“Grace, ano na bakit hindi pa sila dumadaan dito. Sabi mo dito lang daanan papuntang city. Eh bakit hindi parin sila naka daan. Tanda tanda ko yung van wag ako," pag rereklamo ni Clyde habang nakaupo silang dalawa ni Grace sa isang waiting shed sa gilid ng highway. “Sipatin mo kase mga mata mong mabuti. Baka kanina pa sila nakarating don eh na hindi mo napansing dumaan yung sasakyan," sagot ni Grace at agad binalik ang atensyon sa cellphone nito. “At isa pa sure akong mag tetext si Ashley pagnakarating na sila don. Eh kahit isang 'hi' or 'hello bes nandito na kami' eh wala eh," dagdag pa ni Grace habang nakasimangot. “San na ba kase yung dalawang yon. Baka kinidnap na yon ni Julian eh or baka dinala sa ibang lugar." Agad namang hinampas ni Grace si Clyde na tinitingnan ng masama, “Gus

