Nagising ako ng maramdaman ko na may humahalik sa aking leeg. Akala ko ay na nanaginip lang ako hanggang ang halik ay papunta sa aking balikat. Habang dinadama ko ang bawat halik napamulat na lang ako ng mata ng makumperma ko na hindi ako na nanaginip. Hinawakan ko muna ang aking noo dahil sa matinding sakit. Ano ba ang nangyari? Ang alam ko ay nag-away kami at naging okay na kami ni Sir Zac. Kaya speaking of him. Napatayo ako kaagad ng mapansin na siya pala ang panay ang halik sakin. Napatakip naman ako sa aking katawan. Bakat kasi ang dibdib ko.
"Good Morning baby." He chuckled.
"A-anong ginagawa mo dito? Teka? Huwag mo sabihin may nangyari satin d-dito?" Pati pananalita ko ay kabadong kabado. Eh pano ba naman. Kaming dalawa lang sa kwarto. Ano iisipin nila Nay Norma.
"Relax babe. Don't worry walang may nangyari satin." Hay! mabuti naman kung ganon.
"Pero bakit tayong dalawa lang dito?"
"Wala ka bang natatandaan babe?" He chuckled again at ang kanyang mga titig ay di ko maintindihan kung matatakot ba ako sa kanya.
Habang prenoproseso ang utak ko kung ano ba ang mga nangyari. Napakapit na lang ako sa ulo ko maalala ang lahat. Sinisigawan ko pala siya ka gabi. Mas malala kasi nandoon sila Nay Norma at Lisa.
"Kasalanan mo ito!"
"Bakit? Ano na naman ang ginawa ko?" kunot noo noo niya sa akin.
"Kung hindi mo kasi inaagaw ang iniinom ko ka gabi eh di sana hindi kita inaway. At sa harap pa talaga nila Nay Norma!"
"Eh kung hindi ko naman ginawa yun. Tell me? Kaya mo ba ang sarili mo? What if kung wala ako?"
"Alam mo ikaw ang yabang mo. Bahala kana nga diyan!" Tatalikod na sana ako ng kinabig niya ako at napaupo ako sa kandungan niya. I feel his hardness in my butt.
"Kay aga-aga ang sungit mo."
"Bitawan mo nga ako at lalabas na ako! A-ano na lang iisipin nila na nandito tayo sa isang kwarto."
"Why? Masama bang magkasama tayo?"
"Oo naman po Sir. A-ano na lang iisipin nila?"
"So inaalala mo ang iisipin nila? Nahihiya ka ba sakin? And stop calling me Sir. Baka na aalala mo boyfriend muna ako." Teasing in his eyes and his lips habang sinasabi niya sakin.
"H-hindi naman sa ganoon. Di lang kasi magandang tignan nandito tayong dalawa. Alam mo naman hindi pa nila alam na ano."
"Anong ano? Ngumunguso pa labi mo. Sarap halikan."
"Zac naman! Hindi pa nila alam na tayo na."
"Don't worry. Alam na nila."
"P-pano? Wala akong maalala ka gabi." Napapa isip tuloy ako kung nagsasabi ba ito ng totoo.
"Wala ka talagang ma aalala dahil pagkauwi natin ay natulog kaagad. And besides si manang talaga ang nagsabi na huwag ka daw iwan baka kadaw sinatin dahil sa pagligo ka gabi lalo pat lasing ka." So binantayan talaga ako ng mayabang na ito. Basta ang na aalala ko lang ay ang nangyari samin sa Mundawan falls.
"Bahala ka diyan. Nakaka gigil ka." Sabay irap ko sa kanya.
Lumabas na lang ako na walang pag alinlangan ko siyang iniwan. Bahala ka sa buhay mo! Ang aga-aga nang bwebwesit talaga. Naputol ang aking pagmamaktol ng tawagin ako ni Lisa.
"Halika dito day at marami kang dapat ikwento sakin! Dali!" Di ko alam kung matatawa ako sa kinikilos niya o ma iinis kaya nginisihan ko na lang siya.
"Ano naman ang ikwekwento ko?" Pag dedeny ko sa kanya para di mahalata ang kagalakan ko sa nangyari samin ni Zac.
"Kung pano kayo naging ano. Yung ano alam muna yun!"
"Kung makaano ka naman diyan. W-wala nag usap lang kami. Alam muna kung ano talaga ang mayron samin."
"Buti na lang at tama desisyon ko na hindi kayo sundan. Para magka usap talaga kayo lalo pat lasing ka." Sabay tawa niya ng malakas.
