¤ ¤ ¤ Nang magawa ko na ang pakay ko sa Agua Sagrada, agad akong bumalik ng Azoedia upang simulan na ang plano kong salakayin ang mga Centurion. Sa daan pauwi ay nalaman ko ang mga balita sa mga nagdaang araw; nagbitiw na bilang hari ng Gaia ang matandang Pyrei. Ganun din ang pamilya Cerulea ng Emeron at kung sino man ang namumuno sa Arkhanta. Lahat sila ay bumaba na sa kanilang mga trono dahil sa takot nila sa akin. Isang pinuno na lang ang natitira at yun ay si Xyron Vander. Dumating ako ng Azoedia na nagulat dahil sa isang kakaibang kaganapan. Sa malayo palang ay natanaw ko na ang aking palasyo sa tuktok ng burol na nagliliyab at tila dinaanan ng isang matinding bagyo. Kaya nagmadali akong bumalik doon. Sa loob ay marami akong naabutang mga walang malay na mga kawal. Ang ilan sa kani

