CHAPTER 26 ETAZIEL POV "Papang Eta, ready ka na?" tanong ni Gellian habang bitbit ang golf club, suot ang puting tennis skirt at sleeveless polo na mas lalo pang pinapatingkad ang kutis niya. Sa sobrang ganda niya sa outfit na 'yon, muntik na akong mapasigaw ng "YES LORD!" pero syempre, kailangan kong panatilihin ang pagiging cold ko. "Tumatayo ka lang d'yan. 'Di ka pa marunong mag-warm up?" irap ko, pero hindi ko mapigilang sipatin siya mula ulo hanggang paa. Tangina. Bakit parang gusto kong... kalimutan ang golf at siya na lang i-focus? "O baka naman natatakot kang matalo, Papang?" asar-talo niyang biro. May kasama pang wink, halatang pino-flirt ako. Sa gilid ng field, si Briannah, naka-bucket hat pa at naka-pink dress, sumigaw habang may hawak na iced coffee: "Hoy! Gawin niyo 'yang

