August, 2024 (Part II)
1st day of October, 2020, not anyone in the world knew that it was my first heart break. I never tell anyone how much I cried that day. Kung paano ko sinisi ang sarili sa pag alis niya. Mga unan lang ang naging karamay ko ng gabing 'yon at ng mga sumunod pang mga gabi. Mga gabi na tanging nakarinig sa mga mahihina kong pag iyak habang nami-miss siya at patuloy na sinisisi ang sarili. Once in my life, I was one of those pathetic and stupid creature who hurt a girl who loved me so much, that she forgot to love herself. A girl who stayed by my side even though I threw harsh words to her. The girl who did everything just for me. She was the girl who believed that we were soulmate, and I'm the girl who made her believe that we were really meant to be.
It's a lie if I say that I didn't mean to hurt her. Everytime I decided not to put her first, everytime I brushed her off, everytime I lied to her, it was my choice. So, I cut the crap that I didn't mean to hurt her because I f*cking did and I messed up. I was too late. Too late to realised her worth and that's the thing about time, we cannot get it back.
When I saw her last night, the memories of us all came back like a flashback. Naramdaman ko na naman 'yung pinaramdam niya sa akin almost four years ago. Sinisisi ko na naman ang sarili sa lahat ng nangyari at ang masakit ay parang wala na 'yong lahat sa kanya. I can feel it. I can see through her eyes. She already moved on. Samantalang ako, nanatili siya sa kasuluksulukang bahagi ng isip ko, at sa espesyal na parte ng puso ko hanggang ngayon. I can't forget her 'till now. Tell me, how can I forget a girl who gave me a lot to remember?
"Anong oras ka na ba nakauwi kagabi? Hindi ka na namin nahintay." Papa asked while we're having our breakfast.
Ilang sign of a cross ang ginawa ko kanina bago lumabas ng kwarto ko. Nag bibigay sa akin ng hindi maipaliwanag na kaba ang kaalaman na nandito siya sa bahay at malaki ang possibility na magkita kami araw-araw. Nalaman ko rin kay na Mama na dito siya pansamantalang mag i-stay hanggang hindi pa niya naaayos ang issues niya sa pamilya niya na hindi ko naman alam kung ano.
"Around seven-thirty na po." Sagot ko kay Papa saka nag simulang kumain ng agahan. Mabuti na lang at hindi pa siya bumababa sa room niya. Siguro dahil pagod siya sa naging byahe niya kahapon.
"Papasok ka na naman ba ngayon? Hindi na kita nakita na tumigil dito sa bahay." Tanong ulit ni Papa na magalang ko naman na sinagot.
"Opo, Pa. Marami pa po kaming dapat asikasuhin sa school."
"Alam mo naman na SSC officer 'tong anak natin, mahal." Sabi naman ni Mama habang nilalagyan ng bacon ang pinggan ni Papa. Napangiti ako dahil hanggang ngayon ay sweet pa rin sila sa isa't-isa.
"Nag aalala lang ako dahil baka pati health mo ay napapabayaan mo na." Nakita ko ang concern sa mga mata ni Papa kaya nag smile ako sa kanya to assure na hindi siya dapat mag alala sa akin dahil inaalagaan ko pa rin naman ang sarili.
"Don't worry, Papa. Kayang-kaya ko po 'to. Nag mana po kaya ako sayo." Magiliw kong sagot saka sumubo ng pag kain.
"Paano naman ako?" Nagtatampong tanong ni Mama at dahil gusto ko siyang asarin ngayong umaga ay sinagot ko siya ng,
"Ma, tanggapin mo na po na kay Papa ako nag mana." Napansin namin ni Papa ang pag pout ni Mama kaya sabay kaming tumawa. "Kidding! I love you, Ma!" Binigyan ko siya ng flying kiss dahil nasa kabilang banda ako ng table kung saan kaharap ko silang dalawa.
"Hi, guys! Good morning." Nawala ang pagkakangiti ko sa boses na narinig. Automatic din ang pag lakas ng t***k ng puso ko na para bang may banda ng musiko na kasalukuyang tumutugtog dito.
"Good morning din sayo, Gabb." Sagot ni Mama habang ako ay hindi alam kung saan ko ba ibabaling ang sarili. "Pasensya ka na hindi ka namin ginising. Kako eh baka may hang-over ka pa." Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Gabb dahil sa sinabi ni Mama. Si Mama talaga ang joker kahit kailan.
"Jet lag 'yun, mahal." Pagtatama ni Papa na kaagad naman sinagot ni Mama na pareho lang daw 'yon dahil pareho raw nakakasakit ng ulo ang dalawang 'yon. "Maupo ka at mag almusal, Gabb." Napigil ko ang pag hinga ng maramdaman ko ang pag tabi niya sa akin. Shems, Ella! Kumalma ka! Paano ako kakalma? Ang bango-bango niya! Gusto na tuloy mag panic ng buong sistema ko.
"Thanks po." Sagot niya. Hindi ko siya tiningnan at pinagkaabalahan na lang na laruin ang laman ng pinggan ko.
"Kamusta ba ang tulog mo?" Tanong ni Mama. Nagpapasalamat ako sa kadaldalan niya dahil hindi nila ako napapansin. Keep it up, mother!
"I slept well po, Tita. Medyo naninibago lang po, konti." Magalang na sagot niya. Kung may isa man na hindi nagbago sa kanya, that is her trait being respectful especially to elders.
"Hayaan mo at masasanay ka rin dito sa bahay." Sagot naman ni Papa. Nag simula akong sumubo ng pag kain at doon na lamang itinuon ang atensyon ko. Mukha naman na effective dahil hindi nila ako napapansin habang patuloy sila sa pag u-usap.
"Siya nga pala, naaalala mo pa ba si Ella?" Napalunok ako sa itinanong ni Mama sa kanya. Hindi pala nakakatulong ang kadaldalan ni Mama. Binabawi ko na!
"Yes, Tita. How can I forget her?" Napadiin ang hawak ko sa spoon and fork dahil sa isinagot niya. Walang bitterness sa mga salitang 'yon pero binigyan ko pa rin ng ibang kahulugan. Guilty ka lang, Ella!
"Mabuti naman. Akala ko nakalimutan mo na 'yung dalagita na palaging nag su-sungit..."
"E-Excuse me po." Tumayo ako at nag kunwaring kukuha ng tubig. Sakto naman na walang pitcher sa table. Siguro ay nakalimutan ni Mama. Thanks to the pitcher.
"Kamusta ka pala sa Japan?" Nakahinga ako ng maluwag ng ibahin ni Papa ang topic. Nag deretso ako sa kusina at wala ng balak na bumalik sa dining. Hindi ko alam kung paano ba siya haharapin? Ano bang sasabihin ko? Anong gagawin ko? Kagabi pa ako nag freaked out sa kaalaman na nandito siya sa bahay at isang makapal na concrete wall lamang ang pagitan ng mga kwarto naming dalawa. Mabuti na lang at napigil ko ang pag sigaw kagabi kung hindi ay maririnig pa niya ang matindi kong frustrations sa pagbabalik niya. "Nabanggit sa amin ni Clara na heartbreaker ka raw?" Naririnig ko ang patuloy nilang pag u-usap.
"I'm not, Tita. Heartbreaker is more on a jerk po. Hindi naman po siguro masama na iwasan sila kapag nararamdaman kong hindi sila worth it, 'di ba?" Cool niyang sagot na ikina-lungkot ko dahil alam ko na isa ako sa mga dahilan kung bakit nag bago siya. Shems! Ang assuming mo d'on, Ella! Bumuntong-hininga ako saka binuksan ang ref at kumuha ng pitcher na may laman na tubig. Nag salin ako sa baso habang patuloy na pinapakinggan ang pinag uusapan nila. Somehow, I am curious about her.
