Chapter 4

1479 Words
Kinabukasan maagang nagising si Isay, pumasok siya sa mansyon para maligo hindi kasi siya nakaligo kagabi e, saka kinuha na din niya ang panlinis nang kwarto kasi yung kwarto na lang niya ang hindi n’ya nalinis, kaya bago siya maligo ay maglilinis muna s’ya, at pag katapos niya ay pupuslit siya sa kwadra dahil wala ang kanyang ama ay pagkakataon na niya para mangabayo. Pag-akyat niya sa third floor ay s’ya namang bukas ng pinto ng guest room kung saan naka stay ang bwusita ng kuya niya, nag-katinginan naman sila sabay takbo niya papasok sa loob ng kaniyang kwarto. Na-iiling namang sinundan siya ng tingin ng lalaki, pag-pasok ni Isay sa kanyang kwarto ay napasandal siya sa pinto sabay hawak sa kanyang dibdib na sobrang lakas ng t***k ng kanyang puso. “Hayy, pisting yawa bakit ba ako natatakot sa mokong na iyon?” inis niyang usal. Nang kumalma ay nag simula na siyang malinis ng kwarto niya, si nanay Mirna naman niya ay tapos na din magluto kaya okay ng hindi na siya tumulong sa kusina. Kaagad siyang naligo dahil kailangan niyang makaalis agad para hindi siya abutan ng kanyang ama na tumakas papuntang kwadra, na mimiss na kasi niya si Sebseb ang kabayo niya, regalo iyon ng kanyang lolo noong buhay pa ito, kaya mahal na mahal niya ito dahil iyon ang alaala ng kaniyang lolo sa kanya. Sa likod siya ng mansyon dumaan, para hindi siya makita ng kuya Ryan niya dahil na sa harap ito nagpapainit sila kasama nang kanyang pamangkin. Napalundag pa siya ng biglang may nagsalita sa kanyang likuran niya. “Anong ginagawa mo?” sabi nito. “Ay kepyas na bilasa, shemmay ka!” aniya sabay lingon sa nagsalita. Paglingon niya ay dumagundong na naman ang kanyang puso sa kaba ng makita ang lalaki, naka jogger ito ng itim saka white shirt ang linis-linis nitong tingnan saka parang mabango. Ang aga-aga e, tirik na tirik din si Jr nag-iwas siya ng tingin dahil baka magkasala siya at mahalata nito na doon siya nakatingin. “Anong ginagawa mo, para kang magnanakaw na tumatakas!” nakakunot noong tanong nito. “Wala ka nang pakialam don,” masungit niyang sagot sa lalaki na ikinatawa nito ng pagak. “Tumatakas ka gusto mong pagalitan na naman ng amo mo?” banta nito sa kanya. Amo! siraulo ba ‘to? sasagutin sana niya ito nang maalala na hindi pala nito alam at wala siyang balak ipaalam dahil hindi niya obligasyon na magpaliwanag dito. Inismiran lang niya ito at hindi pinansin, sumilip siya sa harap at tinantyan niya kung makikita siya ng kuya Ryan niya. Lumakad naman ang lalaki papunta sa kung anong sinisilip niya, nang bigla niya itong hilahin dahil makikita ito ng kanyang kuya Ryan baka mabuking pa siya. “Ano ba ‘yang ginagawa mo, mahuhuli n’ya ako e!” inis niyang irap dito. “Ganyan ka ba talagang makipag-usap sa bisita ng amo mo?” nagugulahan itong tumingin sa kanya. “Oo, baket? Kung ayaw mo nakausapin kita ng ganyan tantanan mo ako,” asik niya dito saka dahan-dahang lumakad papuntang kabilang bakod. “Gusto mong isumbing kita?” nang akma itong sisigaw ay dinamba niya ito sabay tukop sa bibig nito, napahiga naman ito at siya naman ay mapadagan dito. Ramdam niya ang j*nj*n nito dahil leggings na manipis at gray s**t lang ang suot niya. Shit... Kaagad naman siyang tumayo, ngingisi-ngisi naman ang loko. “P’wede ba tantanan mo ako!” galit na niyang baling dito. “Pupunta lang ako ng kwadra kaya tantanan mo na ako!” dagdag niya dito. “Tumatakas kasa gawain mo, gusto mo talagang mapagalitan ah!” naka ngisi ito habang tumatayo. “Wala akong pakialam kahit magsumbong ka, pupuntahan ko lang ang alaga ko kaya d’yan ka na!” nang pigilan siya nito. “Sandali, hindi na kita isuumbong isama mo na lang ako!” pigil nito sa kamay niya. Piniksi naman niya ang kamay sa pagkakahawak nito, hindi kasi siya kumportable sa naramdaman sa pagkakahawak nito sa kanya. “Bahala ka sa buhay, sumunod ka kung makakasunod ka,” aniya sabay talikod at iniwan ito. Dirediretso lang siyang nang lakad hindi na niya pinasin ang lalaki, hindi niya alam kung nakasunod ba ito sa kanya dahil hindi niya naririnig kung may nakasunod sa kanya. Kaya himinto siya saka pumihit paharap, siya namang pagbunggo