Avena's POV
Gusto kong umabsent pero hindi pwede! Hays! Kung hindi lang talaga P.E namin ngayon hindi talaga ako papasok, ayokong makita ang gwapong nakakainis na mukha ng lalaking yun! Arrgghhh!! Paulit ulit na nag sisink in sa akin ang ginawa niya, sinisisi ko rin ang sarili ko kung bakit di ko siya agad pinigilan sa simula palang eh!.
Hindi na naman ako nakatulog ng maayos ka gabi, buti nalang talaga pinilit kong gumising ng maaga dahil sa P.E namin, feel na feel ko yung dalawang eyebags ko, hindi pwede na hindi ako pumasok dahil lahat ng subject ko hindi pwedeng absent,ganyan naman talaga pag scholar e maintain dapat yung grades mo.
"Mama papasok na po ako!.."
Sigaw ko kay Mama.
"Ok ingat ka Vena.."
NAGlalakad na ako,isinuot ko muna yung earphone ko sa may tenga ko at nag select ng music sa cellphone ko,pagkatapos ay naglakad na ulit ako, habang nasa kalagitnaan ako ng paglalakad at pakikinig ng music.
"Holy cow!!!"
Halos mapatalon ako sa lakas ng busina ng isang kotse,agad kong natanggal ang earphone ko dahil feeling ko ata nasira yung eardrums ko sa lakas ng busina,yung ibang tao na kasabay ko sa paglalakad ay napatingin sa akin, bakit naman kaya??
"Anak nang!!!"
Bumusina na naman ng malakas yung magarang kotse kaya tiningnan ko na sa may gilid ko isang itim na sasakyan ang naka hinto sa harapan ko tinted ang salamin nito kaya hindi ko makita kung sino ang nasa loob, nakaramdam tuloy ako ng inis dahil sa pang bubusina niya na parang wala ng bukas kaya nilapitan ko na ito at kinatok ang bintana ng sasakyan.
"Manong! Ano bang problema mo?! Bakit anla----"
Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa wakas nakita ko na kung sino ang nasa loob nito,pero sana hindi ko nalang kinatok, bwesit!
Panira ng araw ah!
"Get in.."
Ano daw sabi niya? Ang lakas naman ng loob niyang makipag usap sa akin na parang wala siyang ginawa ah!
"Ayoko nga! Bakit naman po ako sasakay say--- I mean sa sasakyan mo?!"
Tsk! Baliw ba siya, ayaw ko nga sana siyang makita ngayon eh! Pero napaka imposible talagang mangyari.
"Miss. Ocampo...Let's talk."
Wala paring emosyon niyang sabi, ewan ko sayo maka alis na nga.
Lumayo na ako sa sasakyan niya at naglakad ulit isinuot ko ulit ang earphone ko para hindi ko marinig ang busina niya, at salamat naman at tumigil na din siya sa wakas pinaharurot niya na ang kanyang kotse.
Ilang sandali pa ay nakarating din ako nakapasok na ako ng gate at tanaw ko sa may parking area nagkukumpulan na naman ang mga babae,napa ismid ako parang araw araw ata silang ganyan pagdumadating si Prof. Calix eh hinihintay talaga nilang lumabas siya ng kotse, wala naman silang ibang ginawa kundi ang mag tili eh,tsk.
Pumasok na ako ng building pero napatigil ako sandali dahil nakita kong nakatitig na naman si Prof. Calix sa akin,tiningnan ko lang siya ng masama, and i saw him smirk.
Kumaripas na ako ng takbo baka mahuli pa ako ng ibang estudyante na nakatitig sa lalaking yun, baka mag isip na naman sila ng masama at magiging mesirable pa ang buhay ko.
Ilang sandali pa ay andito na ako sa classroom namin.
"Bom,may good news kami sayo.."-tasha
Malawak pa ang kanilang mga ngiti na humarap sa akin,ako naman ay inilabas ang libro na literature dahil may e mimimorize pa ako.
"Hindi si Mr. De Guzman ang P.E teacher natin ngayon.."
Mabuti naman hindi si Mr. De guzman ang p.e namin ngayon, napakasungit at strikta kasi, ganyan talaga siguro pag bading at matanda na, natatawa tuloy ako.
"Mabuti naman kung ganun bom,so sino ang p.e prof natin ngayon?.."
Tanong ko pa, pero patuloy parin ako sa pag buklat ng libro,ano nga yung hinahanap ko dito?
"Guess who bom?"
Excited pa na tanong ni tasha sa akin,pero wala parin akong tigil sa pag buklat ng libro ko.
"Si Mrs. Santos?"
Hula ko naman, hindi parin tumitingin sa kanila.
"Hindi bom eh.."
Sagot naman ni Rowena
"Eh sino nga?."
