Lumapit ang mukha ni Harvey sa akin. Kahit hindi magsalita ang lalaki, ramdam at alam ko na ang plano nitong gawin. Kaya't inilapit ko din ang aking mukha, sentemetro na lang ang pagitan ng aming mga nguso ng biglang pumihit ako ng tingin. Narinig ko ang buntong hininga ni Harvey at lihim ako na napangisi. Tama ‘yan! Magtakam muna siya sa akin. Ang lagay, para akong pagkain na pwede papakin anytime. Isang malaking no! “Five na pala! Uuwi na ako. May date pa ako ‘e. So ba-bye, Sir Harvey!” mukhang inosente na sabi ko, sabay bitaw sa pagkakayapos ko sa lalaki at dinampot ko kaagad ang aking bag, sabay labas ng opisina. Pagdating ko sa labas, sakto naman na bumukas ang elevator. Hinihingal ako na pumasok at napangiti. Jomelyn one point! Taas noo ako na naglakad pag labas ko ng elevator

