Chapter 2

1083 Words
"Yayey... ikuha mo ako ng tubig!" ani Ryan kay Isay naka simangot naman na sumunod ang dalaga sa utos sa kanya. "Ito na po mahal na señorito," sabay batok at patakbong bumalik sa kusina. "Anak ng..." inis na bulalas ni Ryan nang tumapon ang tubig sa hawak na baso dahil nangudngod siya dito sa lakas ng pagkabatok ng dalaga sa kanya paglingon niya ay nakita pa niyang sumilip ang dalaga sabay belat sa kanya. "Hahahaha... ayan na papala mo ang lakas mo kasing mang-asar!" ani ng asawang si Laura. Inis na inis naman si Isay habang naglilinis ng kusina, mag-iisang linggo na siyang katulong bilang parusa dahil natalo siya sa pustahan. Ang tanga-tanga kasi niya, isang tira na lang ay panalo na siya, kaso sa sobrang saya kasi niya ay ang mali piece ang nahawakan niya na naging dahilan ng kanyang pagkatalo, kaya ngayon iyon na ang parusa sa kanya. Pero kung ayaw niya nang pagiging katulong sa loob ng limang buwan, makipagdate siya kay mayor o sa irereto ng kuya Dom niya, at dahil ayaw niya ang ideyang iyon ay mas pinili niyang maging katulong ng mga ito, limang buwan lang naman e, kayang-kaya niya iyon. “Isay... anak telepono ang kuya Dom mo,” ani nanay Mirna. “Sige po nay, saglit lang po tapusin ko lang ito,” aniya na hinugasan ang pinagkainan nila. “Ay ako na d’yan mukhang nagmamadali ang kuya mo,” sabay kuha ng ginagawa niya. “Sige po, salamat,” aniya. Napapaisip tuloy s’ya kung ano na nama’ng kalokohan ang iuutos ng kuya n’ya, nito kasing mga nakaraang araw ay kung ano ano pinapagawa sa kanya dahil gusto ng mga ito na sumuko siya, pero nagkakamali ang mga ito, sya susuko, never!! “Hello! kuya Dom” sagot niya sa phone. “Hello Isay, may ginagawa ka ba?” tanong nito. “Marami katulong kaya ako dito!” sarkastikong sagot niya. “Baliw ka talaga, alam kong katulong ka, kaya may ipapagawa ako sayo,” sabay tawa nito ng malutong sa kabilang linya. Iyon na nga ba sinasabi niya e, may kalokohan na naman itong naiisip. “Ano na naman iyon, grabe na talaga kayo sa akin ah!” maktol niya sa kapatid. “Simple lang ito kayang-kaya mo ‘to, linisin mo lang ang guest room dahil may kasama ako d’yan na uuwi sa isang araw,” utos nito. “Kakauwi mo lang no’ng isang linggo uuwi ka na naman?” “Pasaway ka talaga, bahay ko din ‘yan, bakit naman hindi ako p’wedeng uuwi, gawin mo na lang sinasabi ko, ayusin mo ha! business partner ko ang matutulog dun,” babala nito sa kanya. “At ano naman ang gagwin niyan dito?” pag-ususisa niya. “Ang dami mong tanong, linisin mo na lang, o kung gusto mo rin naman sa kwarto mo na lang siya matulog, magtabi kayo?” sabay tawa nito. Baliw talaga itong mga kasama niya sa bahay, wala na ata siyang matinong makakasama. “Alam mo kuya Presidente ka ba talaga ng kumpanya para kang adik sa kanto,” naiinis niyang turan sa kapatid. “Alam mo bunso, sundin mo na lang kasi ang sinabi ko, at wag na wag kang gagawa ng kalokohan, dahil ang bisita ko ay hindi kasama sa pustahan natin, paggumawa ka ng kalokohan at umatras iyon lagot ka talaga sa akin,” babala nito. “sige na sige na, ilan ba ‘yang kasama mo?” aniya tanda ng pagsuko sa kapatid. “Isa lang, sige na at may gagawin pa ako,” paalam nito. Kahit nasasagot niya ng ganon ang kuya Dom niya ay mataas pa rin ang respeto niya dito, natatandan pa niya ng binu-bully siya ng mga kaklase niya noon, talagang nakipag-basagan ito ng mukha maiganti lang siya. Dati kasi sobrang maitim at payat siya dahil lagi siyang babad sa araw dahil sa pagpunta-punta niya sa maisan nila, madalas na hindi rin siya kumamain dahil nalilibang siya sa pagpunta sa kwadra para pakainin ang kanilang alagang mga kabayo kaya madalas siyang tuksuhin na payat na ulikba, sobrang liit din niya noon na tila ba isang malakas lang na ihip ng hangin ay liliparin na siya. Kaya ito at ang kuya Ryan niya ang madalas niyang kasama, tuwing naglalaro ito at ang mga kaibigang lalaki nito ay lagi siyang nakasunod hanggang sa makasanayan na lang niya na kasama ang mga lalaki, barkada niya lalaki, pati na nga pananamit niya mukha ng din lalaki e. Madalas din nga ay napapa-away siya sa ibang kalalakihan, pero itong mga kuya niya to the rescue, madalas tuloy siyang mapag kamalan na tomboy. Hindi siya tomboy mas kumportable lang kasi siyang isuot ang mga maluluwang na damit kasi mas nakakakilos siya ng maayos. “Hayy, napaka-alikabok naman dito, ilang taon na ba itong hindi nagamit?” aniya sa sarili habang naglilinis ng kwarto para sa bisita ng kuya niya. Hindi pala nito na tanong kung lalaki o babae ang bwisita nito hindi tuloy niya alam kung paanong ayos ang gagawin niya dito. “Hay bahala na!” aniya at sinimulan na ang kanyang paglilinis. Nang matapos ay pinasadahan niya ng tingin ang buong kwarto, napangiti naman siya sa resulta ng kaniyang pag aayos, inayos niya ito base sa taste niya sana lang hindi maarte ang bisita ng kuya niya dahil kung hindi e, baka sipain niya ito palabas, humanap siya ng matutulugan niya. Mahilig kasi siya sa Black and gray Color or neutral color, ayaw niya ng masyadong makulay kasi masakit sa mata, never din niyang nagustuhan ang color pink, madalas ay puro dark color ang suot niya. kinuha niya ang pabango niya saka pinabanguhan ang kwarto ng kaunti, mawala lang yung amoy na parang kulob, binuksan na niya ang bintana pero meron pa din siyang naamoy na konti kaya nilagyan na lang niya ito ng kanyang pabango. Sobrang napagod siya sa paglilinis niya kaya nahiga muna siya sa kwarto, sa isang araw pa naman ang dating ng bisita ng kuya niya kaya nahiga muna siya sa kama. “Hayy... grabe ang sakit ng likod ko,” aniya habang inuunat ang sariling humiga sa kama. “Ang lambot!” medyo sumasakit kasi ung likod niya kasi sa papag siya natutulog sa bahay nila nanay Mirna e, isa din kasi sa parusa niya iyon pero madalas ay tumatakas siya at nagpupunta sa rooftop ng kanilang bahay dahil sa ipinagawa iyon para sa kanya dati, katugon nito ang kanyang kwarto sa ikatlong palapag katabi ng dalawang guest room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD