Kabanata 31 - Bad People SO, that explains everything. Iyon ang nasa isip ni Aslan habang hinihila niya si Alexa papalabas ng Mall. They went to the parking area. Umuulan na naman. Akala niya ay tuloy-tuloy na ulit ang pagganda ng panahon dahil nalusaw na raw ang LP, yun pala ay may mga pag-ulan pa. Hindi naman niya pwedeng iiwan si Alexa rito sa mall. May kalaban dito at hindi niya pwedeng pabayaan ang anumang sa kanya. It was clear and he heard it. Nalaman na niya kung nasaan ang pera na kanyang ipinadala, na naglaho lang na parang bula. Nasa kay Maxus iyon. He stood up for a while, watching the rain. Katabi niya si Alexa. "Aslan…" Alexa said beside him. Binitiwan niya ito at namulsa siya pero hindi pa rin ito tiningnan. Alexa blinked. Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwan

