Avena's POV Hindi na ako naka angal pa nang hawakan ako ni Ate mila sa kamay ko at giniya ako papuntang dining area, nakita ko agad ang maraming pagkain na nakahain at napalunok ako dahil mukhang masasarap lahat ng nakahain. Agad akong nakaramdam ng gutom. "Halika, dito ka maupo..tabi kayo ni kuya." "Per---" Aangal pa sana ako ng hilahin niya na naman ako at pinaupo na sa upuan, hindi ko na nga magawang tumanggi pa. "Kuya! salamat naman at lumabas kana, grabe pinagod mo ba masyado si Avena?" Agad naman akong nag angat ng tingin kay Ate mila at may pilyong ngiti sa kanyang labi na nakatingin sa kanyang kuya pagkatapos ay sa akin naman siya napatitig. Hindi ko tuloy maiwasan ang pamuluhan ng mukha sa isiping mukhang kanina pa si ate mila rito dahil halata na siya talaga ang nagluto ng

