Sumama si Isay sa ospital, hindi niya akalain na ang biruan ng mga ito ay mauuwi sa totohanan dahil sa kanya. Gusto niyang sisihin ang sarili dahil nasira ang araw ng kasal ng kapatid, at ang pagkaka-huli nang kaibigan niya. At higit sa lahat gusto niyang sisihin ang sarili kung bakit nasa operating room ngayon si Seb. Dahil lang sa pagmamatigas niya ay nauwi sila sa ganito. Bakit? Aniya sa sobrang pagsisisi. Lumabas ang doctor na bagsak ang balikat at lumapit ito sa magulang ng binata. “Mommy, ipagpaumanhin n’yo po, pero ginawa na po namin ang aming makakaya. Nasa pasyente na po iyon kung makakaligtas s’ya, masyado pong malalim ang sugat na natamo niya. Kaya kung hindi po siya magigising sa loob ng bente kwatro oras ay simulan n’yo na po ang pamama-alam sa kan’ya.” Walang kagatol-gato

