Chapter 4

996 Words
Chapter 4 Lumipas ang buong linggo madalang ko ng nakikita si Thomas na pumunta ng bahay simula ng naging girlfriend niya si Scarlet kahit sa school hindi ko siya madalas na nakikita siguro, marahil palagi silang magkasama ni Scarlet. Hindi ko din tinatanong kay kuya Alex kung ano ang nangyari na sa kanya. Sa ngayon, nag eenjoy akong kasama ang Mga kaibigan ko si Betty at si Cyrus Well, naging barkada na namin si Cyrus mabait naman kasi at tsaka medyo may pagka bading kasi siya Kaya hindi kami naiilang ni Betty sa kanya. Sa katunayan gustong – gusto namin siyang kasama. Sabado ngayon at walang pasok, nagpaalam ako sa mommy ko na pupunta kami ng mall nina Betty may gusto lang kasi akong bilhin na dress at sandals. Agad naman akong pinayagan ni mommy basta bago mag alas syete ay nakauwi na ako. Mag tataxi lang ako papuntang mall okay lang naman, hindi naman kc kami talaga mayaman na tulad ng Mga nag aaral sa University of Santo Thomas nasa educ pay lang ako mas kunti ang binabayaran kong tuition fee yon nga lang kailangan kong e maintain ang Mga grades ko, si Kuya Alex naman varsity ng school Kaya konti lang din ang tuition fee niya. May maliit na business lang kami na pinalago ni mommy at Daddy. Kaya medyo maalwan ang buhay namin. Sa isang sikat na mall sa Makati kami namili  nina Betty at Cyrus. At nang matapos namin libutin ang buong mall sa kakahanap ng gustong dress ni Betty ay nagpasya kaming kumain muna, mag aala singko pa lang naman ng hapon at mahaba pa ang oras namin para mag enjoy ng buong maghapon dito sa loob ng  mall. Pizza ang napili namin kainin mabuti na lamang at hindi masyadong puno ang fast food na napili namin.  Matapos kaming makapili ng aming ordering pagkain ay nagtungo na kami sa bakanteng table ng fast food na ito. Sa may bandang pintuan kami naupo at habang naghihintay ng aming pagkain ay masaya kaming nagusap tatlo, pakiramdam ko nga kami lang ang maingay sa loob medyo pinagtitinginan na kami ng Mga tao dito sa loob ng fast food.  Napalingon ako sa bandang likuran ko ang pamilyar na mukha si Scarlet, hindi ako nagpahalata sa dalawa dahil tiyak na magiingay sila pa simple akong tumingin ulit upang tingnan kung sino ang kasama niya, malamang si Thomas nag dadate sila. Lumipas na ang limang minuto ay nagiisa pa din si Scarlet.  Nag excuse ako kina Betty at Cyrus that I need to go in a washroom. Mag re retouch lang ako baka kasi si Thomas ang kasama niya at baka sakaling makita kami maganda ang tingin niya sa akin kahit na kasama niya si Scarlet.  Nang nasa washroom ako agad akong nagpahid ng foundation at naglagay ng konting lipstick niligay ko din yung buhok ko katulad ng kay Scarlet, Maputi lang siya pero ma’s maganda pa din ako sa kanya at kapag naging dalaga na akong tunay mas maganda pa din ako sa kanya.  Paglabas ko ng washroom ay sinadya ko talagang dumaan sa kinauupuan nila at sakto paglabas ko may kasama na siyang guy nakatalikod ito at hindi ko masyadong makilala. Lumapit talaga ako ng husto para siguraduhin na si Thomas ang kasama niya. Sinadya kong banggain ang upuan niya para mapansin niya ako.  Halos magkulay suka ako dahil sa kaba ng makita kung sino ang kasama ni Scarlet, hindi ako makapaniwala, totoo ba ito? Bakit siya? Anong ginagawa ni kuya Alex dito bakit mag kasama sila ni Scarlet?  “Kuya Alex? “ tawag ko sa kanya.  Siya din ay nabigla ng makita niya ako hindi namin akalain na magkikita kami dito.  “Anong ginagawa mo dito”? Halos sabay na tanong namin sa isat isa.  “Kasama ko ang Mga kaibigan ko. “ Itinuro ko ang table namin kung saan kami naroroon.  “Ikaw? Bakit nandito ka? “ Tanong ko sa kanya at sabay tingin ko kay Scarlet, ngumiti siya sa akin at nag hi.  Hindi ko siya pinansin at bumaling ulit ako kay Kuya Alex.  “Huwag mo ng itanong.. Bumalik ka na doon sa Mga kaibigan mo. “ pagtataboy niya sa akin.  Pero hindi ako tuminag hanggat hindi niya ipinakilala sa akin si Scarlet, tiningnan ko siya ng masama at nginguso sa kanya kung sino ang babaeng kasama niya pero ang totoo kilalang kilala ko na siya.  “Oo nga pala… Scarlet si Claire pala kapatid ko. “ Ngumiti ako sa kanya at nag hi.  “Hi, kamusta? Enjoy kayo ng kuya ko he he he…  Bye… “ Sinamaan ako ng tingin ni Kuya Alex at binalewala ko lang siya at sabay irap ko sa kanya.  Nang maupo na ako sa puwesto namin ay siya naman pagdating ng aming inorder.  Hindi pa din mawala sa isip ko kung bakit kasama ni Kuya Alex si Scarlet Akala ko ba si Thomas ang boyfriend niya. So, ibig sabihin nag two timer siya kay Thomas. Oh, my god hindi!!!  Hanggang sa matapos na kaming kumain at nandoon pa din sina kuya Alex at Scarlet at masayang naguusap. Napakaharot naman pala nitong babae na ito ang Kuya Alex ko pa at si Thomas ang pinagsabay niya. 6:30 pa lang ay nakauwi na ako ng bahay at ang kuya Alex hanggang ngayon ay wala pa, ano bang meron sa Scarlet na iyon at nababaliw si Thomas at si kuya Alex sa kanya. Nanood na lamang ako ng favorite series ko sa netflix kesa naman magaksaya ako ng oras ng kakaisip ko sa kanila.  Mag alas otso na  ng marinig ko ang pagdating ng kotse ni kuya Alex. Pinagbuksqn  ko siya ng Gate upang maipasok ang kotse niya.  At sa hindi ko Inaasahan ay kasama si Scarlet na bumaba ng kanyang kotse. Labis tuloy akong naguluhan sa kanila. Sino ba si Scarlet sa buhay ni Kuya at ni Thomas? Ano ba ang rekasyon niya sa kuya ko? Mga tanong sa isip ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD