“Ash okay ka lang?" tanong ng isang babae kay Ashley ng makapasok na sya sa building. “Okay lang ako ate Alex," sagot ni Ashley at ngumiti. Bigla bigla nalang kasi itong tatawa ng walang dahilan at iyun ang dahilan kung bakit nagtataka si Alex sa kinikilos ni Ashley. “So, about sa photoshoot next week, kaylan at anong oras mo ipapalagay. Since si boss na ang nag ooffer, it is all your choice sa dapat mangyari." “Ang OA naman ata yun ate Alex. Dapat kasi yang boss mo nalang gumawa ng paraan para mapabilisan ang photoshoot. Pero ate ha, hindi ko naman binabacklash yang boss mo pero matanda ba yan or ano?" nakita naman ni Ashley na ngumiti si Alex pero agad naman ito nawala dahil umubo si Alex. “Ah, mga between twenty eight and thirty five siguro. Pero promise, mabait yang boss namin," pa

