Hailey's POV Gaya nga ng sabi ko kahapon gumising talaga ako ng maaga para siguraduhin na hindi kami magkikita ngayong araw. Baka kasi makasabay ko na naman yung lalaki na yun at ma boysit na naman ang araw ko! Pagdating ko sa Kumpanya ay iilan pa lang ang mga empleyado na bumabati sakin. Dahil nga sa sobrang aga kong pumasok. Buti naman ay ako lang mag-isa ang nakasakay sa elevator. Pagdating ko sa tapat ng opisina ko ay wala pa si Mica. Kaya deretso na akong pumasok sa loob. Usual trabaho na naman ang gagawin ko. Pero kaunti lang naman kasi nga tinapos ko na kahapon. Mas mabuti nang tapos-tapusin para naman sa linggo ay mapasyal ko ang anak ko sa mall o di kaya ang gusto niya na mag swimming daw kami. Ilang minuto ng pagbabasa ko ng news feed sa phone ko ng may kumatok sa pintuan.

