Kababata 4.2
WALANG marinig na kahit na ano si Alexa sa loob ng kabahayan. Kahit na ang kalampag ng mga yero ay wala siyang maulinigan ni katiting man. Ang generator ay hindi talaga maririnig dahil naka-silencer iyon.
Kung gaano kaingay ang mga yero sa labas ng bahay, ang buhos ng ulan at ang ihip ng hangin, ganun naman katahimik sa loob ng kanyang kwarto.
Thanks to the power of technology. Mas buo ang pailaw ngayon sa mansyon kaysa sa noon. Malaki na talaga ang ipinagbago ng hacienda sa pamamahala ni Aslan. Iyon ang kanyang naiisip habang nakatayo siya sa bintana ng kanyang kwarto, nakatitig sa isang maliwanag na building, di kalayuan.
Dahil mataas na bahagi ng lupa ang kinatitirikan ng mansyon, tanaw niya ang kabuuan ng Hacienda Escobar. Ito ang hacienda na pag-aari ng ninuno pa niya sa ama niya, pero nakapagtataka na bakit sa last will ng kanyang namayapang ina ay nasa kay Aslan na ang lahat.
Sumikip ang kanyang dibdib. She could feel pain in her heart. Jealousy starts to consume her system again. Bakit? Bakit tila nasapawan na ni Aslan ang galing ng ama niya? Wala ni isa sa mga ninuno niya ang nagpaangat sa buong hasyenda ng tulad ng pagpapaangat ni Aslan.
She is aware that the net income annually doubled from her father's legacy. Ang sakit lang isipin na hindi na siya ang nagmana, tila natabunan na rin ang alaala kung gaano kagaling ang Daddy niya.
What she sees right now from where she stands is the evacuation of all the farmers. Iyon daw ang ipinagawa ni Aslan sa unang taon na maupo iyon bilang isang heciendero. Ang gastos daw doon ay umabot ng milyon. Tatlong ektaryang lupain daw ang nilamon ng proyektong iyon pero ang ginastos daw ay nabawi agad sa ikatlong anihan, nang magamay ni Aslan ang tamang pamamalakad sa lahat.
That was from Mang Kiko. Nagkukwento ang matanda kanina habang siya ay umiinom ng mainit na natural na tsokolate.
Iyon daw ang bagong produkto na ipinagmamalaki ng Lexa Enterprises, mga tsokolate na gawang Escobar lang makikita. Hindi niya alam na manufacturer na rin ng chocolate bars ang ampon nila at mga chocolate powder.
Sa kwento ng mayordomo, ramdam ni Alexa kung gaano iyon ka-proud kay Aslan.
She was stunned upon hearing about Lexa Enterprises. Kapag nakikita niya iyon sa mga commercial noon, akala niya ay kapangalan lang niya, pangalan pala talaga niya ang ginamit sa negosyo na iyon, maging sa produkto.
Lexa chocolate products, iyon ang sabi ni Mang Kiko na negosyo. Target na ng kuya-kuyahan niya na mag-export sa ibang bansa ng mala-imported na tsokolate pero gawang Pinas.
Napalingon siya nang makarinig siya ng kalabog. Agad siyang napakunot noo at luminga.
The room is soundproof. How is she able to hear such noise? Tila ba isa iyong guni-guni sa kanyang pandinig.
Bigla na lang siyang nakaramdam ng takot nang maalala ang sabi ni Aslan na baka siya ay marinig.
"Aslan?!" Hiyaw niya sa pangalan nun pero huli niya naalala na wala iyon.
Perhaps he already arrived.
Tinapangan ni Alexa ang sarili at naglakad siya papunta sa may pintuan para tingnan kung nariyan si Aslan, pero agad na namatay ang ilaw.
"Ihhhhh! Aslaaaaan!" Tili niya at hindi niya alam kung saan siya tatakbo dahil napakadilim.
"Mang Kikooo!" She screeched her heart out.
