♚♚♚ Hinanda ko na ang sarili ko sa pagsugod na gagawin namin ni Jung. Inilagay ko na nga ang piraso ng Quiarrah na nakuha ko mula kay Putan sa isa sa mga bago kong mga kamay na yari sa bakal. Agad naman itong nag-ibang anyo at nagkaroon ng mga talim sa gilid na parang ang aking Excalibur. Hindi napigilan ni Jung ang mamangha dito. "Kuya, ang galing naman yan! Sino ang gumawa niyan?" "Isang panday ang gumawa nito. Astig no?" Tumango-tango siya. "Sinong Panday?" "Si Panday Coco." "Ha? Eh di ba kuya pulis yun?" "Iba naman 'yung sinasabi mo," tugon ko. "Si Panday Coco eh 'yung gumagawa ng mga espada at mga kanyon doon sa may bundok." "Narinig ko na ang tungkol sa kanya, Kuya! Siya 'yung isa sa mga gumawa ng tren noon! Isa iyong alamat! Yun nga lang nagtatago siya sa Diyos ng Kamatayan

