Kabanata 6 - Pagbisita
BUNTONG HININGA ang ginawa ni Aslan nang walang pakundangan na pasibadin ni Alexa ang kanyang kotse sa driveway, papaalis ng garage.
Nadilaan na lang niya ang labi at isinunod ang mga mata sa umaandar na sasakyan.
It was his car but he didn't have the courage to say no. He had the power to do so but he never had the will.
Fuck.
She was still that Alexa so many years ago. Walang makapagpapatiklop sa isang iyon. Pilit naman niyang ginagawa pero talagang palaban at hindi umaatras.
Sa kabilang daan siya dumaan kanina nang umuwi. Nasa balikat niya naka sampay ang kanyang damit. Wala pa siyang maayos na tulog pero napatigil siya nang makita niyang pinaghahampas ni Alexa ng walis si Donna.
Jesus.
In his mind he wanted to stop her and scold her but he just ended up watching, and wasn't able to walk closer to tell her to stop hitting Donna with the broomstick.
Hindi niya gusto ang tensyon na namumuo sa pagitan ng dalawa pero wala siyang magagawa kung parehas na sutil ang mga iyon.
Tuluyang nakalabas ang sasakyan sa gate at arko. It was very small in his eyes, yet he remained staring.
"Hindi pa rin siya nagbago, hindi ba?" Iyon ang mga salita ni Mang Kiko na pumukaw sa huwisyo ng binatang nakatulala, habang nakalabi.
"Not even a tiny pint," he answered.
"Wala pa sa atin ang nakakahuli ng ugali ng bata, tanging ang yaya Guada lang niya."
"Yun kasi ang nag-alaga sa kanya mula baby pa siya, Mang Kiko. Wala tayong magagawa sa katigasan ng ulo niya at katarayan. Para tayong nag-aabang na makahuli ng pating kapag umasa tayong mahuhuli natin ang ugali ni Lexa…Alexa," aniyang napilitan na rin na humakbang para pumasok sa kabahayan.
Hindi maalis sa kanyang balintataw ang naka-short na imahe ni Alexa. f**k. He had seen so many women wearing pekpek shorts, they say, but what does Alexa have to make him feel so mad about her wearing such damn clothes?
Maraming nagsusuot nun sa buong Escobar. Normal na lang iyon na pang-araw-araw na damit ng mga naggagandahang babae roon, na may kakayahang magpasilip ng mga singit. Donna was one of those women but his eyes were damn pulled like piles of logs when Alexa showed herself and surpassed all of those women.
"Hindi ako nawawalan ng pag-asa. Mabait naman siya," anito pang sumunod sa kanya nang pumasok na siya sa loob.
He didn't bother to make an answer.
"Hindi mo ba siya susundan si Mahang, iho?"
Parang buntot ng aso na susunod sunod kay Aslan si Mang Kiko.
Mahang…
He heard that endearment again. Iyon ang tawag ni Guada sa alaga mula noong sanggol pa si Alexa. Bukod tangi iyon na tumatawag ng ganun sa baby noon kaya halos lahat ay nasanay sa ganung palayaw ni Alexa. Si Guada ay tubong Bicol at ang mahang na sinasabi ay tulad din ng salitang, mahal.
"Hindi, Mang Kiko," maikling tugon niya na nagpatigil sa matanda sa pagsunod sa kanya.
"M-May gusto ka ba? Ipaghahain kita."
Aslan shook his head. He needs sleep. Iyon lang ang kailangan niya sa kanyang buhay sa mga sandaling iyon.
"K-Kinakamusta nga pala ni Alexa ang mga kaibigan niya rito noon. Baka tumuloy siya roon."
He paused in the middle of the stairs and inhaled deeply.
Iisang tao ang pumasok sa kukote niya na kinakamusta ni Alexa, si Lucas Barrameda. Ang ginayupak na iyon ang tsismosong lalaki na sumira sa imahe ni Caroline sa lahat. Nalason ng lalaking iyon ang isip ni Alexa kaya kabit ang tingin sa kanya ng dalaga, kabit ng sarili nung ina.
It was a gossip ignored and didn't pay attention to. Akala ng karamihan ay totoo iyon dahil hindi siya nagpakaabala na magpaliwanag. Hindi iyon totoo. May mga bagay na sila lang talaga ni Caroline ang nakakaalam, at dahil mahal nila parehas si Alexa ay mas pinili niyang huwag na lang ditong sabihin ang maraming bagay para hindi niya iyon masaktan. Nasaktan man iyon sa mana, at least hindi iyon galing sa bunganga niya.
"M-May nobyo pala siya sa Maynila at mukhang nag-away sila kaya siya umuwi rito. Dito daw siya magbabakasyon."
Hindi siya sumagot at itinuloy lang ang pag-akyat. May nahanap na katapat ang isang mataray na babae. Sinong lalaki naman kaya ang gumago sa prinsesa ni Geron? Aslan must congratulate that guy very soon.
KAHIT na ang Maserati ni Aslan ay nagpapahiwatig ng karangyaan sa buhay. Iyon ang naiisip ni Alexa habang minamaneho niya ang sasakyan na iyon at binabaybay ang mahaba at tila walang katapusan na daan sa pagitan ng mga kabukiran.
Nananalangin siya na walang mga posteng nakahambalang sa daan para huwag siyang mapilitan na bumalik sa bahay. Cleared pa naman ang daan kahit paano, kaya medyo nai-enjoy niya ang view.
Sariwang hangin ang nagpapalipad sa kanyang mahabang buhok. Dahan-dahan lang patakbo niya dahil pinagmamasdan niya ang malaking pagbabago sa lahat.
Nadaanan niya ang isang kulay orange na truck, may nakasulat na BARAECO. May pamilyar siyang lalaki na namukhaan, nagmamando sa mga tao na nag-aayos ng isang natumbang poste.
She stopped the car when she was about to enter the cemetery and looked back. Nakatingin din sa kanya ang lalaki Habang nakapameywang, suot ang isang Engineering helmet.
Lucas…
"Lucas?" She immediately asked.
Agad ma ngumiti ang lalaki at napatakbo papunta sa kanya.
"Damn! Ikaw ba 'yan Alexa?!" Bulalas nito kaya napangiti siya.
Ang matured na ni Lucas, susmiyo Marimar!
Iyon pa talaga ang nasambit niya sa isip nang makita ang lalaki. Sa utak niya ay palihim niya itong inaaral habang papalapit ito.
Yeah, nag-matured ito pero taglay pa rin ang kagwapuhan na natural na nitong kasama mula noon pa man. Mas may edad naman talaga ito sa kanya pero di hamak na mas bata ito kay Aslan.
"Alexa my dear baby!" Bulalas nun nang pumameywang sa mismong tapat niya.
She was looking up at him with a very snobbish smile. Sa timbre ng boses nito at tawag nito sa kanya, mukhang tama si Mang Kiko sa ibinalita sa kanya.
"Nandito ka," anito.
"Is it bad?" She asked, brows lifted.
Tumawa ito sa tanong niya at umiling, "Still so you. Kumusta?"
Pasimple siya nitong hinahagaod ng tingin tapos ay napapako sa maganda niyang mukha ang mga mata ni Lucas.
"Quite good. You?"
"Eto," anitong sumulyap sa poste na itinatayo, "busy sa pagmamando bilang Engineer. Kami na ang may-ari ng semi private electric cooperative rito," anito sa kanya na para bang sa pandinig niya ay niyayabangan siya.
"Really? Hindi naman yun nakapagtataka kasi mayaman naman kayo ever since," she said.
"You weren't accepting the gc's invitation. Are you avoiding your friends, Alexa?"
"I just don't want to add stress to my already stressful life, Lucas. I am not avoiding anyone. I just want to focus on my studies rather than reading chats in the gc."
"Nasa med school ka ba pa?"
"Yes. I took up BS Pharmacy. Medicine proper na ako."
Tumangu-tango ito, "Pwede ka bang maimbitahan na mamasyal ulit sa labas ng hacienda?"
"It depends," she shrugged.
"Depends on?"
"Where you're about to bring me."
"Mamasyal lang."
"Save my number then," aniya at agad na idinugtong ang kanyang numero.
Nagmamadali nitong kinapa sa mga bulsa ng pantalon ang smartphone pero bigla siyang napatigil dahil wala naman signal. Paano sila makakapag-usap?
"Sunduin mo na lang ako sa bahay. We don't have a signal yet."
"Sure," anito sa kanya nakangisi.
"I better get going, Lucas," aniya rito.
Natanaw niya ang isang may katandaang lalaki at babae na tumatakbo papalapit sa gate ng musuleyo, tapos ay binuksan iyon.
"Hindi ba at si Senyorita iyan?" Tanong ng babae sa puntong Batangas.
Hindi pa rin pala napapalitan ang caretaker ng libingan. Bata pa siya ay naroon na ang mag-asawa.
"Ako po ito," aniya naman pero ramdam niya na si Lucas ay nakatingin pa rin sa kanya kaya binalingan niya, "I'm going now, Lucas. Sana ay bilisan niyo ang trabaho."
Humalakhak ito saka sumaludo, "Ikaw ba pa. Lakas mo sa akin."
Wala siyang reaksyon. Whatever. Matagal na niyang naririnig ang ganung mga kabulastugan at hindi na siya mabibilog muli. Maxus did it to her. Well then, may nagbago sa kanya. Tila wala ng appeal sa kanya si Lucas ngayon, di tulad nun na umiiyak siya kapag di siya pinapayagan na lumabas kasama ng lalaki. Halos isumpa na niya si Aslan kapag ginagawa iyon sa kanya.
Tamad niyang pinausad ang sasakyan at ngumiti sa mag-asawang caretakers.
"Welcome back po, senyorita. Napakaganda niyo," anang lalaki na sa pagkakatanda niya ay Mang Rufo ang pangalan.
She just smiled, "Bukas po sa musuleyo nina Dad?"
"Narito senyorita ang susi dahil di hahana ang digital. Walang kuryente e," anaman ng babae saka ibinigay sa kanya ang nakakwintas na susi, "Samahan ko kayo."
"No need to, Manang. Thank you," aniya at kaagad na kinuha iyon.
Diretso na siya sa pagmamaneho. Medyo nasa dulo ang libingan nga kanyang mga magulang. Marami doong puno pero parang hindi binagyo dahil wala ng kalat sa daan. Napatingin siya sa libingan ng kanyang mga ninuno, tapos ay sa isang musuleyo na ama ni Aslan ang nakatira.
She was aware that Aslan's father was her mom's best friend. Nagtataka lang siya nang labis bakit doon din nakalibing ang hindi naman Escobar.
May musuleyo rin iyon na singganda ng sa mga magulang at ninuno niya. Ganoon katindi ang relasyon nina Ferit at ni Caroline. Minsan, gusto rin niyang pagtakhan kung bakit pero dadagdagan na naman ba niya ang karumihan ng kanyang isip?
Kahit naiisip na niya, ayaw niyang padamihin lalo ang haka-haka. Minsan nga, naiisip niya noon na baka anak ng mommy niya si Aslan kay Ferit. Ibig sabihin nun ay magkapatid talaga sila. Tapos minsan naman, iniisip niya na anak siya ng Daddy niya sa ibang babae. Tapos, malakas ang kutob niya na boyfriend ng Mommy niya si Aslan noon kaya ito ang nakakuha ng lahat.
Ang dami na niyang naiisip pero hindi niya alam kung alin dun ang totoo.
She pulled over.
Bumaba siya sa sasakyan at napatingin sa tulay na kahoy sa may di kalayuan.
Mataaas pa rin ang tubig sa sapa pero napakalinaw. Galing iyon sa pinakadulong bahagi ng asyenda kung saan bulubundukin na at may batis. Hindi siya roon pumupunta dahil may humahalinghing daw dun na babaeng multo, sabi noon ng mga trabahante.
Tapos nang magawi siya, ang humahalinghing pala sa loob ng kweba na natatakpan ng water falls ay ang mga babae ni Aslan. Susko.
Nagkalad siya papunta sa musuleyo ng kanyang mga magulang at binuksan ang salaming pinto. Itinulak niya iyon at hinayaan lang na nakabukas.
Napatingin siya sa larawan ng kanyang ama at ina, malalaki. Dahil sa modernong panahon, kitang kita niyang ang kaibahan ng kulay ng litrato ng mga iyon. Medyo naninilaw ang mga iyon at kupas ang mga kulay, di tulad sa mga litrato ngayon na buhay na buhay ang mga kulay.
"It's been years, Mom and Dad," aniyang may buntong hininga.
She's all alone. Matagal na siyang nag-iisa, walang isang tunay na kapatid na nagmamahal sa kanya. Bakit ba hindi nag-anak ng marami ang dalawa para sana ay marami siyang karamay, hindi ang isang trying hard kuya na ampon.
Lumapit siya sa may cabinet at kumuha roon ng kandila at pansindi. May mga bulaklak sa paligid at hindi pinababayaan ang libingan. Makikinang pa rin ang mga marmol na kulay itim. Maputi pa rin ang marol na sahig.
Buhay pa ang mga Narra na mesita at upuan. Lahat iyon ay ipinagawa para sa kanya dahil parati siyang nagrereklamo na ayaw niya sa ibabaw ng nitso na maupo. Ipinagawa iyon ng Mommy niya dahil gusto niya noon ay tumira na sa tabi ng puntod ng kanyang ama.
And now, she's a grown up woman.
Sinindihan niya ang kandila at nag'umpisa siyang magdasal sa harap ng mga puntod.
Pumikit siya at inilabas ang kanyang libretto. Mag-aalay siya ng panalangin para sa mga kaluluwa.
"Sobrang tagal na di ako umuwi, Mommy, Daddy. I wish you can still me from where you are right now. Malapit na akong maging duktor pero hanggang ngayon ay napakalabo pa rin ng lahat ng nangayari sa buhay ko. You know what I mean."
Inumpisan niya ang panalangin. Sunod-sunod ang pahina na kanyang binabasa. Umaabot iyon ng trenta minutos kapag dinadasal niya.
Nang siya ay papatapos na, may sumisitsit na sa kanya.
Ssst!
She stopped but refused to open her eyes.
Ssssttt!
It was a hissing sound. Agad siyang napamulat at pumihit, at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang nakita niya ang isang ahas sa pintuan.
Nakatingin iyon sa kanya kaya ganun na lang ang tili niya at pagtalon-talon.
"Snaaaaake!" Ang lakas ng tili ni Alexa at hindi niya alam saan siya tatakbo dahil umikot ang ahas at pumosisyon na tutuklawin sya.
Sure it was big, shiny and black. Hindi iyon parang pitpit ng kawayan lang. Kasinlaki iyon ng braso niya.