Kabanata 15 - Bantay Salakay TULAD ng dati ay matiyagang naghihintay si Aslan kay Alexa. Nakasandal lang siya sa kotse nito, magkakrus ang mga braso sa dibdib. Napakabilis na lumipas ng panahon. Pitong taon siyang nagtiis na walang kamustahan kahit na sa loob niya ay para siyang mamamatay. Nagpapanggap pa siyang nagbabantay ng mga produkto na inilalabas nila sa Escobar papuntang Maynila para lang masilip si Alexa. He had been so crazy and head over heels when it came to her. He wanted her to notice him, to sew his worth but she chose to accept a lawyer in her life. That day he saw her go out on a date with that man, Aslan almost died. Nagwakas ang kanyang katiting na pag-asa na magustuhan siya ng batang mula at sapol ay minahal na niya. Baliw siguro siya o manyak nga malamang, dahil nag

