Fuentebella's Pride and Glory/ Embracing the Forbidden/ Kabanata-5

1484 Words
KABANATA 5 "SIGURADO ka ba sa gusto mong gawin?" "Oo." "Paano iyan? Kanina pa tawag nang tawag sa iyo si Sir PJ? He's waiting for you dahil oras na ng breakfast ninyo!" "Nagpasya na ako, last na iyong kahapon. Tama na iyong isang linggo na pinagbigyan kong kapritso niya. Huling pag-akyat ko na sa unit niya, huling pagkain na kasabay niya, at huling pagsunud-sunod sa kanya habang nag-iikot sa buong hotel at resort." "Ewan ko sa iyo! Biglaan na naman iyang pasya mo! Inaano ka ba niya? Did he sexually harass you? Or did he taking advantage of you and—" "H-hindi! Ano ka ba? Sinabi ko naman sa iyo hindi ba? Hindi siya ganoon! Kaya lang, para kasing walang logic na gagawin niya akong PA. I know he doesn't need PA! Ang pag-aayos ng kanyang unit ay trabaho ng chambermaid. Ang paghahanda ng damit na kanyang susuotin ay kaya niyang gawin dahil personal iyon. I'm not his wife to do that errand! Lalong hindi tama na saluhan ko siya sa pagkain, hindi lang breakfast, kundi lunch and dinner and even in snack. My God! Alam mo bang ilang na ilang ako sa tingin ng mga tao sa canteen o sa restaurant kapag nag-i-snack kami o nagla-lunch at dinner? Nagtataka ang mga kapwa natin staff dahil isang linggo na kaming nakikitang magkasalo sa pagkain! And to think na one week pa lang siya rito!" "Eh, kasi naman, masyado mong pinapansin! Ano ka ba? Nakatingin sila sa inyo, lalo na iyong mga girls, dahil gusto nilang sila ang makasalo sa pagkain ni Sir PJ! At iyong mga boys naman, nakatingin sila dahil naiinggit sila kay Sir! Dahil hindi ba't napakailap mo? Sa dami ng kasamahan nating lalaki na gustong manligaw sa iyo, lahat sila, basted! Dahil ang sungit mo sa kanila, ang suplada mo, ang ilap! Lalapitan ka pa lang ng mga boys, lumalayo ka na!" "Ewan ko, basta ayoko ng maging PA niya kahit pa sabihing madadagdagan ang sahod ko." "Pero sayang naman—" "Myla, pera lang iyon. I need peace of mind, okay?" "And you think, you will have peace of mind kapag iniwasan mo ako?" "H-ha?" "S-sir Patrick!" Nagulat ang dalawang dalaga nang malingunan si Patrick Josh na nakatayo na pala sa pinto ng silid nila. "P-PJ, a-anong ginagawa mo rito at—" "It's nine AM in the morning, at alam mong hindi ako kumakain kung hindi ka kasalo, and yet, natiis mo ako? Hindi mo man lang ba naisip na baka nagugutom na ako?" madilim ang mukhang humakbang ito papasok. "S-sorry, p-pero magpa-file din kasi ako ng request sa office mo na ibalik mo na ako sa pagiging head-chambermaid dahil iyon ang trabahong gusto ko at—" "Myla, will you leave us for a while?" "S-sir—" "C'mon, I have something to tell her. Please?" "Ah, s-sige ho—" "M-Myla, ano ba? Don't leave—" "Please, Myla? Paki-lock na rin ang pinto paglabas mo." "S-sir... X-Xandra—" "M-Myla, no!" "Please?" "Ah, s-sige ho! S-sorry, Xandra, b-but he's the boss!" Iyon lang at mabilis na itong humakbang patungo sa pinto. "Myla!" Ngunit tuluyan na itong nakalabas sabay hila pasara sa pinto. "C'mon! Mag-uusap lang tayo! Don't panic!" bahagyang mataas ang tinig ng binata na humarang pa sa kanya nang tangkain niyang humakbang pasunod sa kaibigan. "P-PJ—" "What's wrong with you, huh! Ano bang nagawa kong mali para iwasan mo ako? Meron ba? Just tell me! Pag-usapan natin, kung kailangan kong humingi ng sorry, gagawin ko! Baka may nasabi akong ikinagalit mo, o may mali akong kilos—" "W-wala! A-alam mo naman na wala!" "Ganoon naman pala, bakit mo ako iniiwasan? Anong masama na maging PA kita, na hilingin ko sa iyong saluhan mo ako palagi sa pagkain dahil ayokong kumain na mag-isa? Anong problema na magpasama ako sa iyo sa pag-iikot sa resort kung bahagi iyon ng trabaho mo bilang PA ko? Just tell me, ano ba talagang problema?" "P-PJ... k-kasi..." Pero paano naman niya sasabihin sa binata na ang problema ay siya mismo... ang kanyang pusong nalilito, natataranta na sa tuwing kasama ito... sa tuwing mapapatitig siya rito... o sa kahit sa simpleng pagkakadikit ng mga balat nila kapag nagkakasabay sila sa paglalakad, o kapag hinahawakan siya sa kamay para akayin nito... "A-ayoko kasing... may masabi ang mga... kasamahan ko rito. K-kasi naman... first day mo pa lang dito, nahalata na ng mga tao na... a-ako lang talaga ang kinausap mo... ang pinagtuunan mo ng pansin. A-although mababait naman sila, p-pero... hindi natin alam kung anong iniisip nila kapag nakikitang magkasama tayo. A-ayokong masabihan nila na... na... "Na ano? Na nagpapalakas ka sa akin dahil ako ang boss? Na humaharot ka sa akin dahil lalaki ako at babae ka?" "P-PJ!" "Bakit? Tama naman ako, ah! Iyon lang naman ang maari mong ikatakot. Ang maging tampulan ka ng tsismis ng mga narito! Pero anong masama kung ganoon nga? Anong masama kung espesyal ang trato ko sa iyo dahil totoo namang gusto kita?" "P-PJ!" "O, bakit ka nagulat? I'm just being honest with you! Ayoko ng magtago! Ayoko ng kimkimin kung anuman ang nasa kalooban ko! Okay, aaminin ko na, gusto kita! Gustung-gusto kita! Kaya nga gusto kitang makasalo sa pagkain, makasama buong maghapon, o kahit na anong gusto kong gawin, gusto ko ay naroon ka! Okay, I'm too clingy with you! But what can I do? Doon ako masaya! Sa ganoong paraan ako makaka-survive sa islang ito! Iyon ang gusto ng puso ko!" "W-what are you talking about?" "I am telling you that I love you!" "A-ano? I-isang linggo ka pa lang dito, and the very first moment na nakita mo ako ng dumating ka, hindi mo na ako tinigilan. A-ano iyon? Don't tell me that it was love at first-sight?" "What if I say yes, do you believe me?" "P-PJ?" "See? Nataranta ka, ano?" natawa nang pagak ang binata. "You'd ask for it! Wala pa naman talaga akong balak na aminin, eh. Kaya lang, bigla mo akong iniwasan!" "N-no! Y-you're just playing with me!" naiiling na wika niya. "C'mon, Xandra, sa tingin mo ba, gawain ng isang naglalaro lang ang ginagawa ko? Kahit may trabaho ako rito, halos buong maghapon ko ang ibinibigay ko sa iyo. Huwag ka namang manhid!" Hindi makahagilap ng isasagot si Xandra... Ang nais lang naman niya ay umiwas, takasan ang mahiwagang damdamin na ginigising ni Patrick Josh sa kanyang puso... ang matigil ang kanyang pagkalito... ang hindi niya napaghandaan, ang pag-amin nito... "Xandra... please, huwag mo naman akong iwasan. I love you..." Nakuyom na lang niya ang kamao... She doesn't believe him... "N-no... I won't." "Xandra—" "Kapag pinilit mo ako, m-mag-re-resign ako." "Xandra!" "N-now... please... leave!" "Xandra, please?" "P-please, leave. At i-ibalik mo ako sa dati kong trabaho, or else, magre-resign ako." "Xandra..." Iniiwas niya ang tingin dito, ayaw niyang makita ang sumasamong kislap sa mga mata ng binata... "P-please, leave. Huwag na ako... tahimik ang buhay ko rito... ayoko ng gulo, ayoko ng problema..." Ilang sandaling natahimik si Patrick Josh, mayamaya ay narinig niya ang mga hakbang na palabas ng silid na iyon... I'm sorry, kung totoo man ang sinasabi mo, I'm sorry. And sorry for myself dahil kahit na alam ko kung anong nararamdaman ko... kailangan kong pigilan. Wala akong karapatang... magmahal... ____________________________ "T-TALAGA?" "Oo. Ilang araw na daw hindi bumababa sa office niya. Nagkukulong daw sa penthouse unit niya sa itaas. Kaya nga hindi pa umaalis si Sir Brent John, dahil walang tatao sa office." "B-baka naman nagbago ang isip. B-baka babalik na lang sa lungsod dahil ayaw na niyang maging CEO dito sa resort. Boring naman kasi dito para sa isang kagaya niya na sanay sa magulong lungsod, hindi ba?" "Ewan, siguro! Pero tingin ko, dahil broken-hearted." "H-ha?" "Oo, broken-hearted kasi hindi ka napilit na maging PA niya. Tingin ko, matindi talaga ang tama sa iyo ng lalaking iyon. Kaya nang magpumilit kang bumalik sa pagiging head-chambermaid, masyado siyang nasaktan." "T-tumigil ka nga! Kung a-anu-anong pinagsasabi mo!" napaangil si Xandra kay Myla. "Oy, posible kaya ang sinasabi ko! Sabi nga sa akin ng bellboy na nagdadala ng pagkain niya, hindi naman daw nababawasan ang pagkain, minsan ay napapanis lang. Madalas daw na amoy-alak ang buong unit, minsan daw ay may basag pang bote sa lapag!" "T-totoo?" hindi napigilan ng dalaga ang paggapang ng pag-aalala sa kanyang dibdib. "Oo! Naku, kapag ganoon siya nang ganoon, baka magkasakit siya. Ikaw naman kasi! Bakit mo kasi binasted? Mukhang totoo namang na-love at-first-sight siya sa iyo!" "A-anong binasted? Anong love at-first-sight? Teka, nakinig ka ba sa u-usapan namin noong isang araw?" "S-sorry, hindi ko napigilan! Curious lang ako kung anong pag-uusapan ninyo." "Heh! M-maldita ka talaga!" Pero ang totoo, hindi na mawaglit ang pag-aalala sa puso ni Xandra dahil sa nalaman... Ayaw daw niyang kumaing mag-isa kaya gusto niya akong kasalo. At ngayon, naglalasing siya kahit walang laman ang sikmura. Baka magkasakit siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD