"EXCUSE ME," tumaas ang kilay ni Kara dahil sa tawag nang guwapong lalaki sa harap niya. Bakas ang amusement sa mga mata nito. "Hindi ako si Bea," aniya sa lalaking parang nakakita nang isang nakakatuwang bagay sa harap nito. "Oh, I'm sorry by the way I'm---" "Gusto mong baliin ko 'yang kamay mo?" Tiim bagang asik ni Zach sa lalaking nakalahad ang palad sa kanyang harapan, dahilan upang mapalingon ang lalaki sa kanyang asawa. "Zachary!" Mas lumuwag ang ngiti nito, "Damn you, bakit ang suwerte mo sa mga babae?" nang aasar ang ngiting saad nito. "Bakit ka nandito?" formal pa rin ang mukhang tanong ni Zach sa lalaki. "Kauuwi ko lang ayain sana kitang uminum. But mukhang busy ka?" anito saka makahulugang sinulyapan siya. "Are you---" "Busy ako, next time na lang." sansala ni Zach sa sasab

