Chapter 5

1838 Words
"Nasaan na siya?" Malamig kong tanong, kausap si Mang Eson sa telepono. “Na-check na ho namin ang security footage, wala pang nakakapasok at nakakalabas sa labas ng premises kundi ang mga bisita kanina, hinahanap pa po namin ang maaari niyang lusutan.” “Hindi siya pamilyar sa lugar, kaya paniguradong maliligaw ‘yon.” napabuntong-hininga ako. “Please check every footage, frame by frame, and contact me again as soon as possible, Mang Eson.” “Okay, Boss!” Binaba ko ang telepono at napaupo sa malambot ng sofa ng aking living room. Si Grita, ang matandang headmaid na nakatayo sa aking gilid ay nagsalin sa baso ng malamig na strawberry juice. “Magpalamig ka muna, Sir Magnus.” Ininom ko iyon dahil kanina pa nag-iinit ang aking ulo. Akala ko pa naman ay mukhang masunurin ang babaeng ‘yon! Bakit siya ngayon tumatakas? Nakagat ko ang ibabang labi nang bumalangkas sa isipan ko ang ginawa ko sa kaniya kagabi, nagsalubong ang dalawa kong kilay. Marahil ay nasaktan siya o na-trauma sa ginawa ko. But I said I would explain it to her! It's not like she’s being mistreated inside my mansion. Sa halip nga ay maayos naman ang trato sa kaniya rito kumpara sa buhay pulubi niya. “May ginawa kang mali, ano, Sir?” Pukaw sa akin ni Grita. Guilty akong napaiwas ng tingin. “It’s nothing.” Si Grita, kahit hindi hamak na maid ay siyang nirerespeto ko dahil siya ang nagpalaki sa akin imbes na ang mga pabaya kong mga magulang. Napalabi siya. “Hindi naman siguro tatakas ang babae na tinutukoy niyo na lang bigla nang walang masamang nangyari sa kaniya? At isa pa, hindi ba’t nilunod mo sa alak ang sarili mo kagabi? Hindi malayong lumabas na naman ang ‘monstrous side’ mo at pinag-diskitahan ang inosenteng dalagang ‘yon.” Napaigtad ako. Mukhang alam na rin niya ang nangyari. “Tsk!” napasinghal ako at napangiwi. “So what if that’s the case? I have the right to do whatever to do with that beggar—slave, perhaps! Utang niya sa akin ang buhay niya. I mean, hindi ba’t maluho siyang pinagsilbihan dito sa loob?” Nangunot ang noo niya at naupo sa katapat ko. “Slave??” “Yes! Hindi lang siya pulubi kundi isang alipin na walang tiyak na pagkakakilanlan! What could be worse than that? She’s so lucky that I even picked him up.” tamad akong sumandal at pumade-kuwatro ng upo. “Hindi ko alam ang buong kuwento, sir Magnus, ang kasiguraduhan lang ay hindi niya utang ang buhay niya sa’yo.” tipid siyang ngumiti. “Hindi naman niya sinabi na iligtas mo siya o humingi ng anumang tulong sa’yo, hindi ba?” Nalukot ang mukha ko. “Oo, pero hindi mo rin mapagkakaila na dahil sa’kin ay humihinga pa siya ngayon at hindi namatay noon sa gutom!” “Ganoon na nga.” tumango siya. “Pero maiisipan niyo parin ba siyang tulungan nung araw na ‘yon kung hindi dahil kay Miss Hazel? Magkakaroon ba kayo ng kusang-loob na sumagip ng buhay ng ibang tao nang walang kapalit?” Natigilan ako sa tanong niya. Malamang hindi! Alam naman niya na hindi ko magagawang ituon ang atensyon ko sa mga walang ka-kuwentang mga bagay at mga tao. Sumusuko akong marahas na bumuntong hininga. “So anong gusto mong mangyari, Grita? Anong gusto mong gawin ko sa babaeng iyon?” “Simple lang naman, Sir Magnus,” kalmado siyang tumugon. “Tratuhin niyo siya na ganap na isang tao.” “But I treat people horribly–” “‘Yung MAAYOS at bigyan ng dignidad para gumawa ng sarili niyang desisyon!” kaagad niya pang putol sa akin. “...” “Sa