Chapter 12
Pana'y ang pagbuga ni Miguel ng hangin sa kawalan para maibsan ang inis na nararamdaman sa mga oras na iyon. Naiinis siya sa sarili dahil hindi man lang siya nakagawa ng paraan upang pigilan si Vanessa kaninang huwag umalis. Gusto niyang batukan ang sarili sa katangahan.
“Miguel may bumabagabag ba sa ’yo?” ang nag-aalalang tanong ni Madam V. Agad itong pumulupot sa baywang niya habang siya ay nakatalikod rito.
“Wa-wala. May naaalala lang ako.”
Iniharap siya ni Madam V, at masuyo siyang hinalikan sa mga labi. Napigil niya ang paghinga at mariing napakuyom ng kamao.
“I wanna make love to you. . . Right now,” paglalambing nito. Gusto itong itulak ni Miguel nang magsimulang maglikot ang mga kamay nito sa kabuuan niya. “I miss your touch, i miss your body, lahat ng sa ’yo, nami-miss ko na, Miguel,” tila baliw nitong anas. Nararamdaman ni Miguel ang pagmamadali nitong kilos, tila sabik na sabik na matikman siyang muli.
“Huwag dito. Maraming makakakita,” pigil niya sa tangkang paghubad nito ng kanyang pantalon.
“Hindi puwede sa room ko. May naglilinis pa roon. Sa gym na lang tayo,” wika nito habang pana'y pa rin ang paghalik sa kanya. Walang nagawa si Miguel nang hilahin siya nito patungo sa gym nito.
Dahil tinted glass ang buong gym at may makapal na kurtina ay hindi sila makikita ng kung sino man ang dumaan doon. Mabilis na ini-lock ni Madam V ang pintuan at nagmamadaling naghubad na ito ng kasuotan. Umupo si Miguel sa mahabang upuan at pinagmasdan lang ang ginang sa ginagawa. Nang wala na itong saplot at tanging bikini na lang ang natira ay dumestansiya ito sa kanya ng ilang metro. Binuksan ang stereo na naroon at nagpatugtog ng maharot na tugtugin. Dahan-dahan itong umindak at inaakit siya sa pamamagitan ng pag-akyat baba nito ng panty. Walang emosyon ang mukhang nakatitig lang rito si Miguel. Nagmamalaki sa kanya ang malulusog nitong dibdib. Ang makikinis at mapuputi nitong hita. Pero wala roon ang atensyon ni Miguel, kundi sa tattoo nito sa bandang likod. Para iyong alupihan na may nakasulat na pangalan sa ibabang bahagi. Hindi niya masiyadong makita dahil sa patuloy nitong pag-indak. Kaya labag man sa kalooban ay hinatak na niya ito at pinaliguan ng halik. Ipinahiga niya ito sa mahabang upuan at inumpisahang halikan. Labis naman itong nasarapan sa ginawa niya kaya't napapikit ito at napatingala. Bumaba ang mga halik niya sa dibdib nito at pinaglaruan muna ang mga iyon. Gustong-gusto kasi iyon ng ginang. Ilang segundo rin siyang tumagal doon bago bumaba ang mga labi sa bandang likuran nito kung nasaan ang tattoo. Pasimple niya iyong tiningnan. Mabilis niya ring nabasa ang nakasulat. Bahagya siyang tumagilid ng puwesto at pinatalikod ang ginang. Ngayon ay nakikita na niya ng maayos ang tattoo nito. Mabilis niyang pinindot ang maliit na button na nakakabit sa tainga. Camera iyon na aakalain mong hikaw. Nang matapos sa ginagawa ay pinatihaya niya na muli si Madam V. Nakapikit pa rin ito at hindi matigil ang mga ungol. Hindi na niya pinatagal ang eksena nilang iyon at pikit mata niya na itong inangkin. Pero habang ginagawa niya ang pagpapaligaya rito, ang mukha muli ni Vanessa ang naiisip niya. Dahil kahit yata sa panaginip ay hindi niya pinangarap na maangkin si Madam V.
Dahil sa labis na pagka-obssess nito sa kanya ay nagagamit niya iyon at nakakakuha siya ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga syndicate. Kahit pa ang kapalit ng lahat ay ang kanyang buong pagkatao. Hindi niya magawang ma-enjoy sa pakikipagtalik dito dahil wala naman siyang feelings. Kagabi niya lang naramdaman ang labis na kaligayahan. Sa piling ni Vanessa. Ilang sandali pa ay naramdaman niya nang paakyat na si Madam V sa sukdulan, kaya naging mabilis at malalim ang kaniyang naging pagbaon. Para na rin matapos na ang kanyang paghihirap. Laman ng kanyang isipan ang naganap sa kanila ni Vanessa kagabi, kaya hindi nagtagal nakaraos din siya.
