"HI KARA," napalingon si Kara sa may-ari nang tinig na lumapit sa kanya paglabas niya nang kuwarto. Nakatulog kasi ulit siya matapos siyang almusalin nang asawa niya sa banyo. "Good morning." ganting bati niya dito. Kahit medyo ilang siya sa bisita nila ay ngitian na rin n'ya ito. Kaibigan rin kasi ito ng asawa niya "Gaano na kayo katagal ni Zach?" usisa ni Jade, nakangiti naman ito pero iba ang dating sa kanya sa pagtikwas nang kilay nito paitaas. "Maglilimang buwan na rin, bakit mo naitanong?" "Well, wala naman I just asked, so mayroon pang a year and a half bago ang annulment?" Nakaismid na sabi ni Jade na ikinapagting nang tainga niya. Bigla tuloy nang init ang mukha niya. Bakit alam nito ang tungkol doon? "Come on don't look surprise Kara. Alam ko ang estado nang relasyon n'yo n