nakikita ko sa mga nagdaang araw, masunurin ang dalagita ‘yon at maingat sa mga bawat kilos na ginagawa niya. Na para bang isang pagkakamali niya lang ay babawian siya ng buhay. Kung ano lang din ang ihain sa kaniya ay tinatanggap niya na walang kuwestiyon. Pero sa na-obserbahan ko ay masyado siyang matatakutin at lagi lang nagtatago sa loob ng kuwarto kahit pa malaya siyang lumabas. Pero kahit na gano'n. sa ma pagkakataong nakakausap ko siya, eh kitang-kita ko kung gaano kabait ang dalaga, kaya sana'y huwag mong pagdiskitahan.” Napatulala ako sa kawalan sa sinabi niya at malalim na napabuntong-hininga. “Narinig ko na ipinakilala mo ako sa kaniya?” Tumango-tango siya. “Tama! Dahil hindi siya nagtatanong pero halata ang kuryosidad sa mukha niya, kaya ko sinabi kung sino ang magiging amo niya.” muli siyang tumayo. “Kaya naman, imposible na tatakas siya kung hindi mo siya minaltrato kagabi. Isa pa, kakailanganin mo siya para sa kasunduan mo kay Miss Hazel, hindi ba? Mas mapapadali ang lahat kung itatrato mo siya ng maayos at makatao.” “Fine, fine!” napahilot ako sa aking sintido. “I will from now on!” She sure nags a lot. Niligpit niya ang baso ko na wala nang laman. Hindi kalaunan ay muling tumunog ang telepono katabi ko. Kaagad ko iyong sinagot at bumungad sa akin si Mang Eson. “Boss! Nahanap na ho namin siya sa CCTV, at naroon siya ngayon sa maze garden, hindi makalabas.” aniya at narinig ko pa ang pigil na pagtawa. “Ha!” tumaas ang sulok ng labi ko. Paano naman siya nakarating do’n? Sa dinami-rami ng puwede niyang lusutan ay iyon pa. Talagang maliligaw siya roon! Maging ako ay kailan lang nakabisado iyon simula nang maipundar ang maze na iyon. “Kukunin na ho namin siya at ibabalik sa inyo.” “No, no. Ako na ang pupunta sa kaniya para kunin siya. Iwan niyo na.” Binaba ko ang telepono at kaagad nilisan ang lugar upang tunguhin ang maze garden. Matataas at nakakaakit ang kulay berdeng halaman na boxwood nito. Pagpasok ko ay ilang pulgada ang taas niyon sa akin na nagsisilbing pader upang hindi ka makakita o makaakyat sa kabilang side. Hindi ko alam kung saan ang eksaktong kinaroroonan ng lalaki kaya maingat akong nagikot-ikot sa lugar hanggang sa makapasok ako ng tuluyan sa gitnang bahagi ng maze. Pasikot-sikot ang mga bawat daanan kung kaya’t nakakalito. May mga marka rin akong patagong iniwan sa mga halaman noon upang maiwasang maligaw. “Haa…” Nahinto ako sa paglalakad nang may marinig na magpakawala ng hininga, kasabay ng pagkaliskis ng mga halaman at mga yapak sa damo mula sa kabilang bakod. Tumaas ang gilid ng labi ko at tinungo iyon. That must be her. Nang sa wakas ay makita ko ang hulma ng katawan niya ay nakahinga ako ng maluwag. Nakatalikod siya sa akin habang nayayamot na naglalakad. Pumeke ako ng ubo. “Hindi diyan ang daan.” Nakita ko ang paninigas niya sa kinapupumwetuhan na animo binuhusan ng nagyeyelong tubig. Unti-unti siyang lumingon sa kinatatayuan ko. Napangisi ako. “Dito ang daan sa akin.” Nang magtama ang mga paningin namin sa isa’t-isa ay ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya. “M-Master…” nakita ko ang pag-angat-baba ng dibdib niya na tila ba’y may mabigat na paghinga. Ganoon na lang ang pamumutla ng mga labi niya at sa isang kurap ay mabilis na siyang nakatalikod upang kumaripas ng takbo! Hindi ko inaasahan ang ginawa niyang iyon at awtomatiko ko siyang hinabol! Ganoon na lang katulin ang takbo niya