Chapter 6

2146 Words
"Kasalan ko ito!" umiiyak na sabi niya habang nakaupo sila sa may labas ng ICU. "No, Lana. Huwag mong sisihin ang sarili mo," pag-aalo sa kan'ya ni Andrey. "Sinuway ko siya, ipinilit ko ang gusto ko kaya nagkaganito siya!" hagulgol pa niya. "Kahit hindi mo sabihin, alam kong tungkol ito roon sa lalaking kasama mo sa may restaurant. Lana, wala kang kasalanan. Nagmahal ka lang," seryosong sabi nito. "Andrey, anong gagawin ko? Mahal na mahal ko si Ethan. Hindi ko siya kayang mawala!" "E ang nanay mo ba Lana, kaya mong mawala?" seryosong tanong sa kan'ya ni Andrey na nagpatigil sa pag-iyak niya. "Lana, ang magulang hindi iyan mapapalitan. Marami ka pang ibang makikilala," May punto ito, pero paano na lang si Ethan? Malungkot siyang napabuntong-hininga at pinilit na magpakalas. Umuwi muna siya sa bahay nila para kumuha ng mga damit. Laking pasalamat niya at nandoon si Andrey para samahan siya. Pero nagulat siya nang makitang nag-aabang sa kan'ya Ethan. Halos maningkit din ang mga mata nito nang makita nito ang pag-alalay sa kan'ya ni Andrey. "Lana, sige maiwan ko na muna kayo. Sunduin na lamang kita mamaya." Seryosong sabi nito bago mabilis na tumalikod at naglakad pabalik sa sasakyan nito. Nang makalapit siya kay Ethan ay mabilis nitong nahawakan ang isang braso niya. "What was that, Lana? Bakit magkasama kayo ng lalaking iyon?" inis na tanong nito. "Ethan, okay lang ba kung sa ibang araw na lang tayo mag-usap? Tsaka hindi ba sinabi ko na sa iyo na huwag ka na munang magpupunta rito sa bahay? Alam mong hindi pa kayo maayos ni inay," seryosong sabi niya rito at mabilis na hinila ang braso at mabilis na nakahakbang papasok sa loob ng bahay nila. Walang tao sa bahay nila dahil ibinilin niya muna ang tatay niya sa isang kamag-anak nila malapit sa kabilang kanto. Nang makapasok siya sa kwarto niya ay nakasunod pa rin ito at mabilis ulit nahila ang isa niyang braso. "You're not answering my question, Lana. Bakit kayo magkasama ng lalaking iyon?" inis pa rin na sabi nito sa kan'ya. Saglit siyang natigilan? Sasabihin niya ba ang totoo? Mabilis naman siyang napapikit nang mariin. Hindi, hindi niya pwedeng sabihin kay Ethan na nanganganib ang buhay ng inay niya ng dahil sa relasyon nilang dalawa. "Tinulungan niya lang ako dahil may inuutos si inay." Iwas niya rito sabay hila nang malakas sa may hawak nitong braso niya. "Ethan, please umalis ka na muna. Sa susunod na lang tayo--" "Are you cheating on me?! E bakit susunduin ka niya ulit mamaya? What's going on?!" galit na tanong nito sa kan'ya. "Ethan, please--" Nagulat siya nang mabilis siya nitong niyakap. "Love, I love you. Alam mo iyan hindi ba? So tell me, what is really going on?" bakas sa boses nito ang pag-aalala. Gustong-gusto niyang umiyak sa mga bisig nito pero pinigilan niya ang sarili niya. Nakapag desisyon na siya, at tama si Andrey. Kahit anong mangyari ay mas mahal niya pa rin ang inay niya kesa kay Ethan. Gustohin man niyang sundin ang tinitibok ng puso niya ay hindi niya magagawa. Mas nangingibabaw ang pagmamahal niya para sa kan'yang ina. "Ethan," tawag niya rito at dahan-dahang bumaklas mula sa pagkakayakap nito. "Ethan, itigil na natin ito," seryosong sabi niya habang nakatingin sa mga mata nito. Kita niya ang gulat sa mga mata nito. At lalo siyang nasaktan nang makitang mabilis na tumulo ang mga luha sa mga mata nito. "Are you kidding me, Lana? Nagbibiro ka lang hindi ba?" hindi pa rin makapaniwala na tanong nito. Mabilis naman siyang umiling dito kasabay nang pagkahulog ng mga luha niya sa magkabila niyang mga mata. "Seryoso ako, Ethan. Itigil na natin ito," "Why?" mahinahong tanong nito. "Dahil na-realized ko na marami pa pala akong priority, na hindi ko pa kayang makipagrelasyon--" "No!" mabilis na putol nito sa sasabihin niya. "I don't fvcking believe you!" sigaw nito. "I'm sorry, Ethan. Pero iyan ang totoo," titig niya sa mga mata nito. "No fvcking way, Lana!" At mabilis nitong hinawakan nang mahigpit ang magkabila niyang braso sabay yugyog sa kan'ya nang mahina. "You love me, Lana. I know and I feel that!" sigaw nito sa kan'ya. Mahal na mahal kita, Ethan. Pero sana maintindihan mo na mahal na mahal ko rin ang nanay ko. Bulong niya sa isip. Kailangan niyang magpakatatag. Buong lakas siyang kumawala at itinulak ito palabas. "Umalis ka na, please!" pakiusap niya rito. "No, no, love! I won't. Hindi ako papayag na iwan mo ako!" mariing sabi nito sa kan'ya. "Wala ka nang magagawa Ethan, nakapagdesisyon na ako," matatag na sabi niya at mabilis niyang isinara ang pintuan ng kwarto niya. Pagkasarado ng pintuan ay mabilis nagtuluan ang umaapaw na mga luha niya habang mabilis naman niyang natakpan ang bibig niya para hindi marinig ni Ethan ang mga hikbi niya. Nang makahuma ay mabilis niyang inayos ang bag niya at nagdala ng iilang mga gamit. Dadaanan din niya ang tatay niya sa kabilang kanto para magpaalam. Bago pa siya tuluyag lumabas ay sumilip pa siya sa labas upang tignan kung naroroon pa ang motor ni Ethan. Nang masigurong umalis na ito ay tiyaka siya nagmamadaling lumabas. Sakto naman ang pagdating ng sasakyan ni Andrey at mabilis itong nakababa para salubungin siya. "Are you okay, Lana? Namumugto iyang mga mata mo," alalang tanong nito sa kan'ya. "Tinapos ko na ang lahat sa amin, Andrey," hagulgol na sabi niya. Pero mabilis siya nitong niyakap. "Shhh, I know how you feel Lana, iiyak mo lang iyan." Mahinang bulong nito sa kan'ya sabay tapik sa may likuran niya. "Siya ba?!" Bigla siyang napabitiw nang makarinig ng isang sigaw. Nang lingunin niya ito ay kita niya ang nagbabagang mga tingin ni Ethan sa kanilang dalawa ni Andrey. Pero bago pa siya makasagot ay mabilis na nitong sinugod si Andrey at pinagsusuntok. Dahil sa pagkagulat ay hindi kaagad nakahuma ang isa. Halos mapatay na nito si Andrey kung hindi niya lang ito napigilan. Malakas niya itong naitulak at nasampal. "Ethan, tumigil ka!" galit na sigaw niya rito. "Bakit ipinagtatanggol mo iyang lalaki na iyan ha, Lana?! Lalaki mo ba siya?!" galit na sigaw nito. Nang mapatingin siya sa paligid ay kitang-kita niya ang mga tsismosa niyang kapit-bahay na nakasilip na sa kanila. "Tapos na tayo Ethan, kaya wala na akong dapat pang ipaliwanag sa iyo," seryosong sabi niya at akmang tatalikod para tulungan si Andrey na nakahiga pa rin sa may lupa nang mabilis nitong hilahin ang isang braso niya. "Siya ba ang dahilan ng pakikipaghiwalay mo sa akin?!" galit na tanong nito. Ilang minuto niya itong tinitigan pero hindi siya nagsalita. Ayaw niyang magsinungaling dito. "Ano, Lana?! Siya ba?! Dahil ano? Dahil mayaman siya?!" galit na sigaw pa rin nito. Bigla naman siyang natigilan. Ayaw man niyang magsinungaling ay kailangan niya itong gawin para tuluyan na itong magalit sa kan'ya at kamuhian siya. "Oo, Ethan. Dahil napagtanto ko na tama si inay. Hindi ako mapapakain ng pagmamahal ko sa iyo," pikit-matang sabi niya rito. Kita niya ang lalong umusbong na galit sa gwapong mukha nito. "What happened to the woman I love, Lana? Iyong babaeng nangakong hindi ako ipagpapalit dahil lang sa wala akong pera," mahina pero seryosong sabi nito. "Tao lang ako, Ethan. May pangangailangan din kami ng pamilya ko at hindi mo iyon maibibigay! Dahil mahirap ka ring katulad ko at ayokong manatiling mahirap habang buhay!" mariing sabi niya rito. Kita niya ang pagtatangis ng mga panga nito sa galit. "I thought you are far different from the other woman I have known, Lana! Mukha ka rin palang pera kagaya ng nanay mo!" sigaw nito. Pero mabilis siyang nakalapit dito at sinampal ito nang malakas. "Huwag mong idamay dito ang inay ko!" galit na sabi niya rito. "Why wouldn't I?" ngisi nito sa kan'ya. "She doesn't like me because I am broke, I am poor as a rotten rat. At ang akala ko, kaya mo akong tanggapin dahil mahal mo ako. But I was wrong dahil naniwala ako sa iyo! Nagkamali ako dahil nagmahal ako ng isang babaeng kagaya mong mababaw at mukhang pera!" sigaw nito. Pero nagulat siya nang bigla nalang natumba si Ethan. Nakatayo na pala si Andrey nang hindi nila namamalayan. Akmang susugod si Ethan nang makahuma nang pumagitna siya sa mga ito. "Tama na! Andrey, halika. Kailangan mong magpagamot sa ospital." At mabilis na itong hinila palayo mula kay Ethan. "Mag-iingat ka sa babaeng iyan, sana ay huwag ka rin niyang iwan kapag wala ka ng pera!" sigaw pa ni Ethan. Akmang susugod ulit si Andrey nang hawakan niya ito nang mahigpit. "Drey, tama na please," pigil na bulong niya rito. Nang ganap na makasakay ay ni hindi niya na nilingon pa si Ethan kahit dinig pa niya ang pagwawala nito. Patawarin mo ako, Ethan... habang hilam ng mga luha ang buong mukha niya. ------------- Halos dalawang linggo na ang nakakaraan at unti-unti nang bumubuti ang kalagayan ng nanay niya. Himala rin itong nakaligtas sa coma at nagdesisyong sa bahay na lang magpapahinga. Laking pasasalamat niya kina Andrey at sa nanay nito dahil tinulungan sila at ipinahiram ng pera. Kailangan na rin ulit niyang magtinda dahil walang-wala na silang pagkukuhanan ng pera. Ito ang unang gabi niya at inaamin niya, kinakabahan siya sa muling pagkikita nila ni Ethan. Alas-siyete ng gabi nang ganap siyang makarating sa tulay. Kaagad niyang inayos ang mga paninda niya na dati ay si Ethan ang gumagawa. Nang ganap na maiayos ay nakikita na niya ang unti-unting pagdami ng mga tao. Halos dalawang oras na rin siyang naroroon pero hindi niya pa rin namamataan si Ethan. Pero bakit nga ba niya ito hinahanap? Hindi ba ay mas mabuti pa kung hindi sila magkita dahil hindi rin naman niya alam kung anong magiging reaksiyon niya. Alas-onse na ng gabi at nangangalahati pa lamang ang mga paninda niya, kailangan niyang mag-overtime sa pagtitinda dahil napakalaki ng utang nila kina Andrey. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, nang mapalingon sa may gilid ay nakita niya si Ethan habang naka-akbay ito sa isang sexy'ng babae. Kaagad naman siyang nag-iwas ng tingin at nakaramdam ng selos. Nang muling mag-angat ng tingin ay nakita niya na papalapit sa may gawi niya ang mga ito. "Wait, babe. Nauuhaw ako," biglang sabi ng babae kay Ethan at tumigil sa may harapan niya. "Do you have some mineral water?" maarteng tanong nito sa kan'ya. "Pasensiya na pero wala po," mahinang sagot niya rito habang nakayuko. "Can you buy me one please? Here." Sabay abot sa kan'ya ng isang libo. Nag-angat naman siya ng tingin at nagulat. "Ha?" "Just buy me a drink then keep the change," ngisi ng babae sa kan'ya. Kaagad naman siyang napakunot noo. Malaki iyon, at malaking tulong na iyon sa kikitain niya ngayong gabi. Pikit-mata niya itong iniabot at mabilis na tumayo. Pero nang lampasan niya si Ethan ay mahina itong nagsalita. "Mukha talagang pera!" Hindi niya ito pinansin. Sa halip ay mabilis na umalis at naglakad. Malapit lang naman ang bilihan. Ilang sandali lang ay nakabalik na siya pero wala na ang mga ito. Mabilis naman siyang bumalik sa pwesto niya at inayos ang mga paninda. Ilang sandali pa ay huminto na sa may harapan niya si Ethan. Pero mag-isa na lamang ito. Hindi niya alam kung paano niya ito titignan. "Where is the water?" seryosong tanong nito. Mabilis naman niyang kinuha ang tubig sa may gilid niya at iniabot dito. Hindi sinasadyang magdaiti ang mga daliri nila nang kunin nito ang bottled water. At para siyang nakaramdam ng kuryente kaya mabilis siyang napabitiw. Kita naman niya ang pagkainis ni Ethan dahil sa ginawa niya kaya mabilis na itong naglakad paalis. Halos atakihin na siya sa tindi ng t***k ng puso niya. Halos ala-una na ng madaling araw pero hindi pa siya umuuwi. Marami pa kasing mga tao sa mga oras na iyon. "Miss, papakyawin ko na ang mga tinda mo," biglang sabi sa kan'ya ng isang matandang lalaki. "Talaga ho? Naku! Salamat po!" masayang sabi niya rito at mabilis nang binilang ang mga paninda. Masayang-masaya siya dahil malaki ang kinita niya ngayong gabi. Mabilis na rin siyang nagligpit ng pwesto. Pagkatapos ay sumakay na sa tricycle at nagpahatid pauwi. Nang makababa ay kaagad siyang nagbayad at nagpasalamat. Akmang papasok na siya sa bakuran nila nang may humawak sa isang braso niya. Halos manlaki ang mga mata niya nang makita si Ethan. "E-Ethan?" "I just want to give you this." Seryosong sabi nito sabay abot sa kan'ya ng isang puting sobre. Nagtataka naman niya itong iniabot. "Ano ito?" pero halos manlaki ang mga mata niya nang makita ang laman nito. Makapal na lilibuhing mga pera. "Bayad ko," ngisi nito sa kan'ya. "Bayad? Bayad saan, Ethan?" naguguluhan pa rin na tanong niya. "That is my payment for your virginity. Baka isipin mo naman, wala kang napakinabangan sa akin," seryosong sabi pa nito. Halos manlaki ang mga mata niya kasabay ng pagtulo ng mga luha niya sa mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD