Kinabukasan ng lunch time nakita ni Enan si Denise na nagpupunas ng mga mata. “Uy, Denise ano nangyari sa iyo?” tanong ng binata. “Nothing” bulong ng dalaga. “Anong nothing? Meron e kaya ka umiiyak” sabi ni Enan.
“Wala, hayaan mo na” sabi ng dalaga. Dumating si Clarisse at Shan kasama si Greg. “Did you make her cry?” tanong ni Greg. “Yes, I turned her down” biro ni Enan. “Enan did you make her cry?” tanong ni Clarisse. “Of course not, nakita ko nalang siya naglalakad na nagpupunas ng tears. Uy Denise, alam ko namiss mo ako pero wag naman ganyan na iiyak iyak ka”
“Hala baka mahawa ibang taga hanga ko bigla e. Uy tahan na” banat ni Enan. “Hello miss Denise, are you okay?” tanong ni Greg pero ang dalaga dumikit kay Enan at binaon mukha niya sa dibdib nito. “Tara na kain na tayo” sabi ni Clarisse na naiinis na at nagseselos.
“Sumama ka nalang sa amin, tara lunch” lambing ni Enan kaya nag nod si Denise habang si Clarisse napailing at nagsimangot. Pagdating sa karinderya inis na inis si Clarisse at panay bulong niya kay Greg.
Nang makakuha na sila ng pagkain lalong nainis si Clarisse pagkat todo alaga si Enan kay Denise. “You eat, since ayaw mo sabihin naman bakit ka umiiyak ikain mo nalang” sabi ng binata. Matapos maka ilang subo nairita talaga si Clarisse sa pagbubulungan nung dalawa, “Siguro naman na pwede mo na ikwento bakit ka umiyak” sabi niya.
“Because of that guy” sabi ni Denise sabay turo sa labas. “Si Earl?” tanong ni Greg kaya lahat napatingin kay Denise. “Di ko kilala basta yang lalake na yan” sabi niya. “What did he do to you?” tanong ni Clarisse.
“Kasi kanina napadaan ako..nakita ko siya sinasama name ni Enan sa list ng candidates…nagtatawanan sila then they were even trying to post this” bulong ni Denise sabay nilabas ang isang punit na larawan ni Enan kung saan halatang photoshop ito at lalo siya pinapangit.
“Kinuha ko, pinunit ko, he pushed me and poked my forehead…basta ang sasakit ng sinabi niya” kwento ni Denise kaya nanlisik mga mata ni Enan pero hinawakan ni Clarisse at Shan ang braso niya.
“Hayaan mo na, its okay, nasaktan lang ako sa mga pinagsasabi niya” sabi ni Denise. “Pati ba yan? Did he do that?” tanong ni Clarisse na biglang lumambot puso para kay Denise nang makita pamumula sa kanyang wrist.
“He held my wrist tight..he was trying to get the photo back” kwento ng dalaga. “Pare wag na, let it go” sabi ni Shan. “Lagi nalang e, lagi nalang, wala naman ako ginagawa sa kanya. Nadamay pa si Denise” sabi ni Enan.
“No it was my fault, siguro dapat nag antay ako bago sila umalis. Kasalanan ko, you are my friend so sinugod ko agad at inalis yung photo” sabi ni Denise. “What the hell is his problem?” tanong ni Greg. Biglang nagtawanan ang lahat dahil sa slang na pagbigkas niya.
“Kain nalang tayo” sabi ni Enan. “Hey Denise, thanks for defending Enan. If I was there with you baka inupakan na natin yon e” sabi ni Clarisse. “Tignan mo na sinasabi ko sa iyo Shan, nagiging war freak narin tong girlfriend mo. Umayos ayos ka kasi, dapat ang iniisip niya e sumali sa beauty pageant” sabi ni Enan.
“Oo nga youre so pretty, dapat sumali ka” sabi ni Denise. “Uy grabe ka, hindi naman ako ganon kaganda. Nagbibiro lang si Enan, ang totoong maganda is Cristine” sagot ni Clarisse. “Yeah she is pretty, pero ikaw din naman” sabi ni Denise.
“Yan ang mahirap pag dalawang maganda na nag uusap e, napapatanga nalang tayo e no?” biro ni Enan kaya nagbungisngisan ang mga dalaga. “Kahit pa nonsense pag usapan nila no pre?” sabi ni Greg. “Kaya nga e, basta nanonood ka nalang, of course I should know that, kasi ganyan din ako e”
“Mga tagahanga ko nakatanga nalang at nakatitig sa mukha ko habang nag uusap ako” banat ni Enan. “Tapos mamaya yung dalawa nag uusap na ng beauty tips, kung ano gamit nilang facial wash, habang tayo wala tayo mapag usapan na ganon. Pare anong liha gamit mo sa mukha mo? Okay ba?”