niya sa matigas nitong dibdib, kaya na out of balance siya buti na lang at naagapan siya ng lalaki at hinila siya patayo kaya napadikit siya dito. Kaagad din niya itong tinulak para mapalayo sa pagkakayakap ng lalaki sa kanya, pano ba naman naramdaman na naman niya si Jr, ano ba naman ‘tong lalaki ito sumasabay sa pagtirik ng araw. Shemmay talaga... Naiinis s’ya at walang salitang tinalikuran ang lalaki, narinig pa niyang tumawa ito ng mahina, binilisan niya ang paglalakad. Hindi nagtagal ay nakarating na sila ng kwadra, sinalubong naman siya ng mga tao doon na naglilinis ng kabayo. “Isay anong ginagawa mo dito” tanong ng isang trabahante, pag napupunta siya doon ay ayaw niya tinatawag siyang Ma’am kaya sanay na din ang mga ito na tawagin siya ng nickname niya. “Bibisitahin ko lang po si Sebseb, nasaan po ba s’ya?” tanong niya dahil hindi niya ito makita sa kwadra nito. “Pinaliguan lang siya ni berting, pabalik na yung mga ‘yon intayin mo na lang,” sagot nito. “E sino ba iyang kasama mo?” sabay tingin sa lalaking nakatayo sa likuran niya. Pagtingin niya dito ay kumindat lang ito sa kanya, irapan nga niya. “Boyfriend mo?” singit ng isang trabahante sabay tingin sa kanilang dalawa. “Si Isay magka boyfriend? Naku siguradong magkakagulo ang buong hacienda... hahaha,” tawanan naman ng mga ito, sanay na sanay na ang mga itong biruin siya at madalas din naman siyang makipag-biruan sa mga ito. “Ha... ha... ha,” pekeng tawa niya, “Bwusita po ni kuya Dom, naku lagot kayo, sumbungero pa naman yan!” sabay irap niya ulit sa lalaki, kahit kinakabahan siya sa presenya nito ay inis na inis pa rin siya dito. “Ako subungero, sinamahan pa nga kita dito e,” ganting pang-aasar nito. Abat... mukhang sanay na sanay din itong makipag asaran. “Oy... hindi pa man nag-aayaw na!” tukso sa kanila ng mga trabahador. “Paano inaaway n’ya ako!” ani ng lalaki na nakisabay sa biruan ng mga tao. Siya naman dating ng kabayo niya na agad ding lumapit sa kanya ng makilala siya. “Ummp, namiss ko yang si Sebseb,” saka hinalik-halikan ang kanyang kabayo. “Buti pa ang kabayo na hahalikan!” ngisi nito na mas lalong nagpaingay sa mga nakarinig. “Pahalik ka sa aso!” aniya sabay sakay sa kanyang kabayo saka iniwan ang lalaki, wala siyang paki-alam kung anong gawin nito doon. Inikot niya ang buong manggahan dahil namimis na niyang kumain ng mangga, titinganan niya kung may bunga na at pwedeng pitasin. Itinali mina niya si Sebseb, saka tangkang aakyat sa puno nang nagsalita ang lalaki hindi niya napansin na nakasunod pala ito sa kanya, nalibang kasi siya sa pagtingin sa mga bunga ng mangga. “Anong gagawin mo?” “Ay shemmay talaga, yawa! wala ka ba talagang alam gawin kundi mang gulat, saka bakit kaba sunod ng sunod, ang luwang-luwang ng p’wede mong puntahan sakin ka sunod ng sunod, hindi po ako tour guide.” asar na asar na talaga niyang sabi sa lalaki na naka-ngisi lang sa kanya. Hindi na niya ito pinansin at umakyat na lang sa puno ng mangga, nakanganga namang nakatingin ang lalaki sa kanya at napapailing. “Problema mo?” aniya saka pinanlakihan ito ng mata. “Bakit ba ang sungit mo sa akin wala naman akong ginagawa sayo, saka ikaw pa nga itong gustong bumasag ng bungo tapos ikaw pa yung masungit” naka ngisi pa rin ito sabay baba ng kabayo. Bwisit talaga tong lalaki na ito nakaka isang araw pa lang sa kanila e, puro perwisyo na ang hatid sa kanya, hindi naman niya mataboy kasi bisita pa rin ito ng kuya nya. “Hayy, gusto mo?“ tanong na lang niya dito. “Kung bibigyan mo ba ako e?” anito na nakatingala sa kanya. Hinagisan niya ito, at magaling itong sumalo ha! Isang hagis pa ng malakas, aba magaling! Isa pa... “Teka na nanadya ka ba?” simangot na tanong nito. “Anong nananadya, ikaw na nga itong binibigyan ikaw pa tong galit!” patay malisya niyang sagot. “So hindi ka galit, kaya binabato mo sa akin yung mangga,” sarkastiko naman nitong sagot. “Alam mo kung ayaw mo, edi ‘wag, ikaw na nga lang ang binibigyan ikaw pa galit” aniya sabay kagat ng mangga habang nasa taas ng puno. Napapailing naman ito na kinagat na rin ang manggang hawak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD