Pumasok agad ng elevator si Ashley para makapunta agad ng opisina ni Dexter at naisip nya bigla na sana naman ay nakarating na si Alex sa kompanya dahil wala pa sya natanggap na text galing kay Alex. At dahil magkasing floor lang ang opisina ng boss at ang studio ni Ashley, nilagay nya muna ang mga kagamitan nya at bag sa studio bago sya pumunta sa opisina ni Dexter. Kumatok muna si Ashley bago pumasok at laking pasalamat nya at nandyan na si Alex na nakangiti sa kanya na nakatayo sa gilid ni Dexter. “Welcome Ashley. It's been a week and we are about to start your day as my photographer," wika ni Dexter bago tumayo. “Since maraming pabago pabago nung mga ilang araw sa artist natin, I decided to just make a schedule with another artist. Bale si Lance yung impopromote ko this month," dag

