Naging matagumpay ang operasyon ni Lola. Pero ang problema, isang linggo na, ayaw pa rin gumising ng matanda. Ang sabi ng mga Doktor, ganito daw kadalasan ang nagiging problema sa mga pasyenteng may mga edad na.
It's either matagal magising after operation, or hindi na magising pa. Ang pagpasok ko ng trabaho sa boss ni Manong suki ay hindi natuloy, dahil nakapasok na ng trabaho si Tinay.
Walang magbabantay kay Lola at wala akong mapagkakatiwalaan. Pero ang baliw ko na kaibigan, kahapon ay biglang sumulpot dito sa hospital, hindi daw niya kaya ang hirap sa trabaho, kaya hindi na daw siya papasok doon.
Magbabantay na lang daw siya dito, para iwas sa paningin ng kanyang Nanay. Dahil bubungangaan lang daw siya maghapon at susumbatan. Natatawa ako sa mga katwiran at mga desisyon nito sa buhay na mas magulo pa sa buhay ko.
“Joms, pumasok ka na kaya sa trabaho na sabi mong inaalok sayo? Sahuran mo na lang ako ng arawan kahit tatlong daan payag ako,” napasimangot ako sa sinabi nito.
“Kapal ng mukha mo! Baka mamaya limang daan lang ang araw ko doon, tapos mas mahal pa sahod mo sa hatian natin. Gaga ka ba? Ikaw mauupo lang dito, tapos ako doon baka maging alipin pa.”
“Okay, dalawang daan! Deal or no deal?” sabi pa nito na inismiran ko lang.
“Apply ako bukas, ikaw ayusin mo huh? Baka puro ka lang cellphone dito. Nako! Hahanap na lang ako ng iba na magbabantay, libre chibog pa dito,” sabi ko dito na parang nag-iisip pa.
“Oo na! Kung magkano lang iabot mo! Kapag ako nakapangasawa ng kano, who you ka sa akin!”
“Exotic beauty gusto ng mga kano, ayaw nun ng bulalo!” pang-aasar ko dito na hinampas ako ng unan sa balikat. At gunantuhan ko ng sabunot sa kanyang buhok.
Matapos namin mag-usap at mag bardagulan ng babae, lumapit ako kay lola at kinausap ito. Nagpaalam din ako sa kanya na magtatrabaho na ako ng maayos. Lumolobo na rin kasi ang bills namin dito at malapit na umabot ng isang milyon.
“Lumayas ka na nga Joms! Ako na bahala dito, panira ka talaga ‘e,” nakasimangot na sabi ni Tinay na tinawanan ko lang.
Kaya't nagpaalam na ako at nag-iwan ng isang daang piso, dahil wala na akong pera pa. Pagdating ko sa bahay, nanghiram ako ng plantsa sa kapitbahay para sa damit na isusuot ko kung sakali na papunta na ako sa kung saan na papasukan ko.
Dahil maaga pa naman, pumunta ako sa tindahan kung saan may pay phone, na limang piso ang limang minuto. Tinawagan ko ang nakalagay na numero sa calling card.
“Hello, Good evening.” Boses ng matandang lalaki ang narinig ko.
“H–Hello po. Me I speak with Mr. Enrique De Lima?” Sabi ko sa kabilang linya.
“Don Enrique, speaking. Who’s this?”
“This is Jomelyn Raquel Viray, ako po yung fishball vendor, na pinapapunta dito ni Manong suki,”
Halata at pigil na tawa ng matanda, kaya napanguso ako. Hindi naman na nagtagal ang usapan namin at binigay na ng matanda ang address ng building, na opisina niya. Hanapin ko lang daw si Romolo Salas, yun na daw ang ang bahala na maghatid sa akin sa kanya.
Matapos ang tawag, nagbayad na ako sa tindera ng limang piso. Nag lakad na ako pabalik sa bahay at inasikaso ang damit na isusuot ko. Nilinis ko ang black shoes na ginamit ko pa noong hayskul ako, balat kasi ito at naka chamba kami sa ukay ni Lola.
Napangiti ako ng maalala ang araw na ‘yon. Mabuti na lang, noon pa man ay maporma na ang matanda, pinili talaga ang may takong na konti, dahil sabi niya, bagay din daw sa dress. Mabuti na lang, kasya pa ngayon.
Natulog lang ako, at maagang gumising. Nag-asikaso ako ng pagkain na babaunin ko. Mabuti na ang may dala, kaysa mamatay sa gutom. Manok na isang hita lang ang binili ko kagabi pag-uwi ko at dalawang piraso ng itlog.
Nilaga ko lang ang itlog at adobo ang manok. Singkwenta lang ang manok at sampung piso ang isa ng itlog, kaya't wala pang isang daan ang nagastos ko, para sa maghapon ko na ulam.
Dahil sa kinakabahan ako, hindi ko na nagawa pang kumain ng almusal. Tanging kape lang na nilagyan ko ng dalawang kutsara ng kanin ang kinain ko. Nagsilbing sabaw ang kapi.
Nakaharap ako ngayon sa salamin at masasabi ko na mukha akong professional sa itsura ko ngayon. Above the knee ang skirt ko at humihiyaw ang cleavage ko sa laki. Wala akong stocking, kaya't lantad ang mahaba ko na biyas at makinis ko na balat.
Maghapon kasi, t-shirt at jogging pants lang ang suot ko kapag nagtitinda. Long sleeve at leggins. Dahil nga, mainit sa labas. Mahapdi sa balat ang sikat ng araw.
“Hala! Ikaw ba talaga ‘yan Jomelyn?” tanong ng isa sa marites namin na kapitbahay.
“Maganda naman talaga si Jomely noon pa, ayaw lang mag-ayos, dahil ayaw maligawan ng mga tambay dito. Alam naman nating lahat na ambisyosa ang babaeng ‘yan!” Sabi ng tindera sa tindahan ng gulay.
Ni isa sa kanila, hindi ko pinansin. Ang mga bumati lang sa akin ng matino at nginitian ko. Ganito talaga ang tingin sa akin ng mga tao dito sa amin. Kundi ilusyunada, ambisyosa daw ako.
Ganun kasi ang tawag nila sa tao na mataas ang pangarap. Ni minsan kasi, hindi ako nangarap mamatay sa lugar na ito. Dala ko ang shoulder bag at isang eco bag na ang laman ay baon ko, nag para ako ng jeep.
Dalawang sakay ng jeep, bago ako nakarating sa address na ibinigay ng matanda. Nakanganga ako na nakatayo sa harap ng pinakamataas na gusali dito sa siyudad ngayon. Nagtanong lang ako sa gwardya at nakumpirama ko na dito nga ‘yon.
“Kuya, kilala mo po ba si Romolo Salas?”
“Yes po, iraradyo ko po kung kilala kayo ni Sir. Sino ka nga po Ma’am?” magalang na tanong ng gwardya.
“Jomely Raquel Viray,” tanging sagot ko.
Kinausap lang ng gwardya at lumayo muna ako. Binuksan ko ang eco bag na dala ko at uminom muna ako ng tubig. Napangiti ako ng makita ko si Manong suki.
Lalapitan ko pa lang sana ito ng harangin ako ng gwardya, kaya napanguso ako at sinamaan ng tingin ang lalaki.
“Kilala ko ‘yan si Manong na suki! Bakit ba humaharang ka?” Naiinis na tanong ko sa gwardya.
“Okay lang, kilala ko siya,” sa sinabi ni Manong, saka lang umalis ang gwardya sa pagitan namin.
Hinawakan ko ang kamay ng matandang lalaki at niyapos, “Manong, kilala mo ba si Romolo Salas? Masungit ba ‘yon? Kasi, hanapin ko daw ‘yon sabi sa akin ni Don Enrique,”
“Mabait si Romolo, at gwapo pa!” sagot ng matandang lalaki na tinitigan ko ng may pagdududa.
“E pangalan pa lang pang matanda na ‘e,” sagot ko naman.
“Ako si Romolo,” nakapamulsa na sagot ng matanda na ikinangiwi ko.
“I–Ibig mong sabihin, boss ka din dito?” tanong ko sa matandang lalaki na tumawa ng malakas. Para akong napahiya. Lalo na ng mapansin ko na bumabati sa kanya ang bawat dumaraan na empleyado.
“Hindi na pala kita pwedeng tawagin na Manong suki, dahil boss ka pala dito,” nahihiya na sabi ko sa matanda.
“Pwede pa rin naman, basta tayo lang dalawa.” Sa sinabi ng matanda napangiti ako na tumango.
Inaya na ako nito na pumasok sa loob, kaya't inayos ko na ang aking sarili at bumitaw na ako sa pagkakayakap dito. Pinagtitinginan kami ng mga empleyado dahil ang iba kanina, nakita kami sa labas, ako na nakayakap sa braso ng matanda. Nakakahiya talaga!