Nagising si Indira nang makaramdam siya ng pag-uuhaw. Bumangon siya para uminom ng tubig. Hindi na niya kailangang buksan ang ilaw dahil hindi naman niya pinapatay ang kanyang lampshade. Tumayo siya at saka lumapit sa maliit na table na katabi lang din ng kama niya para kunin ang nakataob na baso. Nagsalin siya ng maligamgam na tubig doon. Painom na sana siya ng tubig nang bigla niyang mabitawan ang basong iyon dahil sa nakita niyang nakaupo na itim na nilalang sa rocking chair niya. Madilim sa gawi na iyon kaya ang umiilaw at nanlilisik na mata nito ang pumukaw sa kanyang atensyon. "S-sino ka?" tila tumaas agad ang presyon ng dugo ni Indira sa takot na naramdaman niya. "Tapos mo na bang basahin ang librong ibinigay ko sa iyo?" tanong nito na ang boses ay tila nanggagaling sa ilalim ng h

