Avena's POV "A-anong sinabi mo?" Tanong ko pa sa kanya, naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Pero andaming katanungan sa isip ko, maraming sumasagi sa isip ko, gaya na lamang nang nangyari sa loob ng office niya nang una niya akong hinalikan at sinabi niya na gusto niya lang patunayan kung hindi ba siya nag iilusyon. "I've been dreaming about you, Avena..matagal na..matagal narin kitang hinahanap.." Nakita ko ang pangingislap sa mga mata niya at ang munting ngiti sa labi. Napaisip ako bigla bago mangyari na hinalikan niya ako sa labi, ang mata niya noon namamangha habang nakatitig akin na para bang hindi siya makapaniwala na nakita niya ako, katulad din ni ate mila nung nakita ako nito, ganun din ang naging reaksyon nito, at kung ano- anu na ang mga pinagsa

