Kanina ko pa alam na pinapanood kami ni Harvey. Hinayaan ko lang ito makinig, dahil mas mahalaga sa akin na nakausap ang matanda, kaysa makipagtalo sa mayabang na lalaking ‘yun. Hindi ko ngayon alam kung pagbibigyan ko ba sa kanyang hiling ang Don o hindi. Ngayon ay nakatulog na ang matanda habang nagkukwentuhan kami. Maingat ako na tumayo at iniingatan ko na hindi makagawa ng kahit na konting ingay. Paglabas ko ng silid, naabutan ko si Harvey na naninigarilyo sa labas. Tumabi ako sa pagkakatayo nito at nakiramdam. “Subukan natin. Kung hindi magwork, ganun talaga. Pero subukan natin ang lahat, yung papabor sa ating dalawa,” Nagulat ako sa sinabi ni Harvey. Ang ini-expect ko na reaction nito ay magwawala at magagalit. Pero ang itsura nito ngayon ay kalmado. Nakatingin sa mukha ko at

