CHAPTER 28

730 Words

“Paano tayo nagkakilala?” Sumulyap ako sa kanya. Nanatili siyang nakatingin sa taas. Andito na kami ngayon sa kuwarto niya. Nakahiga na magkatabi sa kama. Napapagitnaan namin ang isang unan. Ayoko sanang tumabi pero saan naman ako matutulog? Nakakahiya namang patulugin ko siya sa sofa sa sala eh bahay niya ito. Isa pa, medyo sanay naman akong may katabing lalaki sa kama. Basta lang ‘wag lalagyan ng malisya. “Sa SCU. Nag-audition kayo noon para maging representative ng school sa battle of the bands. Isa ako sa mga judges.” “Wow. Bigatin ka pala roon?” “Hindi naman masyado. Napilit lang.” “Ano naman ang kinanta ko noon?” Bumaling siya sa akin. May awa akong nakikita sa mga mata niya. “Bakit mo ako tinitignan nang ganyan? Pumiyok ba ako noon?” natatawa kong biro. “I’m just sorry kasi ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD