Halos isang linggo na rin niyang tinuturuan si Ethan pero hanggang ngayon ay sinasabi nito na hindi pa rin nito alam ang lahat. Parang sinasadya na lamang siya nitong inisin at pag-tripan. Pinaayos pa nito ang magiging opisina nito sa mismong tabi ng opisina niya. "Why here?" inis na tanong niya habang tinitignan ang pag-aayos ng mga tao nito. "Why not?" ngisi nito sa kan'ya. "The other floor is available, you can take that part so we can have a peaceful area," seryosong sabi niya rito. "This floor is much peaceful." At lalong lumaki ang ngisi nito bago ito tuluyang naglakad palayo mula sa kan'ya. "Hi!" Nang mapalingon siya ay nakita niya si Pia na todo ngiti habang may hawak na isang box at diretsong nakatingin kay Ethan. Napakunot-noo siya nang mapangiti si Ethan na bumaling