Nakapikit siya nang mariin dahil baka may makita siyang White Lady na palutang-lutang sa hangin.
Diyos ko. Pinaglalaruan ba siya ng hinayupak na si Aslan?
"Mahang!" Ani Mang Kiko kaya agad siyang napamulagat, "Naubusan ng krudo ang generator. Naglalagay pa si Dionisio," anito.
May data itong emergency light, papalapit sa kanya. Pasalamat siya at hindi niya ini-lock ang pinto. Wala pa maman siyang smartphone na pampailaw.
Hindi pa niya maisaksak dahil may nakalagay na detected moisture.
"Thank you, Mang Kiko."
"Saglit lang ito. Halika na sa ibaba para makakain ka na rin ng gabihan."
Tumango siya at sumama rito sa paglabas ng kanyang kwarto. She's afraid to look back. Nakakainis kasi hindi siya takot sa patay sa Medical school pero takot siya sa multo. Pumapasok siya sa morgue, napapalibutan siya ng patay pero tinakot lang siya ni Aslan kanina, natakot naman siya.
Bwisit talaga ang lalaking iyon kahit kailan.
"Napakalakas ng bagyo. Mabuti na lamang at ligtas tayo at ang mga trabahador. Malaki-laki ang pinsala nito sa hasyenda pero mabuti na lang din at hindi pa nag-uumpisang magtanim," ani Kiko sa kanya.
"Kasya ba, Mang Kiko sa evacuation ang mga tauhan?"
"Aba, oo. Napakalaki nun. Ang pagkain dun tuwing ganitong panahon ay sopas at lugaw, mga nilagang saging at gulay. Daig pa nila ang mga langgam na nag-iimbak dun kapag sinabing may landfall at tatamaan ang lugar natin. Minsan nga may nakisilong dito na hindi taga rito. Inabot ng baha sa tulay at di makatawid. Alam mo ba kung sino iyon? Si Dra. Anne. Iyon ang beterinaryo ngayon ng mga hayop."
Dra. Anne.
Bakit parang kaiba ang dating ng pangalan na iyon sa kanya? Isa na naman ba iyon sa mga babae ni Aslan? Babaero talaga ang walang hiya.
Tatahi-tahimik ang ugok na yun pero mula nang magdalaga siya, kung sino-sinong babae ang nakikita niyang angkas ng ampon nila. Sa kabayanan ay kilalang-kilala si Aslan. Noong kasama niya iyon dahil na-confine ang kanyang Mommy, daig pa nun ang isang celebrity.
Napadaan lang ang pickup sa mga kolehiyala, nagsisipagtilian na ang mga matataray na walang hiya.
Kapag may acquaintance sila sa eskwelahan ay iyon ang tagahatid niya at tagasundo. Ang problema, nakatunganga iyon sa malapit kaya hindi siya malapitan ng mga kalalakihan para siya ay isayaw. Tapos mawawala iyon, yun pala ay may kahalikan ng babae sa sasakyan nila.
"Nag-aral pala siya ng Veterinary, Mang Kiko?" Pag-iiba niya habang bumababa sila sa hagdan.
"Oo, kaya lang unang sabak niya sa pagpapaanak, namatay ang kabayo na bigay sa kanya ng Daddy mo. Masamang-masama ang loob niya. Hindi na niya ginampanan ang pagiging duktor ng mga hayop dito mula noon. Ngayon, hindi niya masundo si Dra. Anne dahil baha sa tulay. Napilitan siyang pumunta sa rantso para paanakin si Marishka."
Iyon pala ang Marishka. Akala niya ay tao ang pinag-uusapan ng mga iyon sa sasakyan kanina nang sunduin siya, kabayo pala.
"Si Marishka ang anak ng kabayo niya."
"Hindi ba siya sa Malapacsiao nakatira, Mang Kiko, yung Anne?" Tanong niya at napatingala agad siya nang magkaroon na ng ilaw sa paligid. Ilang generator kaya ang ginagamit sa pailaw sa buong kabahayan?
