"KA---KARA," napatayo si Zach nang makita siya, napipilitan siyang ngumiti kahit ang totoo masama ang loob niya. She made so much efforts para lang araw-araw niya itong maipagluto. Pero iba pala ang kumakain. "Bakit ka nandito, akala ko masama ang pakiramdam mo?" "I brought you lunch!" aniya dito sabay lunok, kung wala lang ang mga kaibigan nito, gusto niyang komprontahin ito. "Kumain na kayo mga Sir?" baling niya sa dalawang lalaking nakatingin sa kanya. "Ikaw pala Atty." aniya nang makilala ang isang lalaki. Ang isa naman ay ang tumawag sa kanya na Bea. Kampanting naglakad siya palapit sa mga ito. "Hi." alanganing bati nang dalawa. "Dinalhan ulit kita nang lunch." aniya sabay lunok. "Pero baka gusto nila," baling niya sa dalawang naroon. "Ano nga palang pangalan mo?" aniya sa isa. Na