"Basta ang payo ko lang sa inyo, h'wag niyong pinaglalaruan ang love. Hindi 'yon isang bagay na kukunin niyo at itatapon niyo lang din kapag ayaw niyo na." Naramdaman ko ang dumaan na kirot sa dibdib ko dahil sa sinabi ni Mama. Pakiramdam ko ay patama 'yon sa akin dahil sa ginawa ko kay Gabb noon. Napansin ko ang pag tapon ng ilang portion ng tubig sa baso ko. Napuno na pala ito ng hindi ko namamalayan.
"Mahal, h'wag mo munang sermonan 'tong si Gabb. Baka bigla nitong sabihin na aalis na siya dito sa atin." Natatawang sabi ni Papa. Ininom ko ang tubig sa baso ko bago nag pasyang bumalik sa dining, dala ang pitcher ng tubig. Na-realised ko na hindi ko naman siya palagi matatakasan dahil nasa i-isang bahay lang kami. Hays! Bakit ba ganito ang tadhana?
"Nag papaalala lang ako." Sagot naman ni Mama. Kumilos ako para ipatong ang pitcher sa table. "Siya nga pala, napansin kong nakabihis ka? May pupuntahan ka ba?" Tanong ulit ni Mama kay Gabb. Napansin ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa akin. Hindi ko sinalubong ang mga tingin niya.
"Yes po, Tita. I'll go to E.I.S po to enroll." Napatigil ako sa akmang pag upo dahil sa sinabi niya. Shems! Sa E.I.S niya plan na mag aral? This can't be!
Tumango si Mama saka ako tinawag. "Ella?"
Hindi ko nalamayan na dinampot ko pala ang cup ng coffee na nasa harapan ko. "P-Po?" Tanong ko saka uminom sa kape na hawak ko.
"Isabay mo na si Gabb sa pag pasok total, i-isa naman kayo ng pupuntahan." Nagkatapon-tapon ang kape na hawak ko at mabilis ko itong naibaba sa table. Sh*t! Ang init!
"Dalaga ka na, Ella Mae ang clumsy mo pa rin." Sita sa akin ni Papa.
"S-Sorry po." Sagot ko matapos kong punasan ng tissue ang bibig. Pati na rin ang table sa harapan ko dahil sa kape na natapon. "E-Excuse me po, mag a-ayos lang po ako..." Natigilan ako sa sinabi ko dahil parang double meaning yata 'yon. Baka isipin niya na magpapa ganda pa ako para sa kanya. "I mean... mag bi-bihis." Alanganin ko siyang sinulyapan. Kunot-noo siyang nakatingin sa akin na para bang isa akong weird na creature sa paningin niya. Shems! Nakakahiya ka, Ella Mae!
..
Katahimikan.
Katahimikan.
Katahimikan.
I know I'm acting strange right now. I feel uneasy knowing that nasa i-isa kaming sasakyan ngayon. Wala rin akong focus sa pag da-drive. Hindi na ako magugulat kung maibangga ko 'tong sasakyan ko dahil hindi ko na talaga alam ang gagawin.
Ayokong isipin ang possibility na kaya ako nagkaka ganito ay dahil may feelings pa ako sa kanya. No, Ella! You're just feel guilty. Pangungumbinse ko sa sarili. Or maybe I am intimidated of how confident and how attractive she became. I can say by just looking at her that she's now a better version of herself.
"How are you, Ella?" Halos mapa-angat ako sa kinauupoan ko ng mag salita siya. Heto na naman 'yung malakas na t***k ng puso ko na para bang may nag ca-car racing sa dibdib ko sa sobrang bilis din ng pag t***k nito.
"I-I'm good." Shems, Ella! You are stuttering! Umayos ka! "I-Ikaw?" Nilakasan ko ang loob at bahagyang bumaling sa kanya. Nakatungo siya habang hawak ang cellphone niya. Narinig ko kanina na ibinili siya ni Papa ng sim card para may magamit siya.
"I'm more than good. Thanks for asking." Tumunghay siya at ngumiti sa akin. Gad! Ang ganda ng mga ngiti niya. Muli kong ibinaling ang paningin sa pag da-drive dahil baka nga matuluyan na kaming mabangga kung u-unahin ko pa siyang titigan.
Hindi na ako sumagot dahil narinig ko ang pag tunog ng messenger niya. Siguro si Tita Clara ang tumatawag para kamustahin siya.
"What's new? You are always late, Nanababe. I'm used to it. Anyway, see you!" Nangunot ang noo ko sa narinig. Sigurado akong hindi niya tatawagin ng ganoon si Tita Clara. Maybe a girlfriend? Bahagya akong napailing at pinilit mag focus sa pag da-drive kahit lumilipad ang isip.
"We're already here." Sabi ko matapos mag park sa student parking. Mabilis siyang nakababa. Hinabol ko pa siya ng tingin ng pumunta siya sa kabilang side ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Isa rin ito sa hindi nagbago sa kanya. She's still a gentlewoman.
"T-Thank you." Ramdam ko ang pag i-init ng mag kabilang pisngi ko kaya nag iwas ako ng tingin sa kanya bago bumaba.
"You are welcome. So, where are you heading?" Tanong niya matapos kong bumaba.
"In the SSC office." Maikli kong sagot habang hindi pa rin makatingin ng deretso sa kanya.
"Oh, Tita mentioned that you are part of SSC officers."
"Yes, I'm the vice president." Bahagya ko siyang sinulyapan saka bahagyang ngumiti.
"Nice." Sagot niya. Hindi pa rin kami nakakaalis sa pagkakatayo dito sa parking. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang mga dapat kong sabihin? Kanina pa rin kasi ako ipinapahamak ng bibig ko. Hindi dapat ako nai-intimidate sa kanya ng ganito! Nakakainis!
Bumaling ako sa kanya saka nilakasan ang loob at nag salita, "Ahm 'yung school registrar..."
"Can I come with you?" Tanong niya na ikina-laki ng mga mata ko. Ano raw?
"Huh?" Nagkamali yata ako ng dinig.
"Can I come with you in the SSC office?" She gave me her best smile kaya wala akong nagawa kundi ang tumango.
..
"Vice, ano mo siya?" Tanong ni ate Rans saka ngumuso sa direksyon ni Gabb na ngayon ay prenteng nakaupo sa sofa dito sa SSC office. Tinotoo niya talaga 'yung sinabi niya na sasama siya rito. At kung bakit? Hindi ko rin alam. "New jowa?" Pahabol niyang tanong kaya mabilis akong umiling.
"H-Hindi." Tumungo ako at itinuon ang atensyon sa laptop na nasa harapan ko.
"Eh bakit nag ba-blush ka?" Natatawang pang aasar sa akin ni ate Rans. Lalo siyang tumawa ng i-check ko ang sarili sa maliit na salamin na nakapatong sa table ko.
"Tigilan mo nga ako, ate Rans." Simangot kong sagot.
"I smell love love love." Kumanta-kanta pa siya bago bumalik sa table niya.
Muli naman akong napatingin sa direksyon ng sofa kung saan komportableng nakaupo si Gabb habang nakatutok sa cellphone niya. Nang dumating kami kanina ay ipinakilala ko siya kay ate Rans at ate Jem dahil sila pa lang ang nandito sa office. Sana lang ay hindi siya maabotan dito ng iba ko pang kasamahan lalo na ni Jio.
"Good morning, mga vhakla!" Speaking of! "Alam niyo ba ang chika sa labas?" Pumunta siya sa table niya at ibinaba ang shoulder bag na hawak.
"Kapag sa tsismis talaga, nangunguna ka." Sagot ni ate Rans.
"Hindi ba kayo interested sa chika ko about a freshman student?" Freshman? Don't tell me...
"Hoy! Kausapin niyo nga ako." Maarte nitong sabi saka lumapit sa table ni ate Rans.
"Maaga pa para dyan, Jio. Just do you work." Sagot ni ate Jem na tutok na tutok sa laptop niya.
"Hay'an na naman po si Audrey Jem "KJ" Caldejon." He rolled his eyes.
"Tss!" Tanging sagot lang ni ate Jem. Hindi naman kasi siya mahilig makipag kwentuhan sa amin. Mas gusto niyang magbasa ng libro o tumutok sa laptop niya.
"Ano ba kasi 'yung about sa freshman para matigil na 'yang kadaldalan mo?" Tanong ni ate Rans.
"Well, itong freshman student pinagkagulohan daw kanina." Naupo ito sa mismong table ni ate Rans.
"Celebrity lang?" Sarcastic na tanong ni ate Rans.
"Oo, dahil super gwapo raw talaga. At malakas ang dating!" Malandi pa nitong sabi na ikina-ngiwi ko. "Excited na akong mag meet kami ng future jowa ko." Dugtong pa nito kaya nakatanggap ito ng pang aasar mula kay ate Rans.
"Mangarap ka ng gising."
"Tse!" Umalis ito sa pwesto ni ate Rans at bumalik sa sariling table.
"Ano raw itsura?" Tanong ko dahil may hinala na ako kung sino ang tinutukoy niya.
"Sabi nila, brown and anime eyes, pointed noise, kissable lips. Tapos, may ash-blonde na buhok. Oh my gass! Naiimagine ko na ang future asawa ko. Ready na akong mag pakasal mga bess!" Tili nito na ikina-ngiwi ko. Sabi ko na eh. Si Gabb ang tinutukoy niya dahil kanina pa lang na nag lalakad kami sa hallway ay pinag uusapan na siya. At pinagkamalan pa talaga nila na lalaki si Gabb. Well, I can't blame them. Ako rin naman ay gano'n ang naging tingin ng una ko siyang makita na prenteng nakaupo sa sofa namin.
Bumaling kaming lahat except kay ate Jem sa direksyon ni Gabb ng tumikhim siya. "I guess, you are referring to me?" Nakangiting tanong niya. Hindi na ako magtataka kung mag t-trending siya rito sa school. Malakas talaga ang dating niya pati na rin ang fashion sense niya. "Thank you for your compliments about me being 'gwapo' but I want to clarify one thing..." Nakangiti pa rin niyang dugtong, "I'm not a he."
"Huwwwat?!" Exaggerated na reaksyon ni Jio.
"Bingi ka ba, vhakla? Hindi raw kayo talo." Natatawang pang aasar ni ate Rans na ikina-tawa ko rin.
Mag sasalita pa sana si Jio ng may kumatok sa pinto ng office.
Dumungaw ang isang dyosa. "Excuse me." Yes, she's a goddess. A conceited goddess.
"Dana?" Pabulong kong sabi. Ano namang ginagawa niya rito?
"Nanababe!" Napabaling ako kay Gabb nang tumayo siya at sinalubong si Dana na kapapasok lang sa pintuan. So, si Dana ang kausap niya kanina? She's her Nanababe? Yeah, right.
"Gaboby! I missed you!" Niyakap nito si Gabb at pinupog nito ng halik sa mag kabilang pisngi. P.D.A! I rolled my eyes at itinuon na lang ang atensyon sa ibang bagay.
"Nana, it was just two weeks when we haven't seen each other." Naramdaman ko 'yung saya sa boses niya habang nakikipag usap siya kay Dana.
"Is it bad to miss my baby?" Kung pwede lang na takipan ko 'yung tenga ko dahil...ah basta!
Muling pag tikhim ang ikina-baling ko sa may pintuan.
"Good morning, Pres." Sabay-sabay naming greetings bukod kay ate Jem na ngayon ay naka earphone para marahil hindi marinig ang kaingayan dito ngayon.
"Why are you here, Ms.Evans?" Kunot-noong tanong ni Sela na nag pa singkit sa singkit na niyang mga mata. "And who is this...?" Pinasadahan niya ng tingin si Gabb.
"I'm Gabrie..." Hindi na naituloy ni Gabb ang pagpapakilala ng pitikin ni Dana ang tenga niya. "Ouch, Nanababe!" Daing niya na hindi pinansin ni Dana.
Bumaling ito kay Sela, "I'll just fetch her out. We'll go ahead." Pag papaalam niya saka umakbay kay Gabb at muling nag salita, "Let's go, Gabbabaero. You are indeed a womanizer."
"You are so mean to me, babe!" Narinig ko pang reklamo ni Gabb bago sila mawala sa paningin namin.
So that's it? Si Dana ang hinihintay niya kaya siya sumama dito sa SSC office? Ginawa pa nilang tagpuan 'tong office namin. Oo, anak si Dana ng owner ng E.I.S pero hindi naman dapat na dito pa sila mag...nevermind!
"So, she's the new student?" Tanong ni Sela sa akin. Mag katabi kasi ang table naming dalawa. Marahil narinig na rin niya ang tsismisan ng ibang estudyante na ngayon pa lang nag e-enroll kung kailan malapit na ang opening ng klase. Pwede naman silang mag enroll thru online pero ginawa pa nilang dahilan ang pag e-enroll para maka-gala. Tsk! Mga pasaway! Tumango ako sa itinatanong niya. "A new pain in the a**." Bulong niya na narinig ko naman.
Napaisip tuloy ako. Kung mag kakilala sila ni Dana, hindi imposible na mapa-bilang siya sa grupo nito. Mukhang tama si Pres.Sela. Mukhang magiging dagdag si Gabb sa magiging sakit ng ulo namin. Good luck to us!
..
It's exactly five o'clock in the afternoon. Imposible naman na nag e-enroll pa rin siya hanggang ngayon samantalang three in the afternoon ang closing ng school registrar. Hindi ko naman siya mai-text dahil hindi ko alam ang number niya pati na rin ang social media niya. Nahihiya naman akong hingin kay Pres. ang number ni Dana.
Nakakaramdam na ako ng inis dahil ayoko talaga sa lahat ay ang pinaghihintay. Weh? Parang hindi mo siya hinintay ng ilang taon, ah. Shut up! Sita ko sa sarili kong utak. Hays! Nababaliw na naman ako!
"Are you waiting for someone?" Tanong ni Sela ng mapansin niya ang pag sulyap-sulyap ko sa wrist watch na suot ko. "Is it my cousin, Caleb?"
"Ahm h-hindi, Pres." Alanganin kong sagot.
"So, you and Caleb are still not in good terms?" Tanong ulit niya na sinagot ko ng pag tango. Mabuti na lang at kami na lang dalawa ang naiwan dito sa office. Ayoko naman na pag usapan ang personal kong buhay na marami ang nakakarinig.
Ilang segundo kaming natahimik na dalawa. "Why not give him a second chance?" Pag basag niya sa katahimikan. "I'm not suggesting this because he's my cousin, but because I can see his efforts to win you back."
Hindi ulit ako nag salita. Hindi ko kasi maipaliwanag kung bakit nga ba hindi ko mabigyan ng second chance si Caleb? Hindi ko rin talaga maintindihan ang sarili kung minsan. "Do you no longer love him or you are not really love him in the first place?" Napatingin ako kay Sela dahil sa itinanong niya.
"S-Sela..."
"Kung minahal o mahal mo siya, madali mo na lang maibibigay ang second chance na hinihingi niya." Dugtong niya saka muling nag tipa sa laptop niya.
Napatulala ako at napaisip. Naalala ko bigla kung paano kami nag simula ni Caleb. Noong una ay wala akong naramdaman na atraksyon sa kanya pero naisip ko pa rin na subokan. Noong binigyan ko siya ng chance ay ang araw rin na binigyan ko ng chance ang sarili para muling maging masaya. Pinili kong palayain ang sarili sa ilang taon kong pagkakakulong sa kalungkutan. Aaminin kong naging masaya ako sa piling ni Caleb pero minahal ko nga ba siya? Sabi nila hindi mo raw masasabi na mahal mo ang isang tao kapag napapasaya ka lang niya. Malalaman mo raw ito kapag siya rin ang nagpapalungkot o nakakapag paiyak sayo. Bakit nga ba hindi ko man lang iniyakan ang panloloko ni Caleb sa akin? Unlike...nevermind!
"Let's have dinner, Hon." May thirty minutes nang nandito si Caleb sa office at kinukulit ako. Naiinis na talaga ako sa kanya pero pinipigilan kong sungitan siya dahil nandito si Pres.Sela.
"Caleb please, stop this nonsense." Seryoso ko siyang tiningnan pero hindi talaga siya marunong makiramdam. Ito ang ayaw ko sa kanya. Palagi na lang niyang ipinipilit ang gusto niya. Hindi mahalaga ang opinyon ko para sa kanya.
"But hon..."
"Excuse me, guys." Isa ka pa! Kanina pa ako naghihintay dito! Halos mamuti na ang mga mata ko sa kahihintay sayo habang ikaw, nakikipaglandian lang sa Nanababe mo! Bwisit ka! Pero syempre sinabi ko lang 'yon sa sarili.
"What are you doing here?" Seryosong tanong ni Sela. Hindi ko pala nabanggit sa kanya na si Gabb ang hinihintay ko.
"I'm here because of Ella." Pumasok siya at tiningnan ako. "Sorry, for keeping you waiting." At ngumiti na para bang hindi issue ang paghihintay ko ng matagal sa kanya. Hindi na nga siya nag paalam sa akin kanina, tapos pinaghintay pa niya ako. Magaling!
"Who is... s-she?" Alanganin na tanong ni Caleb saka pinasadahan ng tingin si Gabb.
"I'm Gabrielle, mister. Ella's childhood friend." Sagot naman ni Gabb.
"Really? Sorry, but she didn't tell me about you." Nahimigan ko ang sarcasm sa boses ni Caleb. "Anyway, I'm Caleb, her boyfriend."
"Caleb!" Sita ko sa lalaki.
"Do you know who was Ella's first kiss?" Bumaling ako kay Gabb habang nanlalaki ang mga mata.
"G-Gabb..." Gusto ko siyang pigilan sa mga sasabihin pa niya pero hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.
"Seems not. Maybe you're not that special that's why she did'nt tell you about... it." Ngumisi siya kay Caleb at halatang bumabawi siya rito dahil sa sinabi nito sa kanya kanina.
"What the..."
Kaagad kong dinampot ang shoulder bag ko at mabilis na nag lakad upang makalabas na ng office. "I have to go, Pres. Let's go, Gabb!" Seryoso kong sabi saka tuluyang lumabas bago pa man makapag salita ulit si Caleb.
"Why did you leave your boyfriend there? Mukha tuloy siyang kawawa." I give her a death glare nang nilingon ko siya habang nakasunod siya sa akin.
"He's not my boyfriend. Hindi mo na rin dapat siya sinagot ng gan'on!" Sagot ko.
"I'm just asked him about your first..."
Tumigil ako sa pag lalakad at hinarap siya. "Enough." Mahinahon ngunit may diin kong sabi.
"But I didn't tell him that I was..."
"I said, enough!" Tumaas ang boses ko at nagpapadyak dahil sa kainisan. Napatigil din ako kaagad ng ma-realized ang pag sigaw ko sa kanya.
Alanganin akong tumingin sa kanya. Wala siyang naging reaksyon kundi ang pag kibit-balikat. Unlike before na kaagad siyang umiiyak sa'twing masusungitan ko.
Nag lakad na siya at nilampasan ako. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya sa parking.
