Mag-iisang linggo na simula nang makauwi si Isay sa kanilang probinsya, pero hanggang ngayon ay wala pa din siyang sigla, nakakahalata na rin ang mga kasama niya. Ilang beses na rin siyang tinanong ng Mama at Papa niya. Maging ang kuya Ryan niya ay tinanong na rin s’ya. Pero paulit-ulit lang ang sagot niya, “Ma... Pa, ilang beses ko bang sasabihin na ayos lang ako, wala kayong dapat na ipag-alala sa ‘kin,” pangungumbinsi niya sa mga ito. “Anak, umalis ka dito nang masigla, tapos babalik ka dito nang ganyan, na halos ayaw nang lumabas ng kwarto, kaya hindi mo kami masisisi kung kinukulit ka namin ngayon, kaya anak sige na sabihin mo na kung ano ang problema mo?” nag-aalalang tanong ng kanyang Mama. “Ma, hayaan na muna natin ang anak mo, sigurado naman ako’ng magsasabi din ‘yan ‘pag handa

