Naunang umalis si Isay at hindi na sumabay kay Seb, kailangan din kasi niyang puntahan ang kuya n’ya dahil may ipapadala itong documents sa kan’ya. Kaya bago pumunta sa trabaho ay dumiretso na siya sa opisina ng kapatid. Pagdating ay lumapit agad siya sa secretary nito. “Hi! nand’yan ba si kuya Dom?“ “Oo, nandito ako. Pumasok ka na!” biglang singit ng kapatid, sabay pa sila ng secretary nitong nagulat sa biglang pagsulpot nito. “Bakit ba hindi ka pupunta? Ikaw ang president pero ikaw ang wala do’n?” saka napatingin sa box na mallit na nasa table nito. “Here,” sabay abot ng documents. “Ano ‘yon?” saka tinuro ang box. Tumayo ito at kinuha ang box, “Maganda ba?” tanong nito ng buksan ang box ng couple ring. “Magpo-propose ka na kay ate Roxane?” gulat niyang tanong. “Oo, saka ngayon a

