KABANATA 1
NAKAKARINDI ang malalakas na putok ng baril. Nakakarimarim ang pagtalsik ng dugo mula sa katawan ng taong animo tiniban ng saging na bumagsak sa lapag...
"Hah!" pasinghap siyang napamulat sabay balikwas ng bangon.
Oh God! that nightmare again! Kailan ko ba matatakasan ang bangungot ng nakaraan?
Inut-inot siyang bumangon at tinungo ang banyo.
She badly needed a cold shower. Kailangan niyang hamigin ang sarili. May trabaho siyang naghihintay.
That nightmare, kakambal na yata ng buhay ko. Ang hirap kalimutan! No matter how much I've tried... hindi ko pa rin talaga magawang lumimot!
Matapos hubarin ang suot na nighties ay itinapat na niya sa shower ang hubad na katawan.
Kahit paano, nagawa naman niyang iwaksi ang alaala ng naranasang bangungot dahil sa malamig na tubig na dumadaloy sa kanyang kahubaran.
At ilang sandali pa...
***********
"Hey, girls, ngayong darating ang bagong CEO, just make sure na wala siyang makikitang kapalpakan sa inyo, ha?" wika ni Xandra Delgado,
"Yes, Ma'am!" sabay-sabay na tugon ng mga chambermaid ng Fuentebella Hotel na nasa ilalim ng kanyang pamamahala bilang over-all in charge at head-chambermaid.
Mga class-A-one beauty ang mga chambermaid ng hotel, they were look decent, prim and proper.
Pero hindi naman pahuhuli sa kanila si Xandra, she's also a beauty. Sa taas niyang five-six, with a whistle bait vital statistic, and with her angelic face, walang lalaking hindi mapapalingon, at muling mapapalingon sa kanya kapag dumaan siya.
She can carry herself so well. Even in her uniform... a yellow blouse and brown skirt and brown blazer, she looks classy and sophisticated.
In fact, mas bagay yata sa kanya ang maging ramp-model, or beauty queen kaysa pamahalaan ang may tatlumpung chambermaid na nasa kanyang pangangalaga... she looks so hot!
Pero wala iyon sa isip ni Xandra, okay na siya sa kanyang trabaho ngayon, masaya na siya, tahimik...
"Okay! So, hayan na ang chopper, pababa na sa helipad. Behave yourself, huh! Baka may magsu-swoon sa inyo. Ang sabi ni Mrs. Hilaria, super-guwapo daw ang bago nating CEO, kasing-guwapo raw nina Sir Brent John at Sir Ivan Hendrick, kaya pigilin ninyo ang mga sarili na kiligin! Baka mamaya ay masabihan tayong mahaharot!" may kalakip na biro ang kanyang himig pero pormal na pormal naman ang bukas ng kanyang mukha. "Ang haharot pa naman ninyo kapag nakikita ang dalawang iyon! Parang nalalaglag ang mga panty ninyo!"
Mahinang naghagikgikan ang mga chambermaid, nagsikuhan pa.
"Don't worry, Ma'am, pipigilin namin ang aming mga puso... pati ang ang aming mga puson!"
"Oo nga, Ma'am! Sana lang, huwag kaming himatayin sa kilig! Pero nakapardible ang garter ng mga panty namin kaya hindi malalaglag!"
Muling naghagikgikan ang mga babae.
"Heh! Stop it!" angil niya, pero hindi naman talaga siya galit, pinipigil nga niya ang mangiti.
Hindi naman siya terror na OIC, in fact, ang ilan sa mga ito ay kaibigan at kabiruan niya kapag wala sila sa oras ng trabaho.
"Just behave yourself, okay?" Pero kapag oras ng trabaho, she'd make sure na mapapasunod niya ang mga nasasakupan ng ayon sa nararapat.
"Yes, Ma'am!"
Mayamaya pa, tuluyan nang nakalapag sa helipad ang chopper...
Bahagyang napatakip sa mga mata nila at buhok ang mga dalaga at iba pang staff ng hotel na naghihintay sa pagdating ng bagong CEO...
Mayamaya pa ay pababa na ang tatlong matatangkad na lalaki mula roon...
Tatlong matatangkad at guwapong mga lalaki na talaga namang walang itulak-kabigin sa mga taglay na magagandang katangiang pisikal...
Pero kilala ni Xandra ang dalawa sa mga ito, sina Brent John Fuentebella, ang dating CEO ng resort na papalitan ng bagong CEO, at si Ivan Hendrick Fuentebella, ang over-all in-house chief security ng buong resort.
At ang isa pa... ito marahil ang bagong CEO... si Patrick Josh Fuentebella...
Lihim na nahigit ni Xandra ang hininga nang bahagyang lumingap sa naghilerang staff ang paningin ng bagong dating...
It's breathtaking... he's a breathtaking...
Totoo nga ang sinabi ni Mrs. Hilaria, their new CEO is a debonaire, gorgeously and devilishly handsome... mas guwapo yata kina Brent John at Ivan Hendrick?
Or, maybe, sa paningin lang niya.
Dahil kung tutuusin, halos magkakapareho naman ang anyo at kaguwapuhang taglay ng tatlong binata...
The Fuentebella men... everybody called them the son of God...
Kung hindi ba naman, bakit lahat na yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay taglay na ng mga ito?
Their towering height, their lean and muscular bodies, and of course, their looks... they were all look so handsome, gorgeous, and everything...
Sa may tatlong taong pamamalagi niya sa Isla Fuentebella, wala siyang nakikitang Fuentebella men na pangit. Lahat ng lalaking Fuentebella na nagawi sa islang iyon ay talaga namang makapigil-hininga ang taglay na katangian.
Sabagay, kahit ang mga babaeng Fuentebella na napunta na roon ay wala ring itulak-kabigin sa taglay na kagandahan...
Pero ang isang ito... their new CEO... ah, bakit ba parang sumisirko sa kaba ang kanyang puso sa mga sandaling iyon... or, may lumilipad bang butterflies sa kanyang sikmura?
Pero biglang napasinghap si Xandra, at lalo pang bumilis ang t***k ng kanyang puso ng sa wakas ay na-realized niya kung saan na pala nakatitig... o nakatingin ang bagong dating...
Sa akin ba siya nakatingin... o nakatitig? biglang tanong ng kanyang isip, pasimpleng napahawak sa tapat ng dibdib na para bang kaya niyong pigilin ang kumakabog na puso...
Pero bumaling na ang paningin ni Patrick Josh kay Brent John at may sinabi...
Parang gusto na niyang makahinga nang maluwag... oh, she's just imagining things... at bakit naman kasi siya tititigan, o titingnan ng bagong CEO...
"So, everybody, I want you all to meet our new CEO!" biglang wika ni Brent John sa lahat. "Sa mga susunod na araw ay magkakaroon tayo ng every department meeting para ganap ninyo siyang makilala at isa-isa niya kayong makilala. Copy that?"
"Yes, Sir!" sabay-sabay nilang tugon.
"Good! Let's go, PJ! I will show you your new world!"
"Sure!" pormal ang mukhang wika nito...
Kaswal na humakbang ang tatlong binata sa gitna ng naghilerang staff ng resort...
Habang lihim na lihim ay pigil pa rin ni Xandra ang sariling hininga na para bang kapag huminga siya ay maririnig ng bagong CEO...
May pitumpung staff ang naghilera sa magkabilang gilid ng dinadaanan ng tatlong binata, kaya animo naging napakabagal ng paghakbang ng mga ito patungo sa elevator na nasa dulo...
Limang hakbang... apat... tatlong hakbang na lang ang layo ng mga ito sa kinatatayuan ni Xandra na nasa unang hanay ng mga chambermaid...
Dalawang hakbang... isang hakbang...
Saglit na huminto si Patrick Josh sa tapat ni Xandra...
Oh my God! lihim na napasinghap ang dalaga... bakit kaya?
Kaya naman lalong sumikdo sa kaba ang kanyang dibdib... kaybango naman ng kanyang nalalanghap!
Biglang lumingon sa kanya ang bagong CEO...
"Xandra Delgado..."
"H-ha?" napapalunok na anas niya at napilitang tumingin sa mukha nito, nakasulyap pala sa nameplate ng dalaga si Patrick Josh...
"Ah, yes! This is Miss Xandra Delgado, the over-all in-charge sa mga chambermaid. Ah, Miss Delgado, meet our new CEO, Patrick Josh Fuentebella!" maagap na wika ni Brent John.
"Xandra Delgado? Hmm, nice name. Anyway, nice meeting you, Xandra." Sabay lahad ng palad sa kanya.
Lihim na napasinghap ang dalaga.
"Ah, i-it's my pleasure, Sir Patrick Josh!" pero nagawa naman niyang sabihin.
"PJ! Call me that way, hmm?" he said in a husky voice.
"Ah, y-yes, Sir P-PJ!" tinanggap niya ang nakalahad na palad ng binata, kahit ang totoo, nagsimula na siyang manlamig.
"Good! And since ikaw ang head nila, can I have a request?" titig na titig ito sa mga mata niya...
"S-sir? W-what's that, Sir PJ?" Pero ilang na ilang na talaga siya... dahil hanggang ngayon ay hawak pa rin nito ang kamay niya at bahagya pang pinipisil-pisil.
At gusto mang hilahin ni Xandra ang kamay, hindi niya magawa dahil baka ma-offend ito.
"I want you to personally supervise the maintenance of my penthouse unit."
"H-ho?"
"I mean, medyo OC kasi ako pagdating sa tutuluyan ko. I want my things to be place in order. Ayoko ng may alikabok na madadantayan ang daliri ko, gusto kong maayos ang tiklop ng sapin ng kama ko, pati na ang punda ng unan. Iyon bang pantay na pantay ang mga gilid. And even the curtain, gusto ko ay maayos ang pagkakaladlad. Ayoko rin ng pagpasok ko sa banyo ay may matutuntungan akong basa. And etcetera."
"Ah, s-sige ho, I-I will supervise everything."
"Good! I know I can rely on you, can't I?"
"Ah, yes, Sir PJ!"
"Good!" Sa wakas ay binitiwan na nito ang kamay niya. "See you again!"
"Y-yes, Sir PJ!" pero muntik na siyang masamid, isang pasimpleng kindat kasi ang ibinigay sa kanya ng binata.
"Let's go, Brent John, Ivan!" saka nagpauna nang humakbang patungo sa elevator...
"All right! Nakasunod lang kami, PJ!" nagkakatawanang sumunod dito ang dalawang guwapong binata, pasimple pang nag-appear-an na para bang may pinagkakaunawaang bagay.
Naiwang nakatanaw sa mga ito ang lahat, habang si Xandra ay pilit pa ring hinahamig ang sarili...
What was that? He's too formal sa pakiharap sa mga tao, pero sigurado rin ako na kinindatan niya ako! Isa pa, bakit ako lang ang kinausap niya sa lahat ng mga narito para ibilin ang pag-aasikaso sa kanyang penthouse unit? Alam ba niya agad na ako ang head-chambermaid? Or, am I just imagining things again?
Pilit na lang niyang idinikdik sa isip na guni guni lang talaga iyon...