Kaagad kong pinindot ang car key remote pero kaagad din natigilan sa ginawa ni Gabb. Binuksan niya kasi ang pinto ng driver's seat. Naguguluhan man ay nagawa kong i-abot sa kanya ang susi ng sasakyan ko.
"What's that?" Nangunot ang noo niya habang nakatingin sa iniaabot ko. "I mean, I really want to drive but I don't have a license yet." Halos mabitawan ko ang susi dahil sa pagkapahiya. Bwisit ka, Ella! Feeling special ka? Ipinahiya mo na naman ang sarili mo sa harapan niya! Quotang-quota ka na ngayong araw!
"Uhm, t-thank you." Alanganin akong ngumiti at pumasok sa binuksan niyang pinto ng driver's seat. Saka ako nag face palm dahil sa kahihiyan.
"H-How was your day in our school?" Nag lakas loob akong mag tanong dahil kanina pa ako nabibingi sa katahimikan. Hindi naman ako nag patugtog dahil baka hindi niya trip ang nasa play lists ko.
"It was great. Dana accompanied me." Sagot naman niya habang nakatutok na naman sa cellphone niya.
"M-Mag kaibigan pala kayo ni Dana?" Aaminin kong nabigla talaga ako na mag kakilala pala silang dalawa.
Sumulyap siya sa akin kaya nawala na naman ang focus ko sa pag da-drive. "Kaibigan is not a right term for us. We are more than that." Well, wala naman akong pakialam kung anong relasyon meron sila. "She also introduced me to one of her friends." Dugtong niya.
"K-Kanino?" Kinakabahan kong tanong dahil kilala ko ang circle of friends ni Dana sa school.
"Ecka Madriaga. She's a cool lass. I think the two of us can get along." Napangiwi ako sa isinagot niya. Sa dami ng pwedeng ipakilala sa kanya ni Dana, bakit si Ecka pa? Hindi ba niya alam ang reputation ni Ecka sa E.I.S? Ecka Madriaga is a bad girl, a trouble maker at kung anu-ano pang synonyms ng mga 'yan. Hindi ko rin maintindihan kung paano naging mag kaibigan si Dana at Ecka? Sa totoo lang ay malayo ang personality nila sa isa't-isa.
"It's nice knowing that you gain friends." Tanging naisagot ko na lang. Hindi ko naman masabi na iwasan niya si Ecka dahil ipapahamak lang siya nito lalo na at balita namin ay palaging may nakatambay na gang sa labas ng school para abangan ito.
"Thank you." Maikling sagot niya. Okay, paano pa ako mag re-response sa 'Thank you' niya? Sige nga.
Muling tumahimik ang paligid. Nag isip ako ng pwedeng sabihin dahil ayoko naman na isipin niya na ang boring ko na ngayong kasama.
"H-Hindi muna pala tayo u-uwi." Sabi ko na kumuha ng atensyon niya.
"Why?" Kunot-noo siyang bumaling sa akin.
"S-Susunduin ko muna si Frances sa kanila." Wala kasi itong kasama ngayon dahil umalis si Nanay Melba, her nany, kaya doon muna siya matutulog sa bahay.
"Wait...the Frances you are talking about is your cousin, am I right?" Nakangiti na siya ngayon at mukhang excited sa nalaman.
"Y-Yes." Tipid kong sagot.
"Wow! I'm so excited to see her again." Naramdaman ko ang saya sa boses niya katulad kanina noong nagkita sila ni Dana. Napaisip tuloy ako. Bakit sa iba mukhang palagi siyang excited? Samantalang kagabi noong mag kita kami, hindi ko man lang nahimigan na masaya siya. Hindi ba talaga siya masaya na makita ako? O dahil nasaktan ko siya noon kaya hindi siya excited na makita ako ngayon? Dumiin ang hawak ko sa manibela dahil sa mga isipin na iyon. Naramdaman ko rin ang munting kirot sa dibdib ko.
Yes, I hurt her before but why I feel like I am the one who's still losing?
A.❤️