na para bang nililipad lang siya ng ere. Samantalang ako na may mabigat na katawan ay hindi kaagad nakasunod. Subalit hindi parin siya pinalad na makatas, sapagkat ang pasikot na kaniyang pinasukan ay nakasarado at walang malalabasan. Kung kaya’t muli niya akong nilingon. Nang huminto ako at hinarap siya ay akala ko’y titigil na siya. Ngunit binalak niya pa akong kalasan upang muling tumakbo, na nabigo niya namang magawa. Gamit ang lakas ko ay hinila ko ang pulsuhan niya at malakas na sinalampak ang likod niya sa matigas na pader na halaman. Bahagya siyang lumubog doon subalit bumakas parin ang pananakit sa mukha niya. Kinulong ko siya sa magkabila kong braso. Ang tangkad niya ay hanggang dibdib ko lang. Mukha talaga siyang inabusong babae. “Why do you keep running away!” Naiirita kong tanong. Nakatagilid ang kaniyang ulo habang mariing nakapikit ang kaniyang mga mata. Ganoon parin ang labis na paghahabol niya ng hininga. “P-Pakiusap, ‘wag niyo po akong patayin!” Awtomatikong tumaas ang kilay ko. “Patayin?” Napasinghal ako. “Kung ayaw mo naman pala mamatay puwes bakit ka tumakas?” Nanginig siya sa takot. “M-Master…” Kasasabi lang ni Grita na tratuhin ko na siya ng maayos, pero kahit na wala pa nga akong ginagawa ngayon ay para na siyang aping-api. “Okay,I won’t kill you.” Panimula ko upang kumalma siya. ”Sabihin mo muna sa’kin kung bakit ka tumatakbo sa kabila ng magandang trato sa’yo rito?” Puno man ng pangamba at pag-aatubili ay tumugon din siya. “A-Ayokong…maging s*x-slave” “!” Napasinghap ako ng hangin at seryosong napabuga. “Tsk! Ayaw mo pa eh wala ka naman nang ibang mai-o-offer sa akin kundi ang katawan mo. Pinakain kita, binihisan, at binigyan ng magtitirhan. Sa tingin mo may may ibang taong magbibigay sa'yo ng ganitong klasse ng treatment? Tapos gusto mo pa libre na lang?” Mas lalo siyang nanginig. Kitang-kita sa mukha at katawan niya ang takot na naramdaman. Remembering last night, didn’t she also try to please me? Or did she do it only for show while crafting his escape plan? “You see… wala ka nang ibang pupuntahan, walang makain, at wala rin namang tatanggap sa’yo kung hindi mo ibibigay ang hihilingin nila… hindi ba?” sarkastiko kong anas. “At nakikita ko naman na ayaw mo pang mamatay. Mukhang meron ka pang will para mabuhay. Hindi ba dapat lahat gagawin mo na para sa survival mo?” Pinanood ko ang panlalabo ng mga mata niya sa naiipong mga likido. Ganoon na lang din ang pamumula ng mga mata at ng ilong niya. “How about I promise you a luxurious lifestyle so that you will no longer be a slave or a beggar?” malamig kong pagtatanong. Natigilan siya at hindi naniniwalang tumitig sa mga mata ko. Sa isang sandali ay nakita ko ang kislap sa mga mata niya na siyang puno ng mga ulap. Kaya naman tumaas ang sulok ng labi ko. “You just need to obey me and serve me for a while until my fiance comes back—she’s the reason why I brought you here anyways. She told me to have s*x with someone as filthy as you.” Binaba niya ang kaniyang ulo nang may takot sa akin. Pinagkrus ko ang dalawa kong braso. “I only need one night with you—” Natigilan ako sa aking sinabi nang biglang bumakas sa alaala ko ang nangyari kagabi. Napalunok ako at seryoso siyang nilapitan na halos limang pulgada lamang ang layo namin sa isa’t-sa. “No. I only need you to give me permission whenever I start touching you.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD