"WHAT!" bulalas ni Kara ng sabihin sa kanya ng assistant ng kuya Gab niya na sa Pharmalab ang training office niya. Nagpadala pa umanong services niya para maghatid sa kanya sa office. Kaya sa inis, tinawagan niya ang ama. Para lang nalaman niyang naroon rin ito sa opisina ni Zach at nag-aantay sa kanya. "Pero bakit d'yan, dad? May sariling building ang kompanya mo." pikang saad niya. "You're training under me, alangan namang ako pa ang pupunta d'yan" sarkastikong sagot ni Zach sa kabilang linya. Nakaloudspeak pa pala ang phone ng ama niya. " I'm a very busy person Kara. Kaya pumunta ka na dito okay. Nasa baba na raw ang driver mo. Pero kung gusto mo puwede kitang sunduin." ikinagulat niya ang biglang paglambing nang huling sinabi nito. "Sabihin mo lang..." dagdag pa nito na lalo niyan

