CHAPTER 10
Pagkabalik ko sa kaninang puwesto sa garden ay nadatnan ko parin si Ella na tahimik na nakaupo sa kaniyang kinauupuan nang hindi na ginagalaw ang mga pagkain. Samantalang si Grita at Carlos ay nakatayo sa gilid.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago tuluyang naupo sa aking puwesto. Nabaling naman ang kanilang atensyon sa akin. Direkta akong tumuon kay Ella na siyang nakatitig din sa akin.
"Ano pong problema, Master?" she asked with a timid look in her eyes.
Sa halip na sagutin ay inabot ko kay Carlos ang cellphone at binaba ang paningin ko sa plato niya. "Finish your food."
Ngumuso siya. "Nawalan na po ako ng gana."
Naitabingi ko ang ulo ko sa pagtataka. “Nawalan ng gana, huh? Baka ang ibig mong sabihin busog ka na sa dami ng nakain mo."
Namula ang mukha niya sa kahihiyan. Hindi ko napigilan ang pagtaas ng sulok ng labi ko.
Saka ko binalingan si Carlos. "Kunin mo nga ang isa kong cellphone sa kuwarto."
"Okay, Sir!"
Muli kong binalingan si Ella na ngayon ay nakabusangot sa hindi malamang dahilan. Hindi ko naman iyon inintindi. Maya-maya lang ay dumating muli si Carlos para iabot sa akin ang isa kong cellphone.
Minessage ko si Laurel, aking sekretarya para i-cancel ang magiging meeting sa susunod na linggo, at ihanda ang mga kakailanganin para sa pribadong pag-alis ko ng bansa. Nang matapos ay saka ko muling binalingan si Ella na siya paring nananahimik sa kinauupuan.
"Mag-impake ka na ng mga damit na kakailanganin mo sa loob ng tatlong araw." utos ko pa.
Napaangat siya bigla ng paningin sa akin na may nanlalaking mga mata. “P-Po? Bakit po?"
"We’re going out of the country."
Tumayo ako at naglakad papalayo. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa aking likuran. "Saan tayo pupunta, Master?"
Nag-alinlangan ako nang maisip ang bansang China. Hindi ba’t doon din siya nanggaling bago mapadpad dito? Kapag sinabi ko ay baka hindi siya sumama. Dadalhin ko lang naman siya, para may madahilan ako kapag nagkabangga kami ni Hazel. Pero mas minabuti parin na hindi niya ako makita, lalo pa’t sinabi niya sa aking nasasakal na siya.
"Gawin mo na lang muna ang sinasabi ko." Iniwan ko si Ella sa paglalakad at nagtungo sa aking sariling opisina sa mansyon.
Kaagad kong sinearch sa computer ang email ni kuya na location ni Hazel at nalamang nakita ang address ng condo niya sa Beijing City. Madalas din kaming namamalagi sa bansang iyon dahil sa trabaho. Kung kaya’t nakabili na rin kami ng mga property.
Buong araw ay hindi nakapagpahinga ang utak ko sa kakaisip kung sinong babae naman ang ‘tinatrabaho’ niya. Pero dahil sa sinabi ni kuya ay medyo napapanatag pa ang loob ko. Malaki ang posibilidad na tumingin siya iba’t-ibang mga babae para lang makaangat pa sa buhay, kaya’t hindi malayong may mangyari sa kanila sa mga susunod na pagkakataon.
Ilang beses ko nang hinanda ang sarili ko sa mga ganoong senaryo, at hindi parin nababago ang mga planong gagawin ko sa oras na iyon ay magkatotoo. Hindi ko hahayaang lumigaya siya, habang ako ay nagdurusa. I'll take her to hell with me at the end, and that will be our happily ever after.
Kinabukasan ay tinapos ko ang mga trabaho na dapat tapusin ng maaga at sa mga susunod pa upang hindi ako matambakan kapag balik ko. Kung mayroon mang mga lapses na mangyayari ay iniwan ko ang trabaho kay Laurel.
Mabilis ding lumipas ang mga araw na nauwi lamang sa mahabang proseso ng pag-aasikaso sa pag-alis namin. Sumakay kami sa private jet nina nina Ella, at Carlos nang madaling-araw
Madilim pa ang kalangitan at gano’n na lang kalamig panahon. Marahil ay katapusan na ng Nobyembre at malapit na namang mag-Disyembre. Nalaman ko rin na umuulan na ng niyebe sa Beijing ngayon, kung kaya’t partikular kong iniutos kay Grita ang paglagay ng mga makakapal na jacket sa bagahe ni Ella.
"W-Wow! Tayo lang po ang tao dito, Master!" Nananabik na sigaw ni Ella habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng aking private jet. Samantalang hindi na iyon bago kay Carlos na siyang lagi kong sinasama tuwing umaalis ng bansa.
"Ella, come with me." Pagtawag ko sa kaniya at may malaki siyang ngiti sa labi na sumunod sa akin.
Iniwan namin si Carlos sa harapang seat, habang kami ay nagtungo sa dulo at pumasok sa maliit na kwarto. Narinig ko ang pagsinghap niya ng hangin.
"Hala! May kama sa loob ng ng private jet!!" Puno ng gulat at pagkamangha ang emosyon niya na ngayon ko lamang nakikita.
Pawang nagniningning ang light brown na kulay ng mga mata niyang iyon, at doon naman ako namamangha. May ngisi ko siya sa labing pinanood na likutin ang maliit na kuwartong iyon na kaming dalawa lamang ang tao.
"Parang kasing ganda ng kwarto niyo, Master!" She has a beautiful white set of teeth, facing me so excitedly.
Tinanggal ko ang butones ng aking jacket at tinapon iyon sa kama. Saka may mapangloko siyang tinitigan. “At naaalala mo pa ba kung ano ang nangyari sa kwarto ko noon?”
Ang masaya niyang mukha ay unti-unting napalitan ng gulat. Naramdaman ko ang mabilis niyang nginig sa katawan bago ko siya tinulak sa kama. Napaupo siya roon, habang nakatayo ko siyang niyuko.
"M-Master… Ano pong—"
"Why are you innocen, Ella? Why else would I call you in a room with a bed?"
Nakita ko ang sunod-sunod niyang paglunok. Sinuklay ko ang malabot niyang buhok at unti-unti kong sinabunot ang mga daliri ko roon sa nakakaakit na paraan. Habang nakatingala ang mga magaganda niyang mga mata sa akin, dali-dali ko siyang siniilan ng mapusok na halik sa labi.