“Miguel, pahinga lang tayo sandali at isang round pa, please!” anas nito sa kaniyang punong tainga. Sasagot na sana siya nang biglang tumunog ang cellphone nito. Nakahinga siya ng maluwag nang mabasa ang nasa screen. Business partner nito ang tumawag at mukhang may lalakarin na naman ito. Ligtas na siya sa pagka-obssess nito sa s*x. Kapag nagkataon kasing maulit muli ang pagtatalik nila, alam niyang magre-request ito ng iba't ibang posisyon. Ang gusto kasi nito, sa unang pagtatalik ay makaraos muna ito, sa pangalawang round ay dapat mayroon nang thrill sa kanilang pagtatalik. Ganoon ito ka sabik at ka-adik sa kanya. Mabuti na lang may tumawag.
“Miguel, magbihis ka na. Aalis tayo, importante ang pag-uusapan namin ni Gaspar,” wika nito na tumayo na mula sa pagkakahiga.
“I'll take a bath, first. Nanglalagkit kasi ang katawan ko,” kunwa'y malambing na wika niya.
“Me too! Hanggang ngayon hindi ka pa rin nagbabago. You are the best partner in bed,” papuri pa nito.
Hinintay na muna ni Miguel na makaakyat si Madam V sa kuwarto nito, bago pumasok sa kanyang kuwarto. Agad siyang nag-lock ng pinto at nagsarado ng bintana. Kinuha niya ang isang cellphone sa ilalim ng kama at tinawagan si Gail sa opisina.
“Hello, Gail. Paki check nga ako kung ano ang ibig sabihin ng tattoo na ito,” wika niya sa kabilang linya, habang ang isang kamay naman ay abala sa pagta-type ng laptop. Kasalukuyan na niyang ipinapasa sa account ng opisina ang nakuhanang tattoo ni Madam V. “Wait my call. Hindi ka puwedeng tumawag ngayon dahil naririto pa ako sa bahay ni Madam V,” bilin niya sa staff bago tuluyang patayin ang cellphone.
Mabilis niyang itinago ang laptop at ang extra pang cellphone sa pinaka-ilalim ng kama at inayos iyon. Tinungo na niya ang banyo upang maligo sa hot water. Para tanggal talaga ang dumikit na laway ni Madam V sa katawan.
“Nainip ka ba sa paghihintay?” Naputol ang pag-iisip ni Vanessa sa tanong iyon ni Leo. May dala na itong pagkain at inumin.
“Hindi naman. Nasaan na pala ’yong bisita mo?” tanong niya na hinanap pa ng mga mata ang magandang dalagang kasama nito.
“She's gone! Umalis din kaagad matapos makuha ang kailangan niya,” sagot nito.
“Nobya mo ba siya?”
“Hindi! Kababata ko lang. Madalas siya rito, dahil mas masarap daw ritong gumawa ng trabaho. Tahimik, sariwa ang hangin at makakapag-isip ka ng maayos.”
“Akala ko ba sa pasyalan mo ako dadalhin?”
Natawa ito sa sinabi niya.
“Oo, mamaya ipapasyal kita, pero doon sa sakahan. Maraming magagandang tanawin doon at may batis din sa bandang dulo.”
“Madalas din ba ang papa mo rito?” muli ay tanong ni Vanessa.
“Hindi rin. Hindi kasi alam ng step dad ko ang lugar na ito. Binili ko ito ng sekreto. Para naman may sarili akong ari-arian. Ayaw kong iasa sa kanya ang lahat maging ang negosyo na itinayo ko two years ago,” mahaba nitong saad. Medyo humanga rito si Vanessa. Sa kilos at pananalita ni Leo, masasabi ni Vanessa na marangal itong tao at may prinsipyo.
“Mukhang napaka secretive mo naman yata. May dapat pa ba akong malaman?”
Tumawa lang ito sa tanong na iyon ni Vanessa pagdaka'y niyaya na siyang kumain.
Samantalang si Miguel naman ay inip na sa paghihintay kay Madam V. Ilang minuto na siyang naghihintay sa labas ng kuwarto nito ngunit hindi pa rin ito lumalabas.
“Gibain ko na lang kaya ang pintuan?” aboridong kausap niya sa sarili.
Akmang kakatok na nang bumukas iyon. Bumungad sa kanya ang bagong ayos nito na ikinagulat niya. Hindi na blonde ang kulay ng buhok nito kundi asul na may halong green. Umiksi na rin ang buhok nito. Nakasuot ng malaking shades at naka-ternong damit na kulay pula. Para itong artista sa suot nito. Humanga siya ng konti dahil sa galing nito sa pananamit. Pero hanggang doon lang ’yon. Nothing more.
“Shall we?” untag nito sa kanya.
“Sure!”
Agad niya itong inalalayan bumaba ng hagdanan at baka mabalian pa sa taas ng takong ng sapatos. Kaya pala natagalan ito sa loob dahil sa labis na pag-aayos. Agad silang umalis ng bahay at pinuntahan ang naghihintay nitong investors. Inihanda na rin ni Miguel ang sarili sa mga maaari pang malaman. Alam niyang importanteng tao ang pupuntahan nila kaya isasantabi na lang niya muna ang inis at selos na nararamdaman. Sa isang tagong rest house huminto ang van nilang sinasakyan. Pinagmasdan ni Miguel ang paligid. Tahimik at wala kang ibang makikita kundi puro puno ng kahoy. Nawala ang atensyon niya sa lugar nang salubungin sila ng dalawang armadong lalaki. May mga bitbit itong mahahabang baril at parang hindi mapagkakatiwalaan ang itsura. Dinala sila ng mga ito sa loob ng rest house at pinapuwesto sa pinakadulong bahagi, kung saan tanaw nila ang karagatan na noon niya lang din napansin. Kapag kasi nasa labas ka ng rest house, hindi mo iisiping karagatan na ang nasa likurang bahagi. Masiyadong tago ang lugar at kahit ibang parte nito ay hirap kang maghagilap. Masusi niyang pinag-aralan ang bawat makikita. Batid niyang may kakaiba sa lugar na iyon. Mabigat ang pakiramdam ni Miguel at parang hindi siya komportable. Ilang minuto pa ang lumipas bago nagpakita ang dalawang lalaking kausap ni Madam V kanina sa cellphone. Tiningnan niya ang isang lalaki na sa tingin niya ay mas bata nang konti kay Madam V. Naging alerto siya sa susunod na gagawin. Mukhang marami siyang matutuklasang lihim nito. Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas naman ang isang lalaki. Lihim siyang napangiti nang makilala ito. Sumenyas ito sa kanya na agad naman niyang nahulaan. Tango lang ang naging tugon niya rito.
“Miguel, puwedeng sa labas mo na lang ako hintayin?” utos ni Madam V.
Labag man sa kalooban ay napilitan siyang lumabas. Pero naging kampante rin naman siya nang makitang naroroon ang isa sa mga agent nila. Upang hindi mainip at mapag-aralan ang lugar ay nagpasiya siyang mag-ikot-ikot muna sa labas. Nakasunod sa kanya ang isang bantay roon, kaya hindi siya masiyadong nagpahalata.
“Sir, may yosi ka ba riyan?” tanong niya rito.
“Oo, bakit?”
“Pahingi naman ng isa.”
Agad naman itong dumukot sa bulsa at iniabot sa kanya ang isang stick ng sigarilyo at lighter.
“Matagal ka na ba kay Madam V?” tanong nito.
Bahagya siyang napasulyap dito. Nagsindi ng sigarilyo at humithit buga.
“Mga walong buwan pa lang,” tipid niyang sagot. “Eh, ikaw? Matagal ka na ba rito?” Naisip ni Miguel na magandang pagkakataon iyon. Baka sakaling may malaman siya sa lalaking kausap.
“Mahigit isang taon na. Taga bantay lang ako rito at minsan nauutusang magdeliver ng mga gamit na dinadala sa kombentong tinutulungan ni Madam.”
“Mga pagkain ba?” usisa niya pa.
“Hindi ko alam. Kasi naka-silid na iyon sa mga malalaking box. Hindi na puwedeng buksan at suriin. Hindi rin namin alam kung ano ang laman.”
Medyo nagduda si Miguel sa sinabing iyon ng lalaki. Kung pagkain lang naman ang ibibigay bakit naka balot pa sa malaking kahon? At bawal pa buksan at tingnan.
“Saang kombento ba iyan? Baka kasi alam ko,” pagkukunwari niyang sabi. Pero bago pa man ito nakasagot ay tinawag na ito ng isa pang kasamahan. Kailangan na daw kasi umalis ng mga ito para sa delivery. Tiningnan ni Miguel ang pangalan ng truck na sinakyan ng mga ito. Nang mabasa iyon at makita ang plate number ay agad siyang umiwas ng tingin. Paparating din kasi ang isa pang sasakyan na kulay itim. Lulan ’nun ang step father ni Leo na si Gaspar Dominguez. May kasama itong limang lalaki. Marahil ay bodyguards nito. Nagkubli muna siya sa ’di kalayuan at pinagmasdan ang mga itong papasok sa kuwarto kung saan ginaganap ang meeting ni Madam V. Nang wala na ang mga ito sa paningin ay mabilis siyang tumawag sa opisina upang i-report ang delivery truck ni Madam V. Matapos maibigay ang pangalan at plate number nito ay agad na niyang pinatay ang aparato. Bumalik siya sa loob ng rest house at naupo na lamang sa sala. Kailangan niyang mag doble ingat at baka maghinala pa ang mga tao roon sa kanya.