"PARA SAAN 'to?" Kunoot noong tanong ni Kara sa asawa. Naniningkit pa ang mga mata ni Kara nang mabasa ang nilalaman nang kontrata. Mananatili silang kasal sa loob nang dalawang taon lang at maghihiwalay sila stating that the big sum of cash and a property na ibibigay nito kapag natapos na ang kasunduan. "So iniisip mo talagang sinadya kitang puntahan sa resort." Natatawang usal niya. Sabay lunok dala ang labis na irritasyon at galit na pilit niyang kinokontrol. "I'm sorry pero ang totoo, tinaangap ko ang aluk mo noon para sa parehong dahilan." Saad nito na nagbaba nang tingin. "Ayaw ko rin sa arrange marriage." She could sense he was lying at her. Pero bakit? "At para saan ang blangkong papel," seryosong tanong niya. "All your terms and conditions, malibang ipagkait mo sa akin ang

