Nakaupo ako ngayon sa malawak na carpet grass. Matapos ang mahabang bakasyon namin sa private resort, tinupad nga ni Harvey ang kanyang pangako na dadalaw kami sa puntod ng mga yumao namin na mahal sa buhay. Ang libingan ni Don Enrique ay katabi ng libingan ng kanyang asawa. Si Lola Anita naman ay sa kabila. Hinahaplos ko ang lapida ng matanda na nag-alaga sa akin sa mahabang panahon. “I love you, wife,” bulong ni Harvey na nakaupo sa tabi ko. Hinahaplos nito ang aking braso, habang yakap ako. “I love you too,” sagot ko naman dito. Sa kabila ng kalungkutan ko. Napangiti ako, paano ba ako hindi kikiligin, kahapon ay nag propose sa akin si Harvey at plano niyang pakasalan akong muli. Ang nakakalungkot lang, wala na ang mga matanda na dapat ay saksi kung gaano kami kasaya ngayon. “D

