Kinabukasan ay maaga siyang gumising. Sabado naman ngayon at wala siyang balak pumasok sa opisina. Mas gusto niyang maglaan ng oras para sa anak niya at kay Ray. Gusto rin kasi niyang sorpresahin si Ejay mamaya at sabihin ritong pupunta sila sa Sigapore next month. Mabilis siyang bumaba sa may kusina para magluto. Nang makarating sa may kusina ay nakita niya si Ethan na nakaupo roon at nagkakape. Dire-diretso lang siyang naglakad at nilampasan ito. Ni hindi niya ito binati. Kumuha lang siya ng priprituhin sa may ref pagkatapos ay sinimulan ng magluto. "Good to know na marunong ka pa palang magluto, akala ko ay feel na feel mo na talaga ang pagiging may bahay dito sa pamamahay namin," biglang sabi ni Ethan. Pero kagaya kanina ay hindi niya ito pinansin. Kung pwede lang na iwasan ito

