Tahimik lamang sila sa loob ng sasakyan pagkatapos tumawag bigla bigla si Kylie sa cellphone ni Julian. Nagtaka rin ang binata kung paano ni Kylie nakuha ang numero na sa pagka alala nya, hindi nya ito binigay kay Kylie. "Ah, hindi ko alam kung paano nya nakuha number ko," wika ni Julian at kumuha ng tingin kay Ashley. "Oh. Bakit, hindi mo naman ako nanay para malaman ko yun," patawang saad ni Ashley. "Wala lang. Baka kasi isipin mo may gusto ako don tapos tutuksyhin mo ako." "Sus, ang OA mo. Parang niloloko mo ata ako eh diba sabi mo babaero ka noon eh anong nangyari. Sinapian ka?" "Grabe ka sakin. Porket wala akong may pinapakitaan ng motibo, wala na akong may nagugustuhan," ani ni Julian. Nag patuloy ang pag uusap nila hanggang sa dumating sila sa labas ng bahay nila Ashley. Lumab