"Alam mo pagkauwi niyo ni Sir hindi ka niya iniwan talaga. Kasi pagkadating niyo natutulog kana. Kaya nag-alala si Nay Norma dahil basa kayo at baka daw lagnatin ka. Kaya hayun di ka talaga niya iniwan. Ginawa namin dinalhan na lang namin siya ng pagkain."
Hindi ko pinahalata kay Lisa na kinikilig ako. Ang totoo ay na touch ako sa mga kwento niya. Na guiguilty tuloy ako dahil sinungitan ko siya kanina.
Biyahe kami ngayon papuntang Lantawan beach. Sakay kami sa sasakyan ni Zacac. Si Nay Norma at Lisa ay nasa likod namin at ako naman ay nasa harap katabi si Zac. Mula kanina ay wala kaming imikan ni Zac. Panay ang sulyap niya sakin pero di ko kayang titigan. Nahihiya parin ako sa inasta ko kanina.
Bago pa man kami bumiyahe ay nakausap ko din si Nay Norma, gaya ni Lisa ganoon din ang kwento kaya mas nangingibabaw ang guilt ko sa kanya. Naman kasi hailey! Ma iinitin palagi ang ulo mo. Wala naman ako.
Speaking of! Mag iisang buwan na pala akong wala. Baka delayed lang. O di kaya? No! No! No!! I-imposible kasi ilang beses lang namin ginawa. At alam ko naman may mga technique yan si Sir, kaya sure ako na hindi yan bubuntis ng babae. Babaero yun! Kaya alam na alam niya pano di mabuntis ang babae. Relax Hailey. Nag o'over think ka lang.
"Are you alright?" Basag sa aking mga iniisip ng mag tanong si Zac sakin.
"Ah. O-oo. May iniisip lang ako."
"Ano naman? Namumutla kapa?"
"W-wala. Mag focused ka na lang sa pagmaneho."
"Okay." At kinuha niya ang kamay ko at hinalikan niya. Kahit nahihiya ako, di ko naman mabawi dahil nandito sila Lisa ayaw ko naman mapahiya siya. Ano pa ang itatago namin, na sinabi naman lahat ni Zac sa kanila. Kaya sanayin ko na lang ang sarili ko na maging formal lalo na ngayon di ko alam kung saan aabot ang pagka sweetan ni Zac.
"Ang ganda naman dito Lisa!" Namangha ako pagkadating namin sa Lantawan beach. Malayo pa lang sa dalampasigan ay alam ko na pino ang buhangin at hindi marumi ang dagat. Ang mga tao kasi dito ay nag tutulungan upang mapaganda, ma maintain ang linis ng kanilang lugar.
"Kaya mag enjoy ka. I mean kayo ni yun oh." Nguso niya sa bandang kanan na si Zac pala. "Sayang ang opportunity Hailey. Bigyan niyo ng masasayang oras, araw dito sa lantawan beach. At huwag kang masungit diyan. Kayo na pero nabaligtad naman ikaw na ang masungit ngayon. May dalaw ka no?"
Speaking of dalaw na naman. Di talaga mabura sa isip ko iyan. Imposible naman. Delayed lang ako sure ako dahil ilang beses na nangyayari ito sakin.
Naglalakad kami ngayon ni Zac sa dalampasigan. Sinusulit ang ilang oras dito sa lantawan. Dahil na rin sa sinabi ni Lisa. Tama nga naman siya. Sulitin ko dapat na kasama siya dito sa Lantawan. Ito yung tipong lugar na gusto mong mag-iwan ng masasayang ala-ala na babalik balikan rin ninyo.
Nakapag sorry na rin ako kay Zac sa inasta ko sa kanya kanina. Malay ko naman kasi. Buti na lang ay tinanggap din iyun ni Zac. Which is nagpagaan sa akin.
Heto kami ngayon nakaupo sa buhangin hinihintay ang napakagandang papalubog na araw. Naalala ko tuloy ang pinuntahan namin na resort ni Zac Parang ganito din Paraiso. Kailan kaya ako kami makaka punta ulit doon?
"I Love You babe." At kiniss niya ako sa likod ng ulo ko.
"I-I love you too Zac." Kahit nahihiya, di pa ako sanay sa mga ganyan dahil di ko pa talaga expect na magiging ganito kami. As in kami na talaga. Ano kaya mangyayari samin sa susunod na araw? Simula naging kami hindi mawala sa isipin ko kung magtatagal ba kami. Inaalala ko kasi ang sitwasyon namin. Mahirap, katulong lang ako. Siya naman mayaman at Boss ko pa. Isa pang problema ko pano kung malaman ng Papa niya. Matatanggap ba niya ako para sa anak niya? Ay! Bahala na. Nakak stress!