“I am so worried” sabi ni Cristine. “Baka pwede pa tumanggi” sabi ni Clarisse. “Sabi ni Enan nakakahiya nang tumanggi” sabi ni Jelly. “What is Enan like pag nakainom?” tanong ng artista.
“I really don’t know e. Kasi pag naririnig ko sila nagkwekwentuhan the day after parang naiimagine ko na ang gulo gulo niya at ang kulit kulit. Pero pag kasama ako hindi naman. Halos hindi pa nga umiinom e” sabi ni Clarisse.
Napadaan si Toffee kaya hinila siya ni Cristine. “Mamaya sumama ka sa kanila ha, bantayan mo si papa” sabi ng dalaga. “Ate, ikaw kaya sumama mamaya. May lakad ako kasi e. Biglaan naman kasi si papa” sabi ng binata.
Pagkaalis ni Toffee lalong kinabahan si Cristine. “Ano ka ba? Baka ganyan lang talaga makipag bonding daddy mo” sabi ni Jelly. “Hindi e, pag nakainom papa ko matalas dila niya. Masakit magsalita at prangka. I am worried na baka masaktan niya si Enan” sabi ng artista.
“Hindi naman siguro. Si Shan ganyan din dati, takot sa dad ko. Sa totoo nga mas nauna pang naging close dad ko at si Enan e. It took some time for my dad to soften up on Shan. Kakatawa nga e, napipikon si Shan, kasi pag nandon sila sa bahay ang kausap lang lagi ng dad ko si Enan”
“Tapos pag may ipapagawa daddy ko si Enan lagi at never si Shan. So relax kasi marunong makibagay si Enan and I am sure he can manage naman” sabi ni Clarisse. “Sana nga pero you all don’t my dad when he is drunk” bulong ni Cristine.
Pagsapit ng alas kwartro ng hapon nahanap ni Cristine si Enan sa may pool area. “Labs, if you don’t want I can tell my dad wag nalang” lambing ng dalaga. “Okay lang Tiny, siguro ganito talaga pagdadaanan ng mga lalake na may nobya. At least kahit papano mararanasan ko din to” sabi ng binata.
“Wag ka naman ganyan o” sabi ni Cristine. “Totoo naman, pati si Shan nahirapan makisama sa papa ni Clarisse. So ganito siguro pagdadaanan ng mga lalake sa ama ng kanilang mga nobya” sabi ni Enan.
“Nakwento nga ni Clarisse na mas close pa daw kayo ng daddy niya. Parang ikaw yung boyfriend e no?” sabi ni Cristine kaya natawa si Enan. “Siguro malakas loob ko sa kanya kasi di naman ako yung boyfriend. E ngayon ewan ko nga ba bakit ako natatakot”
“Siguro parang test ko na ito sa future if ever magkaroon ako ng girlfriend. Para sa future alam ko na ano ieexpect ko or alam ko na pano ihandle yung situation…or maybe” sabi ni Enan. “Maybe what?” tanong ni Cristine.
“Wala lang, don’t worry about me. Pero Tiny iinom pala ako ha. Nakalimutan ko magpaalam sa iyo” lambing ni Enan kaya napangiti ang dalaga. “Wag masyado ha” sagot ng dalaga. Narinig nila boses ni Oscar kaya pareho sila napatayo. “Enan lika dito, kunin mo tong pork chop at iihawin natin para pulutan” sabi ni Oscar.
“Coming dady” bulong ni Enan kaya napahalakhak si Cristine. “Practice lang, Tito papunta na po” sabi ng binata kaya nagtungo na siya sa loob habang si Cristine bumalik sa taas para puntahan si Clarisse at Jelly.
Sa likod ng bahay sinet up nina Oscar at Enan yung ihawan sa tabi ng kubo. “Sige po ako na po dito, relax nalang kayo diyan” sabi ni Enan. Naupo si Oscar, nagbukas ng dalawang bote ng beer habang pinapanood si Enan.
Sa second floor kinakabahan si Cristine, “Tignan mo mga mata ng daddy mo, matatalim o at titig na titig siya kay Enan” landi ni Jelly. “Uy wag mo naman na siya ganyanin. Cristine wag mo na sila panoorin. He will be okay” sabi ni Clarisse.
“Tignan mo parang naka ready papa mo lapain si Enan o. Si Enan matalino siya mag iihaw para dumistansya” bulong ni Jelly kaya imbes na malungkot e nagbungisngisan yung tatlo.
Ilang minuto lumipas at nagsimula nang mag ihaw si Enan, tumabi sa kanya si Oscar at inabutan ng beer. “Matagal tagal pa naman yan kaya umpisahan na natin” sabi ng matanda. Nagsimula sila mag inuman, ilang minuto lumipas at naihaw na lahat ng karne kaya sa loob ng kubo nalang nag hiwa si Enan.
“Ayan preskong hangin, buti naman nakisama ang panahon” sabi ni Oscar. “Araw araw po kayo umiinom?” tanong ni Oscar. “Hindi, papagalitan ako ng asawa ko. Magsusumbong pa yon kay Tiny” sabi ng matanda. “So under po kayo?” tanong ni Enan kaya natawa ang matanda.
“Hindi mo naman pwede sabihin na under, mahal ko lang sila kaya ganon” sabi ni Oscar. “Under parin po tawag don, pinaganda niyo lang” banat ni Enan kaya muli sila nagtawanan. Mga sumisilip sa second floor medyo nakahinga ng maluwag pagkat nakita nila yung dalawa nagtatawanan.
“So ano nilalaro mong sport?” tanong ni Oscar. “Wala po” sagot ng binata. “Kahit basketball?” tanong ng matanda. “Ah syempre naman po lahat ng lalake naman dumadaan don e. Marunong lang po pero di talaga ako naglalaro. Kung nagyaya ang barkada naglalaro po ako” sabi ni Enan.
“Hindi ba nasabi ni Tiny sa iyo na varsity ako dati?” tanong ni Oscar. “Ano pong position? Mascot o benchwarmer?” biro ni Enan kaya muling nagtawanan yung dalawa. “Di naman sa pagmamayabang pero matinik akong point guard” sabi ni Oscar. “Nakita ko po ata mga trophy niyo sa isang kwarto” sabi ni Enan. “Kalahati akin, yung iba kay Toffee. Nagmana siya sa akin e pero laro niya forward” sabi ng matanda.
Nagtuloy usapan nila ng basketball, nakailang bote naarin sila hanggang sa tumigil si Oscar at tinitigan si Enan. “Ano ba talaga habol mo sa anak ko? Pasensya ka na, sana maintindihan mo ako bilang ama kaya ko natanong ito” sabi ni Oscar.
“Bakit po ano ba tingin niyo sa akin? Itong itsura ko bang ito manloloko pa? Hindi po ba makapal na masyado mukha ko pag ang katulad kong ito ay manloloko at iba ang habol sa anak niyo?” sagot ni Enan.
“Iho balang araw pag may anak kang babae maiintindihan mo din ako kaya kailangan ko malaman” sabi ni Oscar. “Pangit naman kasi yang tanong niyo tito. Di ko naman alam ano isasagot ko diyan. Di naman ako manloloko. Baka iniisip niyo peperahan ko siya kaya ako nagbabait baitan”
“Wala po ako hinihingi kay Tiny. Kahit tanong niyo sa kanya ako po lahat ng gumagastos basta kaya ko. At hinding hindi ako manghihingi sa kanya ng kahit ano. Di po ako ganon” sabi ni Enan.
“Hindi sa ganon, wala ako pakialam sa pera ng anak ko. Ayaw ko lang siya masaktan” sabi ni Oscar. “Aminin ko po nakakatakot siguro itsura ko pero mapagkakatiwalaan niyo naman ako. Di naman po lahat ng pangit masamang tao na. Nakakatakot lang tignan oo pero di naman ibig sabihin masama din yung kalooban” sabi ni Enan.
“Hindi mo ata ako naiintindihan Enan” sabi ni Oscar. “Tito, alam ko po pano sumagot ng mala beauty pageant na kikiliti sa puso niyo. Pero kung sasagot ako ng ganon at hindi naman totoo e di wala din lang. Tignan niyo po ako, ganito itsura ko at napaka swerte ko at napasagot ko anak niyo. First girlfriend ko po siya, sa imagination lang ako nagka girlfriend ng maganda, sa totoo hindi ko naman inaasahan ang ganito pero oo aminin ko sino bang hindi mangangarap ng katulad ni Cristine ang magiging nobya?”
“Wala po ako alam sa ganito pero kinakaya ko. Minsan lang dadating ang ganitong tsansa sa mga katulad namin kaya hindi ko po siya sasaktan. Ilagay niyo po sarili niyo sa estado ko, ganito na nga manloloko pa? Hindi po siguro” sabi ni Enan.
“Kung yung ibang bagay iniisip niyo, nung isang araw ko palang siya nahalikan. Dati smack lips lang pero nung isang araw po naganap first kiss namin diyan o” sabi ng binata. “Hindi mo parin talaga maintindihan” sabi ni Oscar kaya napahaplos ang binata sa mukha niya sabay nakipagtitigan sa matanda.
“Ganito po ako, iniisip niyo porke may naglanding na maganda na tulad niya patulan ko na agad bago mawala. Hindi po ako ganon tito, kung masama po ugali ni Cristine hindi ko naman siya papansinin e. Pero iba po anak niyo, di siya katulad nung ibang magaganda”
“Bihira ang katulad niya. Mabait po siya pag nakilala niyo. Oo may pagkamataray pero may rason naman po. Maalalalahinin po siya at maalaga, marunong po makibagay at hindi maarte” sabi ni Enan sabay nakipagtitigan sa matanda.
“She was my crush. We knew each other I liked her. Now with all honesty…I am in love with your daughter…yes I am in love with Tiny” sabi ng binata kaya doon na napangiti si Oscar. “Nadali mo iho, at naniniwala ako sa sinabi mo. Nakikita ko sa mga mata mo na totoo yung sinabi mo” sabi ng matanda.
Bandang alas nuebe ng gabi inalalayan ni Toffee at Josephine si Oscar papasok ng bahay pagkat lasing na lasing ito. “Kayo na bahala kay Enan” sabi ni Josephine kina Cristine at Clarisse.
“Enan can you walk?” tanong ni Cristine. “Of course I can walk” sabi ng binata na nilakad ang dalawang daliri niya sa lamesa kaya nagtawanan ang mga dalaga. “He cant” sabi ni Clarisse kaya napabuntong hininga sila.
“Jelly kape nga” sabi ni Cristine. “Wag na” bulong ni Enan sabay naupo at hinaplos ang kanyang mukha. “So how was it?” tanong ni Cristine. “Okay lang, ang lakas uminom ng daddy mo” bulong ni Enan sabay hinaplos mukha ni Clarisse. “Hindi ikaw si Tiny ah” bigkas niya kaya nagtawanan yung mga dalaga.
“Tiny, tignan mo tong mukhang to, kamukha niya si Clarisse” sabi ni Enan. “Ito ang boyfriend ni Shan. Si Shan yung boyfriend ko” sabi ng binata kaya nagtawanan yung mga dalaga kasama si Jelly. “Alam mo ba inggit na inggit ako kay Shan noon kasi tignan mo o”
“Ganda diba? Nakakainggit maging gwapo kasi tignan mo naman o gwapo niya ano?” sabi ng binata. “Maganda siya” sabi ni Cristine. “Alam ko, pero gwapo narin ata ako talaga kasi girlfriend kita…oops hindi ikaw” sabi ni Enan pagkat napatingin siya kay Jelly.
Bungisngis ang mga dalaga habang si Jelly nagtimpi. “Tangina, oops sorry for the word pero tangina e. Tignan mo naman to Shan, tignan mo o tignan mo mukha nitong girlfriend ko” sabi ni Enan sabay kurot sa pisngi ni Cristine.
“Clarisse, wala dito si Shan” sabi ni Clarisse. “Kaya nga, pero tignan mo. Ako na talaga ang bagong standard ng gwapo. Kasi tignan mo talaga, me Enan mapapasagot ganitong kaganda, sasabihin nila…expected na yan! Artistahin e” bigkas ni Enan kaya lalong nagtawanan yung tatlo.
“Teka kasi tawa kayo ng tawa e. Seryosong usapan ito. Charisse tignan mo, matitibo ka sa kanya diba? Pero expected na yan sa tulad kong artistahin. Hello! Itong mukha kong ito ang panibagong standard ng kagwapuhan”
“Alam niyo ba madaming kumpanya nagbabayad sa akin na wag ako lumabas in public kasi mababankarote sila. Mga kikay kit nila for men…oh come on madaming lalake gumagamit din non para lalo sila gumwapo. Huh, ako no need. Inborn ito men. Pero kakampi ko yung mga plastic surgeons”
“Kasi alam niyo ba, mas mahal manira ng mukha para gawin ganito. Kaya ayaw ko lumabas in public kasi madaming lalake mapipilitan magparetoke. Baka makita niyo online, kidney for sale, reason for selling…I wanna look like Enan” litanya ng binata kaya halos mamatay na yung tatlo sa katatawa.
“Pero oy, bakit mahal ang operasyon para maging new standard gwapo face? Of course, this is art. Walang distinct figure mukha ko, exotic beauty, very rare ito kaya mahal. Pero ayaw ko lumabas at magpakita sana, baka pati betlog nila mabenta pa nila”
“Scrotum for sale, slightly used. Smooth no hair. Free kidney” banat ni Enan at tumindi ang tawanan nung tatlo. “Hay, its so difficult to be me…ugly as me” bulong ng binata. “Don’t say that” sabay na lambing ni Cristine at Clarisse, nagkatitigan yung dalawa kaya umatras si Jelly at kinabahan.
“Pero kahit pangit tignan mo naman nakapaligid sa akin o, aspiring beauty queen tapos certified actress” sabi ng binata. “E ako?” tanong ni Jelly. “Confirmed” landi ni Enan kaya halakhakan ulit yung tatlo.
“Pero sana totoo nalang lahat ito” bulong ni Enan kaya biglang ninerbyos sina Jelly at Cristine. “Totoo naman, katabi mo naman kami talaga” sabi ni Clarisse. “Hoy Risse, alam mo ba kami ni Cristine e…” bigkas ng lasing na binata kaya napahawak na si Cristine sa kanyang braso at kumurot. “Enan would you like coffee now? Kunan kita o tara nalang sa loob” sabi ni Jelly.
“Wait, ano ba may sasabihin ako sa kanya” sabi ni Enan. “Mahamog na o, pasok na tayo” sabi ni Jelly. “Please do not interrupt me, Risse, alam mo ba kami ni Cristine e” bigkas ng binata pero si Cristine naman ang nag alok sa kanya na pumasok na.
“Wait lang kasi, tignan niyo nakalimutan ko na sasabihin ko. Risse naalala ko na, kami ni Cristine, hindi kami..in a relationship” sabi ni Enan. “Oh no” bulong ni Jelly na napahawak sa likod ni Cristine.
“Enan you are drunk, tara na sa loob” lambing ni Clarisse. “Kailangan mo malaman ito kasi bestfriend kita e. Risse, itong nakikita mo, kami ni Tiny e acting lang to” sabi ng binata. “Ikaw naman Tiny, hindi ko bestfriend si Clarisse, magkaribal kami kasi puso ko talaga para kay Shan” sabi ni Enan.
Napatigil ang mga dalaga, bigla sila sumabog sa tawa lalo na si Jelly na nakahinga ng maluwag. “Pero ikaw Jelly, confeeermed with seal of Enan’s approval ka” hirit niya kaya tuloy ang tawanan nila.
“Pero Risse, I like this girl beside me” bigkas ni Enan ng malakas kaya napangiti si Cristine. “Enan lasing ka, of course you like her because she is your girlfriend” sabi ni Clarisse. “Tsk, seryosong usapan to men, si Violet s**t, sinaktan niya ako e pero okay na kami nagsesex na kami” sabi ng binata.
“What?!” sabay na bigkas nung tatlo. “Check niyo phone ko, nandon pa mga s*x message namin. Signan niyo kasi. Teka nasan ba yung selepono ko?” tanong ng binata kaya umariba ulit sa tawa yung tatlo.
“O ha, gotcha. Pero oo nagtetext kami ni Violet..may feelings pa ba? Konti pero di na tulad noon kasi alam ko na yung sakit na taglay niya. Sinasabi ko lang yon kasi gusto ko open ako sa inyo” sabi ni Enan.
“Yes I know about it, I read your messages” sabi ni Cristine. “Are you jealous?” tanong ni Enan. “Yes I am” sabi ni Cristine. “Wag uy, kasi ito..ito..ito” bigkas ni Enan sabay turo sa kanyang puso.
“Ito ito sa puso ko, amamin ko ini na magbabago” kanta niya sabay titig kay Cristine kaya nagtawanan sina Clarisse at Jelly habang si Cristine napangiti at napahaplos sa pisngi ng lasing na binata.
“Lets go inside labs” lambing ng aritsta pero tinitigan siya ni Enan. “Thank you for making me feel so special” bulong niya. “Because you are special” sagot ng dalaga. “Exotic ako hindi special” sabi ni Enan.
“You are special, do not think less of yourself” sabi ni Cristine. “O siya siya tayo na Enan o gusto mo buhatin kita?” biro ni Jelly. “At ano tsansingan mo titty bird ko? Baka maging turtol” sabi ng binata na biglang tumayo.
Todo alalay sina Cristine at Clarisse, nakapasok na sila ng bahay at dumiretso sila sa salas. “Wait lang, Risse bantayan mo saglit ha” sabi ni Cristine. “Lasing na lasing ka, ngayon lang kita nakitang ganito” sabi ni Clarisse.
“Sino ba kasi proprotekta sa iyo pag sumasama ka nakikipag inuman sa amin? E gago din yang boyfriend mo e…alam na kasama ka iinom inom pa..kaya ako nalang” bulong ni Enan na nakapikit at hilong hilo.
“I never knew that” bulong ni Clarisse na nakangiti. “Huh, syempre sasabihin ko ba? Baka sabihin mo crush kita e…siyempre pag tinanong mo aamin ako. Di naman ako pwede magsinungaling sa iyo” bulong ni Enan.
“Pag tinanong ko ano naman isasagot mo?” tanong ng dalaga. “Basta..di ako pwede magsinungaling sa iyo” sabi ni Enan. “Maybe..somehow..i too want to come to watch over you” bulong ni Clarisse na sobrang hina.