Saan ba yung hinahanap ko bakit di ko makita?! Kainis ah!.
"Edi si Prof Calix, bom!.."- sabay silang dalawa,si tasha naka tili habang si Rowena naman ay relax lang, wala lang.
Pero teka anong sabi nila?
Napatigil ako sa pag buklat ng libro.
"Tama ba yung narinig ko bom?"
Hindi naman siguro no?
"Oo bom,si Prof Calix talaga ang p.e teacher natin ngayon, at alam mo ba bom kung ilang taon na siya?.."
Bakit sa lahat ng teacher siya pa talaga? Sinasadya niya ba o ano?!
"Pwede ba yun bom na siya muna ang magiging p.e teacher natin?!"
Tanong ko pa.
"Sa pagkakaalam namin bom, e si Prof. Calix mismo ang nag volunter na siya muna ang maging p.e teacher natin."-Rowena
Sinasabi ko na nga ba eh! Sinasadya niya ba? Siya na nga yung advisor namin tapos magiging p.e teacher pa namin siya? O siguro assuming lang ako? Paano naman ako magiging assuming yung pag halik niya sa akin anong ibig sabihin non?! Ha!
Tumango lang ako sa sinabi ni Rowena kahit labag sa loob ko.
"Bom,hulaan mo muna kung ilang taon na si Prof. Calix?"
Excited pa na tanong ni tasha.
"Hindi ako interesado bom."
Walang gana kong sabi, nakakawalang gana talaga, ibinalik ko nalang ang atensyon ko sa pagbubuklat ng libro.
"Oo nga bom hulaan muna."-Rowena na mukhang excited din,seriously? Pati ba naman si Rowena nawiwili na sa lalaking yun.
"Ok fine! So, ilang taon na siya?"
Wala parin gana kong tanong.
"29 years old na siya bom! Diba ang galing? Ang hot niya pa rin kahit 29 years old na siya,hindi talaga halata bom parang 25 years old lang siya diba?!"
Marahas kong sinara ang libro ko.
"What?!! 29 yrs. Old na siya?!"
Seryoso? Parang hindi eh, hindi talaga halata,napakakinis ng kutis niya,walang wrinkles,matipuno ang katawan may abs pa nga eh! Tapos yung labi niya sobrang lambot para sa 29yrs. Old na tulad niya----teka lang! Ano bang pinag iisip ko!!
Kung 29 years old na siya,panigurado may asawa na siya,may anak!!! WHAT!!!
"HINDI PWEDE!!!!"
Napatayo ako sa isipin na iyon.
"Bom.."
Tiningnan ko si Rowena na nakanganga, inilibot ko ang paningin ko at kitang kita ko ang mga reaksyon ng mga ka klase ko,naka kunot ang mga noo nila,yung iba natatawa, lalo na sila Veronica na ang tingin sa akin isa akong baliw, sumigaw ba talaga ako?!
Rinig ko ang papalapit na yabag kaya nilingon ko kung sino, napalunok ako.
"Ms. Ocampo..in my office..now!"
Matigas niyang sabi,tumalikod na siya at naglakad palabas ng classroom.
Hindi na tuloy ako nakapag salita dahil umalis na agad siya,hindi ko naman alam na nag ka klase na pala siya eh, nag uusap lang naman kami nila Rowena at tasha,pero bakit?!!! ganun ba kalalim ang iniisip?
Na sobrahan ata ako sa pag iisip ng kung ano-ano!!
Arrrghhh!! Nakakainis!
ANdito na ako sa harap ng office ni Prof. Claix,ok? Kinakabahan na naman ako,huminga ako ng malalim pero ang lakas parin ng kabog ng dibdib ko para atang sasabog,hay bahala na nga!
Kumatok na ako sa pinto.
Ilang sandali pa at bumukas na ang pinto bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Prof. Calix magulo na ang kanyang maayos na buhok kanina at gaya nung dati wala na ang kanyang necktie at naka unbutton na ang damit niya na kulay pula.
Napalunok ako, biglang nag sink in sa akin yung nangyari.
"Ms. Ocampo, are you just gonna stand there?."
Nakakunot ang kanyang mga kilay habang sinasabi iyon, ba't ba ang sungit niya? Sa tuwing nag ka klase siya ay sobrang ayos ng itsura niya pero sa tuwing nakikita ko sa labas eh magulo na ang buhok niya at pati damit niya mukhang galing siya sa isang mapusok na labanan.
What?!! Bigla atang nang init ang pisngi ko bigla ko ring na imagine kung anong itsura ni Mr. Kim na naka hubo't hubad ang kanyang katawan lalo na't pawisan ito.
NO!! Ba't ko ba to naiisip??? TUMIGIL KA AVENA!!!