‘Magkano pa espalto mo sa ilong mo? Tol ilang ang tinakot mo ngayong araw na ito?” dagdag niya kaya nagtawanan silang lahat. “Hey you don’t look that bad” lambing ni Denise. “Oo nga Enan, you don’t look that bad” dagdag ni Clarisse.
“Sarap pakinggan no? Pero you don’t look that bad, pero bad parin” sabi ni Enan. “Kumain ka na nga, nagsimula ka nanaman e. Hayaan mo yang Earl na yan magsasawa din yan. Para lang yang Internet troll, pag pinansin mo lalo siya aaariba pero pag dinedma mo mamatay din yang ng kusa” sabi ni Clarisse.
Nakabalik na sila sa campus, habang naglalakad nakita nila si Earl at mga katropa nito. “Hoy pangit, wag ka tumatabi sa magaganda lalo nahahalata na pangit ka” sabi ni Earl. “Ignore him” sabi ni Clarisse.
“Uy nagbibingi bingihan yung pangit o. Miss layo layo ka konti baka mahawa. May sakit yan e” sabi ni Earl. Bigla nalang sumugod si Enan, di naka react si Earl kaya agad siya nahawakan saa leeg ng binata.
“Ano ba problema mo ha?! Inaano ba kita?” sigaw ni Enan. Tutulong na sana mga katropa ni Earl pero lumapit sina Shan at Greg at sabay sila pumorma. “Tangina ka sawang sawa na ako sa iyo! You know what?! Come with me” sigaw ni Enan sabay kinaladkad si Earl papunta sa isang opisina. “Mister Gomez!” sigaw ng isang guro pero humawak si Enan sa ulo ni Earl sabay binagok ito sa lamesahan.
“Eto ba ang gusto mo? Ha? You want me to join this pageant para pagtatawanan ako? Ha?” tanong niya. “Mister Gozem let him go” sabi ng guro pero lalo diniin ni Enan ulo ni Earl sa lamesa para panoorin siya magpirma sa listahan.
Binitawan na ni Enan si Earl, “There are you happy now?” tanong ni Enan. Di makasagot si Earl, lumapit yung guro para burahin palangalan ni Enan sana pero pinigilan siya ng binata. “Wag po sir, ito yung gusto niya e. Let my name stay there and I really want to join”
“Kahit na pagtawanan ako, I don’t care. You think this will break me? Sanay na ako. Kahit ano pang mangyari sa pageant I wont break. Tandaan mo yan kahit ano pang ibato mo panlalait sa akin. You expecting me to be humiliated sa pageant? Ha? Yun ang ikakatuwa mo? Pagbibigyan kita” sabi ni Enan sabay umalis.
“Enan are you crazy?” tanong ni Clarisse. “Hayaan mo na. Para matigil na siya” sabi ng binata. “Pero Enan..” sabi ni Greg. “Let it be, wala na ako pakialam. Para narin matigil na ang lahat. Let it be so that everyone can have that one good laugh. Buhos na nila don lahat ng lait nila” sabi ng binata.
“Pare you are not thinking clearly, baka nadala ka lang ng emosyon mo. Tara sa tambayan palamig ka tapos balik tayo dito mamaya para alisin name mo” sabi ni Shan.
Pagkalayo nila nagpaiwan si Denise, si Earl naman hinahaplos leeg niya sabay inaayos ang sarili. “O yan nakuha mo na gusto mo” sabi ng dalaga. “s**t siya, I should be happy but why am I not?” bulong ni Earl.
“Ewan ko sa iyo, half of my job is done” sabi ni Denise. “I should be happy, dibale mapapahiya talaga yan sa pageant. Doon nalang ako tatawa” sabi ni Earl. “You just got your ass beat, pasalamat ka mabait siya” sabi ng dalaga. “Kinakampihan mo ba siya?” tanong ni Earl.
“Sayang di kita nakunan ng video kanina. You should have seen your face. Takot na takot ka sa kanya” sabi ni Denise. “Nakakatakot mukha niya e” sabi ni Earl. “Nah, ganyan lagi itsura ng mga bully pag napapahiya sila. See you around Earl” sabi ni Denise. “Hey where are you going?” tanong ng binata. “Sa tambayan namin, I am friends with him now” sabi ng dalaga.
“Hindi pa tapos, may kailangan ka pa gawin” sabi ni Earl. “I know” sabi ng dalaga. “E bakit ka tatambay kasama sila?” tanong ng binata. “He is fun to be with. E di ngayon alam mo na bakit panay kwento ni Violet sa kanya? See ya” pacute ng dalaga.
Kinagabihan after dinner nagkulong si Enan sa kanyang kwarto. Nagring phone niya kaya agad niya ito sinagot nang makita na si Cristine ang tumatawag. “Labs sorry di tayo nagkita today, anyway Clarisse told me…” sabi ng dalaga. “Nagsumbong siya sa iyo?” tanong ni Enan.
“He did, you looked sad daw that is why she texted me since di mo siya sinasagot” sabi ni Cristine. “I got so pissed already. Punong puno na ako sa taong yon. Pinagbigyan ko na siya” sabi ng binata.
“You want to talk about it?” lambing ng dalaga. “Bukas nalang pag nagkita tayo” sabi ni Enan. May kumatok sa pintuan niya pero narinig din ng binata yung katok sa kanyang telepono. Agad niya binuksan yung pintuan, napangiti siya nang makita si Cristine na nakangiti din sa kanya. “How about now?” lambing ng dalaga.
“Wow, you came” sabi ni Enan. “Of course I did. Tara higa tayo” sabi ng dalaga. “Teka have you eaten?” tanong ni Enan. “I did” sagot ng dalaga sabay hinila ang binata papunta sa kama.
Pagkahiga nila agad yumakap si Cristine at hinaplos mukha ng binata. “Regrets?” tanong ng dalaga. “Takot” sagot ni Enan. “What can I do to make you feel better?” tanong ni Cristine. “Smile” bulong ni Enan kaya ngumiti ang dalaga.
“Are you here to try to convince me to back out?” tanong ni Enan. “No, I am just here for you” lambing ni Cristine. “Di ko alam ano tong pinasok ko Tiny” bulong ni Enan. “You wont be alone, kasama mo ako” sabi ng dalaga.
“E ako lang naman yung sasali ha” biro ni Enan kaya natawa ang dalaga. “Labs, show them who you truly are. Show them the Enan that I know and..” bulong ni Cristine. “And what?” tanong ng binata.
“Basta pakita mo sa kanila sino ka talaga. Pakita mo sa kanila na what you look outside is what already defines you. You are way much more than that and you have to let them see it. Nagstart na nga tayo sa Youtube, yeah it is not enough so on that stage you have to show them”
“Do it for us para tantanan na nila tayo. Even if I try to defend you and tell them they might not believe me. So take that opportunity to show them why I fell in love with you” bulong ni Cristine.
Napangiti si Enan, nautal siya at hindi makagalaw. “What’s wrong?” tanong ni Cristine. “Ang sarap pakinggan..sana totoo” bulong ng binata. “Bingi ka ba? Narinig mo naman diba?” pacute ni Cristine.
“No, what I meant was..sana totoo” sabi ni Enan. “Cant you tell when I am acting or not?” bulong ng dalaga. “No, kasi ang galing mong actress e” sabi ni Enan. “I am not acting, I stopped acting for a long time already” bulong ni Cristine kaya nanlaki ang mga mata ng binata.
“Ha? What do you mean you stopped acting?” tanong ni Enan kaya nagkaharap sila at nagkatitigan. “I stopped acting whenever I was with you…” sabi ng dalaga. “Ah..ah..ah…shit baka marinig nila at kung ano ano maisip nila ginagawa mo sa akin” bulong ni Enan kaya nagtawanan sila.
“Tiny..totoo ba yang sinabi mo?” tanong ng binata. “You cannot fake love..even you say I am a good actress I cannot pretend or act to be in love with someone. Meron at meron kang hindi maipapakita sa tao…” bulong ng dalaga.
“Tiny..please don’t play games with me” bulong ni Enan. Ngumiti ang dalaga sabay hinaplos mukha ng binata. “Why?” tanong niya. “Because if you are not lying then..” sabi ng binata. ‘You don’t have to tell me..i can feel its true…or are you just a good actor?” lambing ng dalaga.
Biglang nahiya si Enan, t***k ng puso niya sobrang bilis kaya nagsimula siyang manginig. Humawak ang dalaga sa kanyang puso, si Enan napatingin nalang sa dibdib ng dalaga pero ginabayan ni Cristine kamay niya para makahawak din sa kanyang puso.
“Its okay…can you feel it?” bulong ni Cristine. “Which one?” tanong ni Enan pabiro kaya nagbungisngisan sila. “Please tell me you are not just acting” bulong ng binata. “I told you I stopped a long time ago…how about you?” sagot ng dalaga.
“I..was..but..stopped and really loved you even if you were just acting” bulong ng binata. Napangiti si Cristine, nagkiskisan sila ng ilong sabay pareho nanginig ang mga labi. “Enan…stop imaging..stop daydreaming..and listen carefully. You will hear me say this a lot of times after this…I am in love with you..I love you” sabi ng dalaga.
Nanigas ang binata, di niya maipaliwanag yung saya sa bumabalot sa kanyang buong katawan. “Tiny..ang hirap magsalita” bulong niya kaya napangiti ang dalaga at dalawang kamay ito humawak sa kanyang mukha. “I never thought I would be able to tell someone these words…”
“I love you Cristine” bulong ng binata. Sabay sila napangiti, mga labi nila muling nagkiskisan hanggang sa tuluyan silang nagtagpo. “Am I dreaming?” tanong ni Enan. “If you are then so am I” sagot ni Cristine.
Nagtuloy ang kanilang halikan ng ilang minuto pa. Pareho sila naubusan ng hininga per pareho parin sila nakangiti sa isa’t isa. “Wow..so this is how it feels huh…to be in love” bulong ni Enan.
“Whatever you are feeling too I am feeling too for the first time…I did fall in love before but never like this…never this sure” sagot ng dalaga. “Tiny parang gusto ko sumabog sa tuwa, para akong nananginip talaga” sabi ng binata.
“Enan, you are such a wonderful guy. Sana makita nila yon. Kaya sa sasalihan mong yan you fight for us. Starting from now you wont be fighting for yourself any longer. You have to fight for us now” sabi ni Cristine.
“I know, at least now I have a purpose..pero Tiny natatakot parin ako” sabi ng binata. “Alisin mo na yang mga pangamba mo. Kahit naman ano mangyari you will still have me. Hayaan na natin sila if they still do not understand”
“Hayaan na natin sila pag hindi parin nila makita yung nakita ko sa iyo” sabi ng dalaga. “Tiny how are they supposed to see the things you saw in me when you did not use your eyes?” bulong ng binata.
“I don’t know..but you have to show them…you have to try” sabi ng dalaga. “I will but I cannot promise you that I will win. Imposible na yon Tiny” sabi ng binata. “Hindi ka sasali don para manalo ng korona o kung ano anong sash isasabit sa iyo…something bigger is out there and you have to take it” sabi ng dalaga.
“Yung stage?” biro ng binata kaya natawa ang dalaga. “Oo yung stage, dapat mapanalunan mo yon” sabi ni Cristine kaya nagtawanan sila. “E tiny mabigat yon, di pa siya kakasya sa bahay namin” hirit ni Enan.
“Gagawa tayo ng paraan, walang imposible. Basta Enan ipromise mo yung stage” lambing ng dalaga kaya lalo sila nagtawanan. “Is this really happening?” tanong ng binata. “It is, oh don’t worry about your suit. Jelly has a friend, papagawan kita ng suit mo” lambing ng dalaga.
“Tiny wag mo ako gastusan, ako yung lalake e” sabi ni Enan. “Di naman ako gagastos e. Trust me, yung friend ni Jelly na yon International designer so ipapahiram niya yung suit sa iyo. Parang advertisement narin yon…sort of” sabi ni Cristine.
“Will you hate me if I back out?” tanong ni Enan. “Of course not. Why you plan to back out?” tanong ng dalaga. “Ewan ko..hindi siguro. Bahala na matagal pa naman e” sabi ng binata.
“Basta labs, gusto ko pagtuntong mo sa stage, I want you to go all out. I want the confidence you always show pag umaakting ka, you have to live it now that I am here inside your heart”
“Wala ka na dapat ipangamba, kahit anong mangyari e mananatili ako dito. So pagtayo mo doon I don’t want to see you bowing in shame. I want you to be oozing with handsomeness, I want you to show all of them what my boyfriend is capable of” lambing ni Cristine.
“Ahem..ahem..ladies and gentlemen, anitos and spirits all around the place a pleasant good evening. Standing five foot eight, oozing with handsomeness like you have never seen before…”
“The undeniable! The undisputable! The intergalactic macho gwapo papabol of the universe!” bigkas ni Enan kaya tawang tawa silang dalawa. “Tiny, unleash the Artistahin!” biro ni Enan kaya lalo sila nagtawanan.
“Enan..higa ka na anak” lambing ni Rosa. Ang binata minulat ang kanyang mga mata sabay napalingon sa paligid. “Nasan si Tiny?” tanong niya. “You were dreaming of her? Siya ba yung kausap mo anak?” lambing ng matanda. “Ha?” bigkas ni Enan sabay nakita phone niya sa bedside table. “Sige na anak tulog ka, you look tired” lambing ni Rosa.
“Parang totoo…sana di niyo nalang ako ginising” bulong ng binata. “Was it a good dream?” tanong ng nanay niya. “Usual dream but this was the happiest..sabi nila mga naalala mong panaginip yun ang mga hindi magkakatotoo” bulong ng binata.