Tahimik silang kumain habang nanood ng isang programa sa TV. Pagkalipas ng ilang oras ay matatagpuan silang dalawa na naglalaro namg cellphone habang nagtatalunan sa sala sa sofa. "Tulungan mo naman ako dito. Baka bigla akong mamatay!" Sigaw ni Ashley na natatawa na dahil habol sya ng habol ng kalaban sa laro nila ni Julian. Nabutan ang dalawa ng tanghali sa paglalaro ngunit umuwi naman agad ng bahay si Julian dahil hindj rin naman sya maaring mag tagal sa bahay ni Ashley kahit gaanong close na nila sa isa't isa. ... Sumunod ang ilang mga araw na naging mas madalas mag sama sila Julian at Ashley kahit nasa bahay lang ang mga ito. Sa mga araw na nagdaan ay naging mas malapit pa sila sa isa't isa kaya naman hindi na sila masyadong ginugulo ng panahon kahit hindi pa binibigyan ng tamang sa