She noticed the changes at the ceiling when she arrived. Moderno na ang mga pailaw, may LED pa. Ang kwarto niya ay may mga parang bituin sa kisame. Wala iyon noon at masasabi niyang hindi naman pinabayaan ni Aslan ang kwarto niya sa pagpapa-renovate. Hindi iyon napag-iwanan.
"Sa Balate iyon nakatira, Mahang."
Tumango siya. Hindi nga iyon makakatawid kung ganun.
"Mayroon din siyang sariling ospital ng mga hayop dito, nasa Salvacion, naroon si Dra. Anne. Dun din si Aslan noon halos naglalagi pero nawalan siya ng gana mula ng nangyari kay Terisla."
"Magkasama pala sila nung Anne sa animal clinic," balewalang palatak niya.
Ipinaghila siya ng upuan ni Aida nang marating niya ang dining.
"Sinugod niya ang bagyo para pumunta sa rancho?" Tila di makapaniwalang tanong pa niya.
"Gagawin nun lahat para sa mga alagang hayop. Hindi na ako nagtataka, anak. Sabi ko na lang ay mag-ingat. Iyong pang bundok naman na sasakyan ang dala niya."
Sinarili ni Alexa ang pag-iling. Pangbundok na sasakyan na milyon ang halaga malamang.
"S-Sina Lucas Manang, kumusta na sila?" Naisip niyang itanong habang naghahain ang mga kasambahay.
"Si Lucas, iyong dati mong boyfriend?" Nakangising sabi ni Mang Kiko nang sulyapan siya.
Agad siyang napalabi, "Mang Kiko naman. I was still so young at that time."
"E, si Lucas naroon pa rin sa kanila. Balita ko ay mag-aasawa na pero ewan. Ang tagal ng ipinamamalita ng ina nun na mag-aasawa pero ni isa wala naman pinakakasalan sa tatlong babaeng naka-live in. E ikaw, kumusta ka naman dun? May nobyo ka ba?"
Alexa blinked. She was eyeing these people and how they serve her. They still treat her as a princess. Taon niyang hindi kinamusta ang mga ito.
Her conscience is pricking her inside. She intended not to keep her communication with these people for years because of Aslan but the way they show her kindness is unbelievable. Parang hindi siya nawala.
"I had…" she admitted.
"Had, ibig sabihin senyorita, tapos na." Ani Sharon sa kanya kaya tumango siya.
"I broke up with him," aniyang nanonood sa paglalagay ni Kiko ng pagkain sa kanyang plato.
"Iyan ba ang rason bakit na umuwi?" Dugtong na tanong pa nito.
She just shrugged as an answer, "Sort of, I guess, Mang Kiks. Gusto kong makita niya ang nawala sa kanya."
"Tama iyan. Huwag kang maghahabol at magpapakababa para sa lalaki. Sila ang dapat maghabol sa iyo. Ang ganda-ganda mo, edukada at mayaman. Aba, subukan mong mamasyal sa mga karatig bayan o kahit dito sa Escobar, libutin mo ang labindalawang barangay na nasa loob nito, ewan ko lang kung walang manligaw sa iyo."
Napangiti naman siya sa bilib ni Mang Kiko sa kanya.
"Agree, senyorita. Baka tumanda na naman si senyorito sa pagpipigil ng mga manliligaw sa'yo, tulad nun, dinaig pa si Senyor Geron," humahagikhik na sabi ni Dina.
"I'm not fifteen anymore," anaman niya dahil hindi na siya papayag na pakikialaman pa ni Aslan ngayon ang buhay niya.
Isa pa, hindi siya magtatagal dun. Dalawang buwan lang ang bakasyon at babalik na siya para magpatuloy sa pag-aaral.
Pero bago yun, dapat na niyang makuha ang nararapat na bahagi para sa kanya sa lupang pinagyaman ng mga ninuno niya.