۵ ۵ ۵ Ang laki ng pagkakaiba ng mundo sa labas ng Inggria. Bukod sa may araw at gabi rito, maraming tao ang nakatira rito. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nasasanay na marami akong nakakasalamuhang ibang mga tao. Nasanay na kasi ako sa dilim at lungkot ng Inggria. Nagkahiwalay kami ni Lolo Taragis, dahil sa isang masamang panaginip. Nanaginip kasi akong pinaslang ng nilalang na tinatawag ni Lolo na Diyos ng Kamatayan ang aking ina, at wala akong nagawa man lang para iligtas siya. Kaya nagpasya akong umalis ng Inggria, iwanan ang sinaunang palasyong bato kung saan kami nakatira ni Lolo, at tumakas ako sakay ng isang karowaheng pag-aari ni Lolo. Nais kong hanapin ang aking ina, dahil ayon kay Lolo ay buhay pa raw siya. Hindi ko nga lang alam kung nasaan siya. Ngunit sa kalagitnaan ng aki

