“Guys, kaylan lang tong issue between Clyde at kay Katherine. Nung nag pa Batangas ba tayo non or ibang araw?” tanong ni Ashley. Tumingin naman sa salamin si Dave para tingnan si Ashley pati narin si Grace. “Ewan nga namin eh. Binisita lang namin bahay niya pero ayon yung nadatnan namin. Ang gulo sumasakit yung ulo ko. Ito naman si Katherine, sarap sapakin. May gana pang luamndi sa ibang lalake eh no," wika ni Grace. Dahil sa alala nila sa kaibigan nila, tahimik na dinali dali ni Dave ang pagmahino ng sasakyan upang makarating agad sa bahay ni Clyde. Alam naman nila kung anong sutwasyon ang pinagdadaanan ng binata kaya sisimulan nila ang pag-ayos sa broken hearted na si Clyde. “Sa tingin nyo ba magkakaayos pa yung dalawa?" Biglang tanong ni Ashley. “Sa pagkakilala ko kay Clyde feeling

