Chapter 18

1103 Words
Muntik na silang matalo sa laro dahil nawala ang focus niya sa laban, kasi nakita niya ang dalaga na nakikipag harutan sa lalaking katabi, may pahawak-hawak pa ng much, kaya naman inis na inis siya. “Bro, anong problema?” tanong pa ng kaibigan n’ya. “May problema ba parang wala tayo sa focus?” tanong pa ng pinsan nito. “Hindi, mga bro napagod lang ata ako, babawi ako,” aniya pero sa totoo lang ay niinis siya hindi niya alam bakit sya naapektuhan sa pakikipag harutan nito. Hindi rin naman nagtagal ay nakabawi na sila pero kakaunti na lang ang oras at lamang ng 5 points ang kalaban, pero nagawa pa din niyang maka pag shoot ng three points, 2 points na lang nang mapa-sadsad siya sa simento dahil binalya sya ng kalaban. Binigyan ng violation ang kalaban at three free throw ang sa kanya, sobrang nakaka-kaba din kasi dahil sa tagal na niyang hindi naglaro, buti na lang sa una at pangalawa ay na shoot niya kaya may pagasa pa, pero sobrang kaba ang nararamdaman niya, namamasa na rin ang palad niya kaya pinunas niya iyon sa short niya, mas lalo pang nakapag padagdag sa kaba niya ay ang mga mata ng manonood at ang pagtahimik ng mga ito. Nang biglang may babaeng sumisigaw “Pag hindi mo na shoot ang bola kakalbuhin kita!” napatingin naman siya dito, saka napangiti dahil si Isay ito, nakatayo ito habang sinisigawan siya, kahit hindi sweet ang sinabi nito ay nabuhayan pa rin siya ng loob, kaya naman na shoot niya ang bola, panalo ang team kahit pa nakuha ng kalaban ang bola pero hindi na rin ito umabot. Pero nawala din ang pagkaka-ngiti niya ng makita ang dalaga na tumatalon sa tuwa habang yakap ang lalaking tuwang-tuwa din na nakayap sa dalaga. Pagbaling niya ng tingin sa mga kasama ay pasugod ito sa kanya. “Hahahaha… bro ang galing mo, dahil sayo nanalo tayo,” sabi ng kaibigan. “Natakot ka ata kay Isay ah, ayaw mong makalbo,” saka nagtawanan ang mga ito. Nang pabalik na sila sa bench ay tuwang-tuwa ang dalaga na sinalubong sila. May palundag-lundag pa itong lumapit sa kaibigan at nilagpasan s’ya sabay sinuntok nito sa sikmura. “Aahhh!” sabay napayuko naman ang kaibigan. “Kapatid, congrats isa na lang,” sabi nito na kinakunot niya ng noo. “Ano bunso, magaling bang maglaro ang mga kuya mo… hahaha!” pagyayabang pa nito. Bunso? Aniya sa sarili, ibig sabihin— saka siya napatingin sa kaibigan, nginitian saka kinidatan lang siya nito. Napapailing na lang siya sa kaibigan, may palihim-lihim pa itong nalalaman, sarap din nitong suntukin e. Nasaan ang sinasabi nitong malambing at mabait e, lagi nga siya nitong sinusungitan, sweet ba yung babasagin ang bungo niya sa una pa lang nilang pagkikita, saka batuhin ng mangga, kung ito ang tinutukoy ng kaibigan ay kakaiba ang pagiging malambing nito. Nagpahinga lang sila ng ilang minuto at nagsimula ng muli ang huli nilang laban. Dehado sila sa kakalabanin dahil hindi pa mga pagod ang mga ito, samantalang sila ay pagod na pagod na. Halos bumagal na ang pagkilos ng mga kasama niya pati siya ay ramdam na ang pagod. Malaki na din ang lamang. Dahadong dehado na sila, tumawag na sila ng time out at nagplano para na rin maka pahinga ng kaunti. Kahit papaano ay nakakabawi na sila pero malaki pa rin ang lamang, kailangan nilang tiisin dahil wala na silang kapalitan, ang isa nilang kasama ay naka apat na foul na kaya hindi na ito makakabalik sa laro. Natahimik ang lahat ng bumagsak ang pinsan ng kaibigan sa sahig, napadaing ito sa sakit hawak ang paa nito, natapilok kasi ito ng balyahin ng kalaban. Second half na pero kulang na sila ng member, kung kailan naman malapit ng matapos ang laro saka naman sila naubusan ng miyembro. Habang nakaupo sila at ginagamot ni Isay ang paa ng pinsan ay lumapit ang referee. “Ano kailangan nyo ng ipapalit sa kanya kung hindi ay panalo na sila,” sabay turo sa kalaban. “Sandali lang po, wala pa kame nakikitang kapalit,” sabi ng kaibigan niya. “Si Isay, marunong naman si Isay mag laro ah, saka kalaro din natin to diba,” sagot . “Hindi pwede, dahil hindi naman seryoso ‘yun, dito balyahan,” sagot ni Ryan. “Pero wala na tayong choice, pwede n’yo namang iguard s’ya… kesa manalo mga ‘yan ng ganon na lang,” sabi pa nito. “Ayos lang sa akin, walang problema,” sagot naman nito. “Subukan lang natin, mas gusto ko nang matalo na lumaban, kesa ma disqualified dahil kulang lang ng member,” dahilan pa nito. “Hindi natin ‘yan sure, pero try natin,” sabi ng kuya Dom niya. Lumapit naman ang kaibigan sa referee, pati sa Kapitan at Mayor, tinawag din ang kabilang kampo. Maya-maya ay bimalik ang kaibigan. “Ano?” tanong ng pinsan nito. “Hindi pumayag, saka ayaw nila Papa, pero may papalit na,” ngisi nito sabay kindat kay Isay. “Mukhang knight and shinning armor ni Isay ang kapalit ah,” sabay turo ng pinsan sa papalapit na si mayor. Papalapit na ito pero ang mata nit okay Isay lang nakatuon at todo pa ang ngiti. “Isay, ‘wag kang mag-alala makakabawi kayo,” mayabang nito bungad pag kalapit pa lang sa dalaga, nginitian naman ito ng Isay. Inbutan ito ng extra na uniform na dala ng mga ito, at saka ito nagbihis, pagkabihis ay nagsimula na ang laban. “Mayor, walang samaan ng loob ah!” sabi ng kalaban nila. “H’wag mo din akong balewalain dahil hindi ako papatalo,” anito sabay lingon kay Isay at kinindatan ito. Ito namang isa ngiting-ngiti, nang makasalubong naman ang mata nilang dalawa ay bigla naman itong umirap sa kanya. “Ah... iba din itong isang ‘to,” aniya na nailing. Hiyawan ang lahat ng makapag shoot si mayor ng three points, halos lahat ng kadalagahan na nanood ay kay mayor nakatuon ang mata, kung kiligin ang mga ito ay wala ng bukas. Paglingon niya kay Isay ay nakapangalum-baba ito na nakatingin kay mayor, at todo palakpak tuwing nakaka-shoot ang isa. Naiinis siya dito dahil tuwing siya ang my points, tahimik lang ito. Dahil sa nakatingin siya kay Isay ay nagulat pa siya ng ihagis sa kanya ang bola sabay hinarangan ng dalawang kalaban, kaya kahit ayaw niyang ipasa kay mayor ay wala siyang magawa dahil ito lang malapit sa kaya na libre, sa halos 20 ang lamang ng kalaban ay naibaba nila sa 7 points.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD