
TUG!
Nabitin ako.
Nakabitin ang parachute ko sa sanga.
Nakabitin ako. Walang malay.
Wala nang salita.
Wala nang luha.
Wala nang sigaw.
Ang natira lang katahimikan ng kagubatan at isang katawan na nakabitin sa langit, kagaya ng kaluluwang wala nang direksyon.
“Miss… Miss… hey, wake up.”
May malamig pero banayad na tapik sa pisngi ko.
Tap. Tap.
“Hoy... Gising. Miss, okay ka lang?”
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Nahihilo ako. Malabo ang paningin. Amoy lupa, amoy damo. Tapos… may liwanag. Sikat ng araw.
At may mukha. Lalaking mukha.
May sombrero. May balbas. May buhok na magulo pero mukhang mahal. Tapos
PUTA. HUWAG MO SABIHING HUBAD YUNG PANG-ITAAS NIYA?!
“Miss, thank God. Akala ko patay ka na eh,” sabi niya habang nakaluhod sa gilid ko.
Napasapo ako sa sentido. “Wh… where am I?”
“Nasa kagubatan ka. Actually, nakita ko ‘yung plane mo bumagsak habang paakyat ako ng bundok. Kaya dali-dali akong bumaba kasama si Zie,” sabay turo sa kabayo sa likod niya na kumakain ng damo.
“Zie?”
“Yung kabayo ko. Siya ang kasama ko sa lahat ng lakad. Mas loyal pa sa ibang tao,” ngumiti siya.
“Ah... okay. Ikaw... ikaw yung tumulong sa’kin?”
“Technically hindi kita nasalo kasi naka-parachute ka na, pero ikaw yung nakita kong nakasabit sa puno. Akala ko pa nga katawan ng unggoy, eh,” sabay tawa.
“Ang bastos mo,” napailing ako pero hindi ko napigilang mapangiti.
“Ako nga pala si Etaziel. Pero dito sa bundok, tawag nila sa akin, ‘Papang Eta.’”
“Papang?”
“Yep. Gusto mo, Eta na lang. Mas bagay sa’kin pag cute yung tumatawag,” sabay kindat.
GIRL. TANGINA. NAG-KINDAT YUNG COWBOY NA MAY PA-ABS.
“Ako naman si Nosgellian. Call me Gellian. Or Gelli. Depende kung gaano mo ko kakilala,” sagot ko habang bumabangon.
“Gellian,” ulit niya, para bang inuukit niya yung pangalan ko sa hangin. “Bagay sa’yo. Parang pangalan ng heroine sa pelikula.”
Ngumiti lang ako pero biglang sumagi sa isip ko si Nhejoyan. Ang sigaw. Ang sunog. Yung pagpigil niya sa akin. Yung pagtulak.
“Tangina,” bulong ko. “Nhejoyan…”
“Ha? Sinong Nhejoyan?” tanong ni Etaziel, agad umupo sa tabi ko.
“Pilot ko… Hindi siya nakatalon. Naiwan siya sa plane. Siya ang nagtulak sa akin. Para lang mabuhay ako…”
Napayuko ako. Naramdaman kong tumulo na naman ang luha ko.
“Gusto kong bumalik. Gusto kong hanapin siya… pero hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya…”
Tahimik si Etaziel. Ilang segundo siyang walang sinabi. Tapos marahan niyang hinawakan ang balikat ko.
“Hey… I’m sorry, Gellian. Pero wala kang kasalanan. He made a choice. And you… you have to live for him now.”
“Pero paano kung patay na siya?”
“Then you carry his memory. Buhay ka pa. May dahilan ‘yon.”
Tumingin ako sa kanya. Tumingin siya pabalik. Tapos… pinitik niya ng dulo ng daliri ang luha ko.
“Pero bago mo hanapin ang mga nawawala… kailangan mo munang bumangon, kumain, at magpahinga.”
“Tangina, andami mong sinasabi pero may sense ka,” natatawang sagot ko.
“Syempre. Hindi lang ako mukha at abs. May utak din, minsan,” sabay taas ng kilay.
PUTANGINA ANG NGITI. PARANG KANDILA NA TUMUTUNAW NG DAMDAMIN.
“Halika na. Baka gutom ka na. Hindi ka mabubuhay sa luha at trauma lang,” sabay alok niya ng kamay.
Inabot ko ‘yon. Mainit. Magaspang. Lalaki. Ramdam na ramdam ko.
“Salamat, Papang Eta.”
“No problem, Gellian. Welcome to the jungle. Bago kong adventure, kasama mo na ako,” sabay kindat ulit. “Tara, pakilala kita kay Zie. Siya ang masungit kong kabayo pero malambing ‘pag type ka niya.”
Naglakad kami papunta kay Zie, na agad tumingala sa akin na para bang sinasabi, Sino ka, ate?
“Zie, behave. Special guest natin ‘to. VIP.”
Napatawa ako. “VIP agad?”
“Syempre. Ikaw lang ang nahulog sa langit, literal. Parang pinadala ka dito.”
“Ng eroplano.”
“Ng kapalaran,” sagot niya sabay ngiti.
Tangina. Patay ako dito.