Kabanata 60 ASLAN was relaying what Balbon said to Attorney Fulgar when he was interrupted by an ahem. Tumingin siya sa kung sino ang gumawa nun at si Mayumi ang nakita niya. Hindi siya umimik nang ngumiti ito at ibinalik na lang niya ang mga mata sa smartphone niya. "Aslan, sorry," anito sa kanya tapos ay lumapit ang isa sa mga kaibigan ni Alexa. Hindi niya alam ang pangalan, walang hiya. Baka magsipaglayas na lang ang mga ito sa hasyenda matapos ang bakasyon ay hindi pa rin niya kabisado pangalan ng mga ito. "Sorry if she teased you, ha. Sana maintindihan mo na ayaw na namin ng another Maxus for Alexa. She deserves a faithful man in her life," anang babae na lumapit. Tumingin siya roon at ngumiti iyon, "I am Ciara. Bihira akong magsalita pero naglalasing." Nagkatawanan ang dalawa

